Chapter XII
A Queen's Heart
(Opposite Moves)
Napagdesisyunan ko na iiwasan ko na sya. Plano namin ni Jastine na kapag kakausapin kami ni Ms. Queen tatawagan niya ang phone ko para makaiwas kami rito.
Ganun na lang lagi nga ang ginagawa namin, sisimple sya at kunyari may ibang tumatawag sa akin. Madami pang nangyaring activities at last night na namin, successful ang plano dahil hnd kami nakakausap ng matagal ni Ms. Queen.
"This is our last night!! Are you ready to party?!!" sabi ng DJ na nasa stage.
Hiyawan at sigawan naman ang sagot namin.
Isang table lang ang pagitan namin nila jastine sa table nila Ms. Queen at sir Tristan. Tama dumating si Sir Tristan kaninang umaga para maki join samin siguro.
Medyo madilim sa party room. Nakita kong lumalapit ang mukha ni Sir Tristan sa mukha ni Ms. Queen,
'Ano yun nagkikiss sila? Dito?' bakit ganun, akala ko kasabay ng pag iwas ko mawawala na rin ung feelings ko? Pero bakit naiinis ako?
"Bessy? Umiiyak ka ba? Bessy Uy?!" tanong ni jastine, katapat ko kasi kaya hnd nya nakikita sila Ms. Queen.
"Bessy CR lang ako" paalam ko tapos nun nagmadali na kong pumunta ng CR
Sakto walang tao busy sila lahat. Hindi ko alam kung magwawala ba ko, sisigaw o lalabas para awayin sila.
'Sandy naman, ang tanga mo wala kang karapatan para magselos.' bulong ko sa sarili
Nagpupunas na ko ng luha ng pumasok si Ms. Queen, pangalawa na to ah. Panira sya ng pag eemote ko.
"Sandy? Umiiyak ka ba? Ano nangyari?" tanong ni Ms. Queen at akmang lalapit sakin kaya minabuti kong buksan ang gripo at maghilamos.
"Hindi po, napuhing lang po ako. Nakusot ko lang po nang sobra kaya namumula yung mata ko." pagsisinungaling ko
"Sabagay, ako rin kanina. Medyo napuhing ako kaya pinaihipan ko na lang kay Tristan mabuti at agad nawala." nakangiti niyang kwento sakin
Hindi pala sila nagkiss kanina? Inihipan lang pala ni Sir Tristan yung mata ni Ms. Queen?
Ang tanga mo na talaga Sandy, umiyak ka sa walang kwentang dahilan.
Nasan na ba 'tong si Jastine, tawagan mo na ko please. Ayaw ko na sya kausap. Lalo akong naiinis sa sarili ko.
Sa hindi inaasahang pagkakataon tumawag si David. Bigla ko naman tinignan si Ms. Queen.
"Sino na naman tumatawag sayo?" parang may kakaiba sa pagtatanong nya
"Si David po."
"Ahh. Okay. Sige sagutin mo na." tsaka na sya naghugas ng kamay at hindi na natingin sakin.
"Sige Ms. Queen, excuse po." paalam ko. Tsaka na ko lumabas ng CR. Hayss salamat kay David.
Hindi ko rin naman sinagot yung phone hinayaan ko at sinilent na lang. Bumalik na ko sa table namin ni Bessy. Tapos ng ilang minuto bumalik na rin si Ms. Queen.
Napanpansin kong panay ang inom niya ng alak. Para syang nagpapakalasing. Kinalabait ko si Bessy at itinuro siya. Parehas kaming nagtataka kung bakit ganun siya, nag CR lang tapos nagkaproblema agad?Kasama niya naman si sir Tristan ah. Pero tong lalaking to hindi man lang sya pinipigilan, nag eenjoy pa ang loko.
�����������������������������������������������������������������������������������������