Tumblr Lovestory. ❤ (Based on true story)

30 0 0
                                    

AN: Hiiii! 'Yung story po na 'to, totoo po sya. Halata naman sa title diba? HAHAHAHAHAHA. Story po 'to ng kapwa tumblr user ko. Nakakakilig kasi na nakakatuwa and then nakakaiyak tsaka nakakalungkot. So here it goes. =)))

---------------------------------

Edlyn's POV

June 2011.

Hayyyy. Tumblr tumblr tumblr. Bakit ba hindi kita maiwan iwan? HAHAHAHAHA. Sa tingin ng marami sobrang nakakabored 'tong ginagawa ko, pero 'yung totoo masa sa tumblr. Walang plastikan, walang pakialamanan, walang pikon, walang snob, lahat ng blogger dito totoong tao. Wala kang gagawin kundi like, reblog at post. Diba? As easy as ABC! :D

Mayamaya meron akong nakitang isang lalaki. Shetzz, kamuka nya si Dae Wong. Syempre inexplore ko muna 'yung blog nya. At ayun follow! Okayyy, it's official! Crush ko na sya! HAHAHAHAHAHA. Harot. Char! At syempre hindi ako nakontento na ifollow ko lang sya sa tumblr, pati twitter nya at inadd ko na din sya sa facebook. Hihihi. :'>

Ilang buwan syang naging maingay sa dash ko. Lahat ng kaibigan nya sa tumblr finallow ko na din. Kasi nga crush ko sya! :")

Isang araw nabalitaan ko nalang na may girlfriend pala sya. :'( Si Sam. Tumblrista din. Halos gumuho ang mundo kung mga time na 'yun. T__T <//3 Sobrang patay na patay ako sa kanya nun. Na dumating yung point na nanghihingi sya ng number sa tumblr. At of course, binigay ko 'yung number ko! Sino ba naman ang hindi ibibigay ang cellphone number nya sa taong patay na patay sya? I'm sure dinanas nyo na din 'yan. Tapos nakatangap ako ng isang text, unknown number. Alam ko na agad kung sino 'yun. Si Wenz! Nyetaa. halos magtatalon ako sa tuwa. Ikaw kaya itext ng crush mo? 'Di ka ba matutuwa? HAHAHAHAHAHA. Tapos binati ko sya nung nagbirthday sya.

Nagbreak na sila ni Sam. Nyeta. Ang saya saya ko nun. Kasi nga, crush na crush ko si Wenz nun.

Nov. 2011.

Nagkita kami nun. Sa ATC. TUMU kasi nun. Nakita ko sya kasama yung mga ibang famous bloggers. Nahihiya akong mag'hi' kasi famous sya that time. Tapos na disappoint ako. Sabi ko "Ay. Di gwapo. Di ko na sya crush." sinabi ko talaga yan sa sarili ko. HAHAHAHAHA. tas, nag"hi" sya sa kin. Kilig to the maximum levelicious ang lola mo teh. Waaaaaahhhh! Lord, kukunin nyo na ba ako? Syempre nag'hi' na din ako. Bakas sabihin snob pa eh. Pero nahihiya talaga ako nun.

After nun, nagkita ulit kami. Sa MU sa TriNoma. Tapos nun, naging textmate kami. Pero may crush pa din ako sa kanya. ATCMMU nun, magkasama ulit kami. HAHAHAHAHAHAHA. Harot eh. :'> Walang nagbago, text text pa din kami. Hangang sa nafall na kami sa isa't isa.

Ako una umamin. Lord. Hahaha. Hiyang hiya ako. Tapos yun. May nabasa ako na post niya. Di ko alam kung ako tinutukoy niya dun. Pero feeling ko, ako talaga kasi assuming ako. :(

Basta ang thought nun e. "Di ko alam nung una ang gagawin ko. Kung aamin ba ako sa kanya o hindi. Pero mabait pa din sakin ang tadhana kasi nalaman kong may gusto din pala sakin yung taong gusto ko." Basta parang ganyan. HAHAHAHAHA.

