This story is a ONE SHOT composition. Im not a professional writter so please, paki intindi nalang po yung mga errors :) thankyou ;)
“WISH”
PROLOGUE
“Ang sarap talaga sa pakiramdam yung alam mong mahal ka ng mahal mo. Yung naaapreciate nya yung lahat ng effort mo para lang mapasaya mo sya,..na sya yung taong gusto rin ay pasayahin ka kasi alam nyang hindi ganun kasaya yung pinagdadaanan mo sa buhay… Yun naman ata ang wish ng lahat ng mga tao.. Ang makatagpo ng taong magagantihan yung mga I love you’s mo tuwing sasabihan mo sila ng ganun.
Pero paano kung dahil sa isang maliit na tampuhan, magbago ang lahat? Mawala ang lahat ng parang bula ng dahil sa isang bagay na ginawa mo para sa isang napakaimportanteng tao. Paano kung dumating yung oras na kailangan mong mamili sa pagitan ng dalawang taong pinakamahalaga sa iyo? Paano kung dumating yung oras na kailangan mong mamili sa pagitan ng kasiyahan mo at responsibilidad mo…?
Kakayanin mo ba ang lahat?...
Kakayanin mo bang mamili sa pagitan nilang dalawa?...
Handa ka bang harapin lahat ng maging pwedeng bunga ng lahat ng desisyon mo?...
Hihilingin mo bang sana, magbago sa isang iglap lahat ng mga nangyayari sa iyo?...
Sabi nga nila...kapag hindi mo na talaga alam ang gagawin sa sobrang komplikado ng mga pangyayari,
light a candle...
make a WISH …
and blow it....
STORY:
“haaayy…goodmorning!” masayang bati ko dahil may bagong umaga nanaman akong nabungaran. Syempre as my daily routine, may isang bagay akong di ko nakakalimutang gawin. Kinuha ko yung cellphone ko para magtext.
To: baby <3
Goodmorning baby! I LOVE YOU! :* :* J
sent..
Yes. Yan ang lagi kong routine tuwing umaga na hinding hindi ko nakakalimutang gawin. Sino si Baby? Sya lang naman ang pinakamamahal kong bestfriend, si VINCE. Kung nagtatanong kayo sa dahilan kung bakit ako nag a-I love you sa kanya tuwing umaga, nako. Mahabang storya.
A/N: Kung gusto nyong malaman yung story ni Kim at Vince, abangan nyo nalang po yung susunod na story ko entitled: DREAMS J. Andun yung mismong story nila.)
Pero, teka, di pa pala ako nagpapakilala. I’m Kim Buenaventura. Sounds rich nho? Pero opposite ako ng apelyido na yan. I’m living with a family who holds the name Santos. Different? Simply cause I’m adopted. So, ayun. After kong gawin yun, all day long nanaman kaming magkatext. Hindi lilipas yung araw na hindi kami magkatext. Ganun kami kaintouch sa isa’t isa.
“Maglinis ka na at tanghali na!” sigaw ng aking ina.
“opo. Andyan na!” wala naman akong ibang magagawa kundi ang sundin ang mg autos nya kasi wala akong laban.
*You have a message! You have a message!*
I look at my phone kung sinong nagtext..and as usual, sino pa ba? Edi si vince.
Vince: Kaen ka na baby. I love you! Eatwell :* J
ako naman: :””””>
Ganyan ako palagi. Kahit simpleng text lang basta galing sa kanya, Masaya na ko. Siguro nga, ganun ko lang kagusto ang matext ng ganun kasi, aminado ako, wala pang nakakapag I love you sa akin kahit isang tao maliban sa kanya. Kaya simula nung nagging magbestfriend kami, at unang beses nya akong sinabihan noon ng I love you.. Di ko naitago yung saya. Yung tuwa. Biruin mo kasi, ya lang yung nagsabi sa akin ng ganun. Kaya starting that day, I want him to be my treasure. Ayoko nang mawala sya sakin. Yung iwan nya ko. Kasi, parang feeling ko, mapagiiwanan na ako kapag nawala sya sa akin. Kaya nga nag promise kami sa isa’t isa na bestfriends kami forever.