Nakilalala niya si Greg noong College sila. Isa itong engineering student at isang taon na lang ay ga-graduate na habang siya naman ay nasa 3rd year college na ng kursong Education. Iba man ang kanilang kurso, hindi ito naging hadlang para hindi magkrus ang kanilang mga landas. Lagi silang nagkikita sa campus ngunit hanggang tinginan lang silang dalawa.
Until one day, nasa labas na si Karen ng kanilang school. Naghihintay siya ng bus para makauwi sa kanilang bahay. Tatlong sakay pa bago siya makauwi. Nagmumuni-muni siya ng biglang may humatak sa kanyang bag. At nakita niya ang balbas saradong tao. Pinipilit nitong hatakin ang kanyang bag ngunit ayaw niyang bumitaw. Nandoon iyong pamasahe niya isandaan pa yun at may bente pa siya sa kanyang bulsa at hindi na kasya yun sa pamasahe. Pagnawala iyon ay baka hindi na siya makauwi. Nakipagbuno siya sa paghatak ng kanyang bag.
"Magnanakaw! Walang hiya ka! Pansakay ko na lang yan kukunin mo pa?"
"Hampaslupa!..." sigaw lang siya ng sigaw.
"Ikaw mahal ng lupa. Pandak! Pandak!" Balik sigaw naman ng magnanakaw sa kanya. Oo maliit siya pero alam niya sa sarili niya na maganda siya. Ha? Naisip niya pa yun sa ganitong sitwasyon.
"ang lakas naman ng loob mong Pontio Pilato ka! Na anak ni Hudas" sinipa niya ang magnanakaw sa tiyan ngunit hindi man lang ito natinag. Sinipa niya ulit ito, nasaktan man ay tiniis par in para makuha lang ang kanyang bag. Akala siguro nito ay marami siyang pera. Mukha lang siyang mayaman pero kabaliktaran naman
Pinipilit parin niyang hatakin ang kanyang bag at dahil sa payatot siya hindi siya nagtagumpay na makuha ang pinakamamahal niyang bag. Wala pa namang masyadong tao dahil nakauwi na ang mga istudyante.
"Makarma ka sana! Mauubos din ang lahi niyo mga magnanakaw! May araw ka rin sakin!" napaupo siya sa inis at galit sa magnanakaw.
" Tinawag pa akong mahal ng lupa? Pandak?Bwiset siya." Dinukot niya ang kanyang bente pesos sa kanyang bulsa at pinagmasdan lang ito. Inis na inis siya, baka kung may lumapit sa kanya ay mabulyawan niya pa ito.
"Miss okay ka lang ba?" tanong ng isang lalaki sa kanyang likuran. Halata sa tinig nito na nahahapo. Hindi niya na ito hinarap bagkus ay nagsalita lang siya.
"Duh? Paano ako magiging okay eh ninakaw iyong bag ko. Kung may tumulong lang sana eh hindi yun na..." tumigil lang ang kanyang bibig ng harapin niya ang lalaki....
TBC...
BINABASA MO ANG
When You See Stars
NouvellesWill that epicfail incident ruin the lover's relationship? Read and Know