Chapter 29
Tatlong linggo na ang nakakaraan simula ng nakausap ko si Sabrina at sa loob ng tatlong linggong iyon ay parang sirang plakang sinasariwa sa isip ko ang eksenang iyon. Langit para sa akin ang makausap siya kahit sa panandalian lamang.
Hindi na nasundan iyon pero patuloy pa rin ako sa lihim na pagsusubaybay sa kanya.
Ako ang dakilang stalker niya. Tuwing hapon lagi ko siyang inaabangan sa parke para maglaro ng volleyball kasama ang mga kaklase niya.
Pero ngayong araw na ito, buo na pasya ko. Magtatapat na ako ng pag-ibig sa kanya mamaya. Ayoko ng maging lihim na taga-hanga na lamang niya. Okay lang kahit mabasted ako, ang mahalaga, masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Napag-alaman kong graduation nila ngayon at siya ang class valedictorian ngayong taon. Lalo iyong nakadagdag sa paghanga ko sa kanya. Siya ang isang halimbawa ng 'Beauty and Brain'.
Iko-congratulate ko siya. Tama. Iyon ang excuse ko para makalapit sa kanya at makausap siya.
Bago pa man magsimula ang event ay nandito na ako sa audience stand ng convention center kung saan gaganapin ang graduation ceremony nila. Inilapag ko muna ang bulaklak na ibibigay ko para sa kanya mamaya at halos magkanda-haba ang leeg sa kakatanaw kung dumating na siya. Sinusuyod ko ang bawat participant na dumarating.
Nagsimula na ang programa pero wala pa rin si Sabrina. Nag-alala na ako.
Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?
Nung in-announce na ang award para sa Valedictorian ay wala pa ring lumitaw na Sabrina. Paulit-ulit siyang tinawag sa stage pero hindi siya dumating.
Agad akong umalis ng convention center at tinungo ang bahay nila para alamin kung may nangyari sa kanya. Alam ko kung saan siya nakatira.
Nagtaka ako ng wala akong nadatnang tao doon. Sarado ang bahay nila at wala ring nagbubukas ng pinto kahit anong lakas ng pagkatok ko.
Nanlulumo akong umalis at wala sa sariling naglakad. Nag-aalala ako para sa kanya. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Isipin ko pa lang na may masamang nangyari ay para nang pinipiga ang puso ko.
Dumiretso ako ng simbahan at taimtim na nagdasal para sa kaligtasan ng babaeng lihim na minamahal ko.
Mag-a-alas otso na ng gabi ng umalis ako ng simbahan at nagpasyang umuwi na. Baon pa rin ang pag-aalala para kay Sabrina.
Malapit na ako sa bahay namin ng may mamataan akong pigura na nakupo sa bench ilang metro lang ang layo sa amin. Kahit nakayuko ay kilalang-kilala ko ito.
Si Sabrina!
Patakbo akong lumapit sa kanya at hiwawakan siya sa balikat.
"Sabing, anong ginagawa mo dito?"
Tumingala siya sa akin. Mugto at namumungay ang kanyang mga mata.
"Oh hi! What did you call me? Sabing? Hahaha...parang saging? Hahaha! How about 'Bing'? Yeahhh...I like it! Nakaka-uta na ang Sab eh! Haha! From now on, you call me Bing! Olrayt?!"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Umupo ako sa harap niya para magpantay kami. Napansin ko ang apat na bote ng beer sa gilid niya. Mukhang wala ng laman 'yong tatlo.
Bakit naglalasing siya? Ambata pa niya para uminom.
"Bakit hindi ka pumunta sa graduation mo? Saka bakit umiinom ka ng alak?"
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...