Chapter 22

977 51 17
                                    




Chapter Twenty Two




"Lucrecia Greco, your new bodyguard."

"What?!"

Agad kong hinawakan ng marahan ang braso ng aking katabi, na ngayon ay masama ang mga binibigay na tingin sa aming kaharap. Gulat man, mas inuna kong pakalmahin ang kasama kong nakakuyom na ang kamao. Mahirap na kung dito pa magwala ang professor na ito, ang daming estudyante.

Napansin ko na nga ang iilang tingin ng mga nadaan malapit sa amin. Nasa gitna pa rin kasi kami nakatayo hanggang sa nakarating si Miss Greco sa aming pwesto.

Ngunit mukhang hindi natinag ang kasama ko at madilim ang ekspresyon sa mukha na lumapit sa kaibigan. "Don't fucking play with me, Greco. I'm gonna—"

"Vera!" I said in a harsh whisper to stop her. Tumigil naman ito sa kaniyang sasabihin pero nanatili ang masasamang tingin sa kaibigan. Lumingon naman ako kay Miss Greco ng puno ng hesitasyon pero ngumiti ng maliit. "Did he send you here today?"

"You believe her?" Hindi makapaniwala na lumingon sa akin si Vera bago ibalik ang tingin kay Miss Greco, "Obviously, she's kidding. There's no way your father will hire her."

"Pwede ba? I'm trying to talk to her. Kumalma ka nga," inis kong sabi kaya bahagya itong nagdabog pero nanatili sa aking tabi. Hindi nawala ang masasamang tingin nito kay Miss Greco, na siyang ikinailing ko na lamang.

"I just got a message from your father last week. He didn't tell you?" Nagtataka nitong tanong habang kinukuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang slacks.

Umiling naman ako sa kaniyang sinabi, "He just told me today that I have a new bodyguard— I just didn't expect that it was you," sabi ko ng may maliit na ngiti sa aking labi.

"I've never expected her," sabat ni Vera habang magkakrus ang mga braso. "Considering that she's an incompetent human being." Sinamaan ko naman siya ng tingin sa kaniyang sinabi, na nagpasimangot lalo sa kaniya bago umiwas ng tingin sa amin.

Natawa lang naman itong si Miss Greco, enjoying the irritation on her friend's face. "It seems like your former bodyguard doesn't like me." Nang aasar na turan nito kay Vera, na lalo lamang nagpagalit dito sa isa.

"You bet, Greco." Vera seethed habang ako ay nagpipigil na hinawakan ang braso nito nang akmang lalapit sa isa.

Ngumiti ako ng pilit sa isa habang hawak ko pa rin ang braso ng aking kasama, "We're going. May klase pa po kasi ako. I'll send you my schedule— can you put your number here?"

"Amore—"

"Dad's orders, Vera. Please," pagpipilit ko kaya tumagal ang titig nito sa akin bago tanggalin ang aking hawak sa kaniya at nauna ng maglakad papaalis sa aming pwesto. "Miss Costales!"

I watch her back and the tension on her shoulders while walking towards their building. I just looked at her back, feeling helpless dahil nilalagay pa rin ni Miss Greco ang kaniyang number sa aking phone. Alam kong hindi lang simpleng inis ang nararamadaman nito ngayon but I just can't argue with my father's demand. If kaya ko siyang gawin dati, ngayon ay hindi na. I realized a lot of things when Vera was my bodyguard pero parang ako din ang nahihirapan ngayon.

"Here," napalingon ako kay Miss Greco. Inaabot nito ang cellphone sa akin, "I'll start working next week, that's what he said. I just thought that it was a good idea to introduce myself today. I didn't expect Esther to be with you. I apologize."

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now