Beautiful Nightmare

32 3 0
                                    


"Class Dissmis." Sabi ng Prof. namin, pagkatapos nun umalis na siya.

Yes! Natapos din sa wakas!

"Uy guys dota tayo!" hiyaw ng isa kong kaklase sa aming barkada.

"Sige! Sige!" sagot naman nung iba kong kabarkada, habang busy naman ako sa pag-aayos ng damit ko.

"Ikaw ba sasama?" Tanong naman sa akin ng pasimunong nag-aya!

"Tch. Pass ako jan, kung ako sa inyo idate niyo nalang mga syota niyo! Ge alis na ako." Sabay ngisi sa kanila.

"Tsk! Tsk! Tsk! Ayoko na nga lang din sumama."

"Haha ako din!"

"Ayoko na din! Hanapin pa ako ng syota ko eh."

See? Haha, buti ako loyal sa Gf ko. Ay oo nga pala, wala akong Gf. Saklap...

Hindi naman sa torpe ako, eh wala akong GF, sadyang ayoko munang pag-tuunan ng pansin sila. Tsaka mas masayang maging Happy go lucky, kesa naman palagi kang nakatali.

Anyway papunta na ako sa isang pasilyong madilim, dito ako parating dumadaan, mabilis lang kasi ako nakaka uwi sa unit ko pag dito ako.

Pero ang nakakapagtaka lang, bigla akong napahinto sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit? Buti nalang at andito pa ako sa labas ng pasilyo. Once kasi napa stop ako sa loob nun, baka maging bakla ako ng wala sa oras.

Maya maya lang, may narinig akong umiiyak, palakas ng palakas ito banda sa akin hanggang sa tuluyang may naaninag akong pigura.

Pigura ng isang babaeng patakbo sa akin.

Unting-unti ko siyang nakikita ng malinaw hanggang sa makalapit ito sa akin.

"T-tulungan m-mo..ko." Sabi pa nito. Gusto ko tumakbo sa mga oras na'to dahil sa itsura niya. Ngunit di ko magalaw mga paa ko! Nyeta!

"H-huh??" Naguguluhan kong tanong dito.

"I-ilayo m-mo ako dito p-para rin say-"

"HUWAG KANG LALAPIT!" Sigaw ko dito! Takte! Palapit kasi siya ng palapit sa akin eh,

Sinong hindi matatakot sa kanya? K-kung itsura niya eh, puro d-dugo..

Hindi nga ako mahilig sa babaeng mga nakamake up eh! Tas siya pa kayang puro dugo?!.

"P-parang-awa mo na..."

Biglang kumirot yung puso ko ng nakita ko siyang lumuluha, Bakit ganun? Hindi ko siya kilala, pero nung lumuluha na siya sa harap ko, gusto ko rin umiyak?

Fvcksh!t naman oh! Lakas maka konsensiya eh! Huwag ganun!

"S-sige na nga..." Tanging sagot ko sa kanya.

"S-salamat.." Hindi na kami dumaan sa pasilyong yun, dahil nga sabi niya. Sumakay na kami sa isang taxi, para mabilis na agad makapunta sa unit ko.

"Tsk, ano bang nangyari sayo?"
Pagkatanong ko niyan biglang tumingin sa aking yung driver ng taxi.

"Ako po ba tinatanong niyo?" Tanong rin nung driver. Mukha bang siya yung tinatanong ko?!

Tsk. Umiiling ako dito sa halip tumingin nalang sa bintana.

Habang nag se-senti ako, bigla naman nag salita tong babaeng katabi ko.

"Nabugbog ako.." Pagkarinig ko sa sinabi niya, bigla akong kinalibutan. Hindi ko alam kung sa tono ba nang boses niya, o sa sagot lang nito.

Pagkatapos nun, naging tahimik na naman, hanggang sa maka uwi na kami.

At as always tahimik na naman habang naglalakad kami malapit na rin kasi kami sa unit. Bwisit kasi yung driver eh, pinababa agad kami.

Iika-ika pa naman siyang mag lakad, tsk bahala siya jan, nakakalakad naman parin naman siya eh.

"Napagsamantalahan..." Bigla akong napatingin sa kanya. At napahinto sa paglalakad. Buti nalang talaga nasa harap na kami nang unit ko.

Sa mga oras na'to umiiyak na naman siya. At sa mga oras rin yun, gusto kong punasan mga luhang pumapatak sa pisngi niya.

Pero di ko magawa. Tang ama naman oh!

"Binaboy nila ako.." Kita sa mga mata niyang pagkawala nang mahalaga sa pagkatao niya.

Hindi ko maiwasan umiwas ng tingin, dahil wala naman akong masasagot sa kanya.

Sa halip ng yung, binuksan ko nalang yung pinto ng bahay. At hindi nalang siya pinansin.

Meron pa nga siyang sinabi kaso masyadong mahina para marinig ng maigi yun.

Pag kabukas ko ng bahay nakita ko si mama na natutulog sa sofa habang bukas yung T.V

Tsk. Si mama talaga.

"Pumasok kana rito, para magamot yang mga sugat mo."

Ngumiti ito ng mapait, at umiling, "H-hindi na, kaya kona 'to.."

"Okay. Doon sa kabilang kwarto matulog ha, inaantok na kasi ako." Tanging sagot ko dito. Papasok na sana ako nang nagsalita na naman siya.

"Pasensiya nga p-pala... Paseniya nga pala s-sa lahat ng ginawa k-ko. Sana naman mapatawad mo na ako.."

Dahil sa mga makaguhulugang sabi nito sa akin, napaharap ako dito na naguguluhan.

Kaso..

Paglingon ko sa kanya, linawag na yung nakita ko..

Tinignan ko yung paligid ko, Nasa kwarto na ako na nakahiga? May kumot pa ha? Umaga na pala.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si mama na nagluluto.

"Gising ka na pala anak. Oh kain kana jan." Hindi ko siya pinansin, sa halip dumeretso ako sa hapag-kainan.

"Nga pala anak, saan kaba dumaan pa uwi? Buti walang nangyari sayong masama. Kasi may nabugbog daw dun kagabi sa dinadaan mo palagi. Naku! Tigilan mo dun anak dumaan ha."

Bigla akong napatingin sa sinabi ni mama. Saan nga ba ako dumaan kagabi? Imposible namang hindi diba? Kasi panaginip ko lang yun.

O baka niligtas na naman niya ako?

Palagi nalang ganito. Palagi nalang siyang dumadalaw sa mga panaginip ko. Kasabay nun, minsan nililigtas niya pa ako sa pahamakan.

Palagi din siyang humihingi ng pasensiya sa akin... Ganto sa siya humihingi ng tawad.

Dahil yun sa nagawa niyang kasalanan sa akin, matagal ko nang kinalimutan yun, nang namatay siya araw pa nun yung aniversarry namin mag syota. At ang tanga ko lang na hindi ko pa siya pinakinggan noon.

Pero p*tang-in@ naman oh! Pwedeng tama na?! Oo tatanggapin ko yan! Pero please babe, itigil mo na yan, baka mapagod ka, ayaw kong mangyari sayo yan. Gusto ko rin maka move-on.

Pero paano ako magmumove -on kung patuloy kang gagambala sa mga panaginip ko?

Babe huwag kana magsorry, okay? Kinalimutan ko na yun. At hanggang ngayon mahal na mahal parin kita. Happy Death Anniversary and Happy Anniversary mahal ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon