Chapter 54 (Convince)

1.5K 42 1
                                    

Chapter 54

Convince

"Hayahay tayo ngayon," ngisi ni Edison habang naghihintay kami ng masasakyan papuntang mall.Dahil kakasimula pa lang ng semester,hindi pa gaanong mabigat ang mga pinapagawa sa amin.

Maaga rin kaming d-in-ismiss ng prof namin dahil miyembro siya ng faculty na nag-aasikaso ng mga nag-eenrol.May mga late enrollees pa kasi.Instead of two hours,thirty minutes lang ang ginugol ng prof namin para idiscuss kung anong dapat naming i-advance reading at kung anong mga requirements sa subject niya.

Nakita namin ang parating na bus na daraan sa mall kaya agad namin iyong pinara at nagmadali kaming sumakay."Puno na," mahinang sambit ni Rich habang naglalakad kami patungo sa pinakalikod ng bus dahil doon lang kami may nakitang bakante.Apat na bakante lang ang naroon at may dalawa sa harapan.Labindalawa kami.Hindi kami kasya.

"Rhum,dito ka na," bumaling ako kay Seth na nakaupo na sa pinakadulo.Lumapit ako doon sa pag-aakalang may bakante pa ngunit nakita kong wala na pala.Nang tuluyan akong makalapit ay tumayo si Seth. "Upo ka na," aniya sa akin.

Hindi na ako nag-atubili pa at agad nang umupo.Mahirap na.Baka maunahan pa ako ng mga kaibigan namin.Ang hirap kaya magstanding sa bus.Kahit sabihin pang hindi naman kalayuan ang destinasyon namin.

Katabi ko sa upuan si Nohlan na kalong-kalong si Saida habang ang iba naman naming mga kaibigan ay pumwesto sa unahang bakante o di naman kaya ay nakatayo.

"Kawawa naman si Seth oh! Nakatayo lang siya," parinig ni Saida sa akin.Tinignan ko ang nakatayong si Seth na nasa aking harapan at tila nag-aabang ng isasagot ko sa sinabi ni Saida.

"Ginusto niya 'yan," sambit ko habang bumabaling kay Saida.

"Grabe! Ang sama ng ugali," komento naman ni Nohlan. "Wala man lang gratuity," pangungunsensya niya pa.Automatic tumaas ang kilay ko kahit pa alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Oh siya sige! Ako ang magbabayad ng pamasahe niya alang-alang sa gratuity na 'yan," sabi ko na nagpatawa sa kanilang tatlo.

"Hindi na kailangan," sabad naman ni Seth sa usapan naming tatlo. "Okat na ako sa ganito," aniya at ganun na lang ang panlalaki ng aking mata nang bigla siyang lumapit sa akin para kumalong.

"Hay! Salamat,nakaupo rin," aniya na para bang naginhawa nga sa pagkaupo niya sa aking mga hita habang nakanganga naman akong nakatingin lang sa kanya.Mula sa aking peripheral vision ay tila ba nagulat din ang magnobyong Saida at Nohlan kaya hindi rin sila nakaimik at nakatingin lang din pareho kay Seth.

"Ang lambot naman ng kutson," komento niya pa at pumatalbog-talbog sa aking mga hita na para bang tinitest niya ang lambot n'yon na ayon nga sa kanya ay kutson.

"Ga....go," natatawang sambit ni Saida nang nakabawi sa pagkagulat.

"M-Mabigat," utal kong sabi as a way of saying na sana ay umalis na siya mula sa pagkakandong sa akin.I know for a very fact that my face turned into tomato red.Ramdam ko.Nanginginit ang aking magkabilang pisngi dahil sa kanyang ginawa.

"Uy! Sorry," kunwari ay nagulat niyang turan."Shit! May tao pala," sabi niya pagtapos ay tumayo na.

"Asus! Tsansing," nangingiting ismid ni Nohlan habang ipinapatong ang kanyang baba sa balikat ni Saida.

"Asus! PDA," comeback naman ni Seth.

"Inggit ka? Gawin mo rin," challenge ni Nohlan sa kanya.

