April 13, 2013
Dear Diary,
Grabe. :’( Kahapon, wala man lang nangyaring maganda. Ahuhuhu. ‘Di man lang kami nagkausap. Kasi naman eh. Dapat hindi na lang ako sumama kala Mama kagabi. Edi sana nakanood ako ng liga, tapos nakita ko man lang si Warren. </3 Naririnig ko pa yung Ate ni Warren, nag-uusap silang mag-ate. Ewan ko. Parang aalis yata si Warren. ://
Isang tipikal na umaga’t gabi lang ang nangyari kahapon. Nakikita ko siya. Eye-to-eye contact. Tapos ayun, tatalikod na kami pareho. :( Wala man lang “kamusta?” at “okay lang naman.” Hayy.
4:28 pm. Kakagaling lang namin ng SM Sta. Rosa. At syempre, umaasa pa din ako na may mangyayaring magical ngayong araw. Sana talaga mamayang liga, manood siya. Sana..
4:30 pm. Dumungaw ako sa bintana ng bahay. Nakita ko si Warren. :”> Topless na naman. Ehmeged! Ah basta, kung aalis man si Warren, wala na kong hahanapin, wala na kong iisipin, susulitin ko na lang. :’) Inlove na ko talaga. :”>
6:31 pm. Nasa labas ako ng bahay. Kasama ko si Mama. Nagkukwentuhan lang kami. :) Hanggang sa nakita ko si Warren. :”> Bagong paligo. :”> Naka-maong na shorts. :”> At naka-long sleeves. :”> Ampogi niya. Ehmeged! :””””> Habang nakatingin ako sa kanya, tumingin din siya. Tapos tinaas niya yung kilay niya. :’) Kelegmech!
7:48 pm. Papunta na kami ni Kara sa court. Simula na kasi ang 1st game ng liga. Bigla akong nagkaroon ng idea na baka may tsansang makasabay namin si Warren. Kaya tinanong ko si Ate Rona, ate ni Warren. Tinanong ko kung manonood ban g basketball. :) At sabi naman ni Ate Rona ay “Nasa court na siya, akala ko nga magkasama kayong dalawa eh.” Kinilig ako. Ahihi. Kaya nagdere-dretso na kami ni Kara sa court. :”> Grabe, excited talaga kaming pumunta! :”)
7:50 pm. Dumating na kami sa court. :) Naghanap-hanap ng konti at nakita ko na si Warren. :”> At ang wrong timing, kasama niya si Rina. Kung ‘di mo kilala si Rina, balikan mo yung Diary ko nung April 7. XD Hahahaha! :”) Bwisit talaga ‘yong malanding ‘yon. Hindi naman siya kagandahan. Maitim siya. Mahaba ang buhok. Ang panlaban niya lang sa’kin, malaki ang dibdib niya. Kaya medyo naeengganyo siguro si Warren na kasama siya. Bwisit! >_<
8:16 pm. Finally! Wala na si Rina. :)))) Buti naman at umuwi na ‘yong haliparot na ‘yon. Yeyy! :) Pero wala na din kasi si Kara. :/ Pinauwi na kasi siya ng Papa niya. Kaya ang kasama ko na lang ay si Shiela at Warren. :) Kaming tatlo na lang ang naiwan sa magtotropa. At shempre ako, kiligers naman! :D
Naisip kong itext si Warren. May 50 texts naman ako to other networks. :D
Ako: Hello. :)
Warren: Sino po ito?
Ako: Jasmine ‘to. :)
Tumingin sa’kin si Warren. Tapos…
Warren: Magtetext pa, magkasama naman tayo. :) (Sabay ngiti!)
Ako: (ngumiti na lang ako.)
Kiliiiiiiiiig! Ewan ko ba! Masaya na ako kahit "Sino po ito?" lang ang reply sa'kin ni Warren. :”> Achievement na ‘yon para sa’kin. :’)
9:54 pm. Medyo nahumaling ako sa panonood ng basketball. :) Pagtingin ko tuloy sa likod ko, nagkukwentuhan na si Warren at Shiela. :’( Grabe, sigaw ako ng sigaw ng “SHOOOOT!!!” Pero ang totoo, dun ko lang binubuhos lahat ng sakit at selos na nararamdaman ko. :’(
11:13 pm. Tapos na din ang liga! And basically, uuwi na kaming dalawa ni Warren. Sa ibang daan kasi si Shiela kaya tuwang tuwa ako. :”> Yes! Kaming dalawa lang ni Warren. :”””>
11:16 pm. Akala ko magiging masaya pero.. hindi pala. </3 Habang naglalakad kami ni Warren, kausap niya ‘yung girlfriend niya sa cellphone. :’( Rinig na rinig ko yung sweetness nila. Hay.. ang hirap.. umibig ng.. palihim. :’(((
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless (COMPLETED)
Teen FictionIto ay tungkol kay Jasmine na isinusulat ang mga nangyayari sa kanya buong araw. Ang diary na ito ay naglalaman ng mga kilig moments, nega-thoughts, at mga inspirational quotes. In short, ang Diary na ito ay tungkol sa crush ni Jasmine na si Warren...