A Queen's Heart (Chapter XI)
(Vacation)
Sandy's PoV
"Ang call time bukas ay 5am, dito mismo sa Bar ang Meeting Place. Copy?"
"Copy Mam!" sabay sabay naming sagot. Hindi namin alam kung makakasama sa batch namin si Ms. Queen pero sana ... Hayss hayaan na nga.
*Kinabukasan
"You can go na sa bus dahil ilang minutes na lang aalis na tayo." Utos ng assistant ni Ms Queen. Hanggang ngayon wala pa sya, tingin ko hindi nga sya makakasama.
"Hoy Bakla!!"
"Ay Bakla!! Ano ka ba bessy?!"
"Kasi naman, kanina ka pa palinga-linga dyan, malungkot din ako kung hindi sya makakasama pero ang maganda pa umakyat na tayo sa bus kesa naman maiwan tayo kaka antay sa Mahal mo"
"Loko!" Sagot ko sa kanya at umakyat na nga kami ng bus. Bakit ganun umaasa pa rin ako na kasama sya.
Maya maya pa, may napansin akong umakyat at umupo sa unahan, sa kadahilanang medyo nasa dulo kami hindi ko masipat kung sino iyon.
"Bessy!! Si Mam Queen, kasama sya!!" excited na sabi ni Jastine
Alam kong lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi ni Jastine kaya kinilig tuloy ang bakla.
"Sshhh Wag ka ng maingay bessy." utos ko at baka mapatili pa sa kilig.
\
\
\
\
\
\
\
*Pagdating sa Resort.
Naunang bumaba si Ms. Queen.
Pagbaba namin ng bus , hinayaan muna kami na magpahinga dahil siesta time naman na.
Ilang oras na pahinga ang lumipas, tapos nun pinapunta kami sa isang open area ng Resort , madamo at masarap umupo dito. Maliwanag pa naman, pero hnd na ganun kainit.
"Dito lagi ang meeting place natin, dito rin tayo mag i-start ng mga activity natin. Sa ngayon kumain muna kayo, magpakabusog at pagkatapos niyo bumalik kayo rito."
Ginawa nga namin ang sinabi ni Mr. Villanueva. Siya pala ang mag lelead sa amin lagi. Hindi lang pala basta to vacation, team building na rin.
"Ngayon tapos na kayo kumain, tingin ko may sapat na kayong lakas para mag isip. Pumunta kayo isa isa rito at kumuha ng papel at panulat." sabi ni Mr. Villanueva.
Maya maya nakita naming dumating si Ms. Queen at binati naman namin sya.
Babantayan nya kami malamang.
"Ngayon isulat nyo sa papel ang gustong-gusto niyong gawin pagkatapos babasahin nyo yan sa harapan at ipapaliwanag."
Pagkatapos ng ilang minuto, isa-isa na kaming tinatawag hanggang sa pagkakataon ko na. Pumunta ako sa harapan nila habang lahat sila ay kitang-kita ko.
"Ano naman Ms. Sandy ang isinulat mo sa iyong papel." si Mr. Villanueva
"Ang gustong-gusto ko pong gawin ay ang magpakatotoo. Totoo naman ang ipinapakita ko, sa inyong lahat, pero itong pagkatotoo na gusto kong gawin ay sobrang kumplikado, marahil mas maganda na lang na sarilihin ko. Alam ko na pwedeng pagsisihan ko to balang araw kaya sana may lakas na ko para gawin iyon. Pero sana kasi lahat na lang ng bagay madali, para hindi kumplikado di ba?" paliwanag ko.