Kinabahan ako nang bigla siyang tumingin sa akin.Natakot ako bigla sa kung anong kalokohan na naman ang kanyang gagawin.Mabuti sana kung kami-kami lang.Ang problema,puno iyong bus at may mga nakakakita sa mga pinaggagawa namin.Lihim akong napatingin sa aking katabing pasahero at mabuti nalang tulog iyon.

"Huwag,strict ang parents ko," biro ni Seth.Natawa si Nohlan sa kanyang sinabi.

"Hayaan mo na.Nakapangmanyak ka naman," kantiyaw ni Nohlan na lalong nagpapula ng aking mukha.Langya naman oh!

Di katagalan ay bumaba na rin ang pasahero sa akin tabi.Kasama niya pa ang tatlo pang nakaupo sa dulong hilera ng upuan ng bus kaya kaming apat na lang nila Nohlan,Saida at Seth ang natira doon.Nakita kong nakaupo na rin ang mga boys dahil may mga pasahero na ring nagsipagbabaan sa ibang lugar na dinaraanan ng bus.

Umusog ako para bigyan ng space na mauupuan si Seth.Naging ako ang nasa pinakadulo habang si Seth at Nohlan naman ang magkatabi ni.Umupo na rin sa bakanteng upuan si Saida katabi ni Nohlan.

"Boring,man.Mall na naman.Mapapagod lang tayo sa paglalakad doon eh," nababagot na komento ni Nohlan.

"Atleast airconditioned," pang-asar sa kanya ni Seth.

"Bakit? Air-conditioned din naman bahay ninyo ah," sabad ni Saida at nakuha ko agad ang gustong iparating ng magnobyo.

"Connect?," clueless na tanong ni Seth.

"Ano ba 'yan," bugnot na sabi ni Saida.

"Movie marathon na lang tayo sa inyo.Tapos luto tayo ng pagkain," pangungumbinsi ni Nohlan.

"Ayoko!," matigas namang tanggi ni Seth. "Magkakalat na naman sa bahay.Nakakapagod maglinis.Sa Susunod na araw pa darating 'yong cleaning lady namin," he added.

"Grabe! Hindi naman kami nagkakalat kapag dumadalaw doon," nguso ni Saida.

"Hindi nga.Eh kung magluluto at doon kayo kakain,aba,ako pa maghuhugad.Swerte nyo eh," rason ni Seth.

"Sige! Kami na maglilinis at maghuhugas," pakikipagdeal ni Seth sa kanya.

"Mall na lang," pagmamatigas ni Seth.

"Nakakasawa na kasi," palatak ni Nohlan.

"Nakakasawa," Seth mocked. "Ang sabihin mo,gusto nyo lang dalawa magharutan," asar niya pa kina Nohlan at Saida.

"Ulol," tugon ni Nohlan na umani ng tawa mula kay Seth.Nakita kong tumingin si Saida sa akin.She stared at me for a minute then smilingly whispered something to Nohlan.Nagkinditan pa silang dalawa.

"Rhum,gusto mo ba sa mall?," tanong niya sa akin.

"Okay lang," sagot ko.Gusto ko sa mall dahil marami kaming mapupuntahan doon.Ngunit kung ipupush nila ang pagpunta sa bahay nila Seth ay go ako.Susuportahan ko sila.Sa hinuha ko naman ay gusto nilang tulungan ko silang kumbinsihin si Seth.

"Hindi ka ba nagsasawa? Parati nalang tayo sa mall?," pasaring na tanong ni Saida.

"Oh eh di maghotel kayo," sabad ni Seth dahilan para pati ako ay matawa.Ang sungit!

"Oo nga,nakakasawa rin," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Saida.

"Tara,hotel na lang tayo," seryosong baling ni Seth sa akin at hinawakan pa ako sa kamay na para bang inaaya niya talaga ako.Hindi ko napigilang ihilamos ang aking palad sa kanyang mukha dahil sa kalokohan niya.When I took my hands off his face,he was already grinning boyishly.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na akbayan siya at inilapit ang aking mukha sa kanyang balikat.Ngumuso ako para magpacute.Uso naman ang pabebe ngayon.

"Sa inyo na lang tayo," I convinced him as I unintently stroke his earlobe with my point finger.

He was taken aback but still managed to answer. "Gumaganyan ka ah.Sige ka,kapag ako nasanay," he laughingly stated or should I say warned.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon