Chapter 1

42 0 3
                                    

Sabado ngayon, ang araw ng pagbababad ko sa harap ng computer namin. Medyo matagal tagal rin bago ko natapos tignan lahat ng mga notifications ko sa aking FaceBook account. Tuwing weekend lang kasi ako nag oopen kaya naiipon ang mga friend requests, messages and notifications.

I was scrolling sa homepage nang biglang may nag PM sa akin, si Javon , classmate ko. I clicked the chatbox.

" Kristie! "

" Op? " Nagreply ako agad.

" What if, may manligaw sayong, heart throb sa school at yung malakas ang appeal sa mga babae? Mawawala na ba yung pagmamahal mo kay Jerold? " Dere-deretsong basa ko sa chatbox.

Sa mga oras na yun, parang nagtataka lang ako kung ba't kaya biglang nagtanong ng ganun sakin si Javon. Never ko pa nga yata siyang narinig o nakitang nakikipag-usap na ang topic ay love. E, wala naman yatang alam at pakealam yun sa love. Tawa lang yun nang tawa ng napakalakas sa classroom. Tsaka, minsan lang din kami mag-usap sa school. Hindi kami close. Kung nag-uusap man kami, nagpapakwento lang siya sa'kin ng mga nakakatawang jokes at yun, sobra na siyang humahagulgol sa tawa.

Tapos, siya na yung magkwekwento, even if I didn't ask him to. Napapatawa na lang din ako sa mga kwento niya kahit hindi naman nakakatawa. Hindi niya alam na ang tinatawanan ko e yung tawa niya na mas nakakatawa pa kaysa sa joke niya.

Nagtype na ako sa keyboard.

" Uhmmm, depende kung sino yung guy na yun kase, kahit gaano pa siya kagwapo kung wala naman akong nafe-feel sa kanya, diba? Tsaka oo, ewan ko ba. Mahal ko pa rin talaga si Jerold hanggang ngayon. Kahit na hindi naman naging kami. Hahaha! " Patuloy kong type sa keyboard. 

" Tsaka, teka lang. Ba' t mo ba natanong? "

" Basta. Ba't kase hindi mo siya makalimutan? "

" Hindi ko nga alam.. -.- Kahit na loving him causes me pain. Hahaha! Tsaka siguro ganun talaga pag First Love. Totoo pala yung, First Love Never Dies? haha! :3 "

" Eh, ano nga kung may manligaw sayong gwapo? Yung talagang sobrang lakas ng appeal sa mga babae ah. "

 " Hindi ko nga alam! Tsaka bakita ba?! "

Ba't kaya niya tinatanong. May ilalakad ba siya saking ganung tipo ng guy? Sino? Naghihintay lang ako sa reply niya habang nakatitig sa nakalagay sa chatbox na, Javon Hugson is typing a message.

Then, puff !

" Sasabihin ko na nga.

Pwedeng manligaw? "

Natawa lang ako mentally sa sinabi niya. Alam na alam ko kasing nag jojoke lang siya. Si Javon kasi yung tipo ng lalaking mahilig sa jokes. Mahilig siyang magpatawa at pagtritripan niya ang kahit na ano mang makakaaliw sa kanya. I know that this was just a part of amusing himself.

At mas lalo akong natawa dahil yung dinedescribe pala niyang gwapo, at malakas ang appeal sa mga babae ay ang sarili niya. Haha!

Pero, it's a matter of fact din naman. Gwapo siya.

" Haha! An' trip mo ngayon Javon? "

" Hindti 'to trip Kristie. "

" Hayyy naku. Hindi na joke yan Javon. Pero, medyo natatawa ako. Hahahahahaha! "

" Atlalong hindi 'to joke. Hindi talaga. Seryoso ako Kristie. "  

May pasadfe-sad face pa siyang nalalaman. Haha! Natatawa na lang talaga ako.  

" Seryoso ako Kristie! "

Papaniwalain niya akong nanliligaw talaga siya tapos pag umoo ako, ikwekwento niya sa mga classmates namin para mapagtawanan ako. O, di kaya naman i pri-print screen niya. Nakakahiya yun noh. Akala siguro niya mapapaniwala niya' ko. ;-D

LOVE THROWER, PAIN CATCHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon