I dedicate this story to my college friends ^_~
Love you guys. Hope you read this.. Gruu!
This is my second story and it only contains three chapters so I am hoping that you would like it. *winks* ^_~
SOME of the characters are real people but I change the spelling of their names to give them some privacy.. ^_^
-------------
What things are you afraid of?
Makabili ng pekeng Iphone 5?
Mahulog sa kanal ang pinaka iingatan mong Samsung Galaxy Note 2?
Makakita ng multo?
O mawala sayo ang pinakamamahal mo?
*******
CHAPTER 1 : MEETING HER
"Alam nyo ba kong ano ang pinaka nakakatakot na lugar dito sa school?" - pambasag ni Darh sa katahimikan.
Nandito nga pala kami sa playground ng paaralan namin. Naka upo sa mga benches dito. Katatapos lang namin mag lunch ng mga kaklase ko. Maglalaro sana kami ng patentero pero bago lang kami kumain baka magka appendecitis pa kami. Imbis na maglaro at dahil walang magawa nag-iisip kami ng pag-uusapan at yun na nga biglang lumabas sa bibig ni Darh na kaklase ko yung topic/tanong nayon.
"Oo naman, syempre! Doon sa opisina ng principal!" - sagot ni Jahb. Isa sa mga kaklase ko.
Hmm, basta mga nakakatakot na mga kwento maaasahan mo talaga jan si Jahb. Adventurous kasi siya eh. Hehe. ^_^
"Tss. Pano mo naman nasabi?" - si Darh..
"Kasi may usap-usapan na habang nag roroaming daw yung guard nung isang gabi, nakita niya yung Principal's Office na may ilaw pa. Nagtaka siya kasi gabi na. Wala na dapat tao kasi nagsi-uwian na yung mga teacher at studyante ng mga oras na yun. Tapos pinuntahan nya yung office, may narinig siyang may nag-uusap pa sa loob. Nagtaka siya kung bakit may tao pa din sa loob. Syempre na curios siya kaya kumatok muna siya bilang paggalang, ilang minuto din siyang kumatok pero wala talagang nagbukas ng pinto. Napansin niyang di naman naka lock ang pinto kaya binuksan niya ito pero nagimbal talaga siya. . ." - pag putol niya sa kwento niya..
"Anong nakita nong guard?.." - pagpipilit ng iba kong kaklase para ituloy ni Jahb ang kwento.
"Bilisan mo naman, pinuputol mo yung kwento eh!.. Natatakot na tuloy kami.." - sabi naman ni Chuu.
"Binibitin mo naman kami eh!.." - sabi naman ni Kar habang kinakamot ang ulo niya.
"Bakit anong nakita niya?.." - sabi naman ni Dvyn.
"KASI WALA SIYANG NAKITA!!!.." - patuloy ni Jahb na nakasigaw para matakot kami. Natakot nga talaga kami!
"AAAAAAAHHHHH!!!!.." - sigaw ng mga kaklase ko habang nakatakip yung mga tenga nila.
"Tss! Wala naman palang nakita eh! Natatakot na kayo!" - sagot ni Sepee ang mahangin naming classmate. Psh! Sarap batukan nito. Ang sabihin niya di nya na gets ang kwento! Kung na gets pa niya yung kwento magtatatakbo sya sa takot! Talawan! Haha. *0*
"Bobo ka ba! Di mo ata gets yong kwento ni Jahb eh! Computer ka kasi ng computer." - iritang-iritang sabi ni Emz.
"Buti pa ni record nyo para pakinggan niya mamaya bago siya matulog! O di kaya mag-abang ka mamayang gabi dun sa labas ng Principal's Office!" - asar na asar na sabi ni Kai kang Sepee.
BINABASA MO ANG
HER UNDYING LOVE FOR HIM
Teen FictionHer love and his love were almost perfect that no one could ever break it. Then one day an incident happened and ruin that almost perfect relationship. Would he still think about the times when they were together, would he still remember their almo...