Ang dami niyang sinabi. Hindi ko na inintindi kasi kinikilig ako. Ang naintindihan ko lang eh yung dulo. Sabi niya dun. "PWEDE BA AKONG MANLIGAW?" Lasing pa siya non kasi may inuman sila. Huhu. Nakakaloka. So di ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya. Hahahaha. Tapos ayun na. Nanligaw siya.

Sinagot ko siya nung January 15, 2012. Sa SMSL. Meet up pa yun. Magpagluhod luhod pa yan sa harap ng madaming tao (chinese new year) non. Hahahaha. Tapos may pagbigay pa ng cake and roses.

Nung kami na, medyo nahirapan ako kasi focus siya sa studies niya e. Kasi magffinals na din. Pero before that, may major major tampuhan kami. FEB yun. Nanghingi sya sakin ng space. Naguguluhan daw sya. Di daw nya alam kung sino pipiliin niya samin ni Sam. Hahahahaha. :( Nasaktan ako dun. Sa isip ko talaga, bakit niya ako niligawan kung yun nga, may sam pa pala siya. Huhubells. Nagiyakan pa kami non eh PRE VAL MU yun sa noma. Huhu. Hahahaha. Nagagalit ako nun. Tapos bigla sya umiyak sa harap ko. Nanlambot ako tapos niyakap ko nalang siya.

Nagcelebrate kami ng monthsary namin na hindi magkasama. Nagbatian pa kami ng "HAPPY MONTHSARY" kahit hindi naman talaga happy.

Nagbreak kami pero hindi namin sinabi sa kahit sino. Nag overnight pa kami kela Gab, kunwari kami pa. Kunwari okay pa kami. Nanghingi lang talaga sya ng space. Para daw sakanya. Okay lang sakin. Mahal ko eh. Mahal na mahal ko talaga siya non.

Tapos eto pa. Tangina.

May nagtext sakanya. Hindi ko mabasa kasi may lock code phone nya. Di ko alam pw. Pero nakikita ko sa screen kung anong pangalan ng nagtext. Nakalagay "MAHAL KO" PUTANGINA TALAGA. Galit na galit ako nun. Seryoso. HAHAHAHAHAHAHA. Pinigil ko lang talaga sarili ko kasi bday ni Gab nun. Alangan umeksena ako don. HAHA kakahiya diba.

Naghunger strike ako pota talaga. Sinadya ko yun. HAHA. Hanggang sa inatake ako ng ulcer. Si Wenz nag-alaga sakin. Di niya ako iniwanan. Yiheee. Hahaha.

Tapos after a week, ayun nagkabalikan kami. Lumabas pa nga kami e. Hahahaha. Tapos hinatid niya ako sa bahay. (legal kami sa side ko. mahal na mahal nga yan ng mama ko eh hahaha) Nag overnight sya don. Tapos ayun. Okay pa kami.

March 2012 na. Finals. Busy as in. Tapos naospital daddy niya. Dun na kami naging malabo lalo. Sabi nya hindi pa daw talaga siya ready kaya ganun. Basta. Galit na galit ako nun. Feeling ko natapakan pagkatao ko. Nag away away pa kami. Hahaha.

Umuwi ako saudi non tas dun ako nagpalamig ng ulo at puso kahit mainit don. Basta malayo sakanya. Hahaha. Ayun. HAHAHA.

Hindi man naging kami hanggang sa huli. Nagpapasalamat parin ako at naging parte sya ng buhay ko. :) Pero love ko yan si Wenz. HAHAHAHAHA.

PS. Lagi ako nakatambay dito sa blog na ginawa niya for me kapag malungkot ako. HAHAHA.

ilovetowtf.tumblr.com

--THE END--

Ayan na yun. Salamat kay Ate Edz, at pinayagan nya akong gawin 'to. :)) follow nyo sya ahh. maganda blog nya. syempre pati yung user. =)))) :* god speed!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tumblr Lovestory. ❤ (Based on true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon