One rainy night

15 0 0
                                    

Hingang malalim..... And.. Takbooo! Sumugod na ko sa ulan papunta sa sakayan ng tricycle samin dahil halos isang oras na kong nahihintay ng pagtila nito ay tuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan.
Maggagabi na at kailangan ko ng makauwi bago pa ko maubusan ng masasakyan.

Patuloy lang ako sa pagtakbo ng may narinig akong tumatawag sa akin.

"Oy Ash ano ka ba naman?!' Nagpapaulan ka na naman! Baka magkasakit ka!" Narinig kong sigaw ng babae sa may likuran ko. Agad ko syang nilingon at nakita ang kaibigan kong si Bea.

"Oy pre. I-Ikaw pala. No choice eh k-kelangan ko na umuwi!" Balik na sigaw ko sa kaibigan ko dahil di na namin masyadong marinig ang isa't-isa dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Medyo hinihingal pa ko at dagdag mo pa ang lamig ng hangin.

"Sumilong ka nga muna sa payong ko! Nasan ba ang payong mong ungas ka hah?!" Siraulo talaga to kahit kelan. Agad naman akong sumilong sa maliit nyang payong kahit na basang basa na rin naman ako. Sakit talaga aabutin ko neto eh. Badtrip.

"Naiwan ko sa sasakyan ng kapatid ko eh. Wala tuloy akong payong." Tsk bakit ko pa kasi nalimutan! Edi sana kanina pa ko nakauwi at nagpapahinga na.

"Ay nako. Kahit kailan ka talaga. Sumabay ka na sakin. Padating na rin yung si Josh. Hatid ka nalang namin." Naks. Bigtime na pala tong kaibigan ko ah. Hatid-sundo nalang ng boyfriend nya ang peg. Kaloka. Pero syempre nakakahiya. Panira ako ng moment nilang dalawa. Hayst naman. Lintik na payong naman kasi yan.

"Naku pre hayaan mo na. Konting takbo nalang ayun na yung sakayan oh!" sabay turo ko sa paradahan ng tricycle.
Ilang beses nya pa uli akong pinilit na sumabay na sa kanila pero tuloy ang tanggi ko. Sabi ko nalang na samahan ko na sya maghintay muna dahil medyo madilim na rin at delikado.

Nagkwentuhan na rin kami ng mga iba't-ibang bagay sa gitna ng ulan dahil magiging busy na kami sa pasukan.

Apat na taon ko ng kakilala si Bea dahil kaklase ko sya nung High school. Kaka-graduate lang namin nung isang buwan kaya mahirap talagang mahiwalay sa mga kaibigan mong ilang taon mo ng nakasanayan.

Siya talaga at ang isa ko pang kaibigan na si Rica ang matatawag na pinaka ka-close ko talaga.

Isang busina ng sasakyan ang bumasag sa masayang kwentuhan namin ni Bea. Si Josh na siguro.

"Sige ingat ka! Mauna na ko sayo! Sigurado ka bang ayaw mong ihatid ka namin?" Sabi ni Bea.

"Di na. Sige na. Ingat! Sa susunod nalang ulit!" sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla nyang iabot ang payong nya sakin bago tuluyang tumakbo sa sasakyan ni Josh. Sumigaw pa muna sya ng ibalik ko nalang daw sa susunod bago tuluyang sumara ang pinto. Bumusina pa muna si Josh at saka kumaway si Bea bago sila tuluyang umalis. Tanging ngiti na lamang ang naiganti ko dahil nagsimula ng sumakit ang ulo ko.

Dali-dali akong nagtungo sa sakayan at sa kabutihang palad ay may mga tricycle pa don. Agad akong sumakay at nagpadiretso na sa amin.

Pagpasok sa bahay ay pumunta na agad ako sa kwarto at naghanda ng damit na pamalit. Naligo muna ako para mabawasan sana ang sakit ng ulo ko.

"Kumain ka na ba? Bakit ginabi ka yata?" sabi ng kapatid ko pagkalabas ko ng banyo habang patuloy na nagpapatuyo ng buhok ko.

"Di pa. Di ako nagugutom. May paracetamol ka ba dyan? Sakit ng ulo ko eh." napahawak naman ako sa pader dahil bigla na namang pumintig ang sakit sa ulo ko. Shit.

Bumalik ako sa kwarto ko at nahiga nalang sa kama. Bakit ang lamig? Nakapatay naman yung electric fan. Bwiset. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tapos parang nanlalambot din yung katawan ko na di ko masyadong maikilos ng matino.

"Oy eto inumin mo. Kumain ka na muna kahit konti para may laman ang tiyan mo." nilagay ng Ate ko yung gamot at isang basong tubig sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng kama ko.

"Nagpaulan ka na naman. Alam mo namang sakitin ka lalo na kapag nauulanan. Magpahinga ka muna. Sa lunes na ang pasukan kaya magpagaling kang mabuti." sabi nya pa at binalutan ako ng kumot.
Tumango na lamang ako at lalong hinigit ang kumot na binalot nya sakin dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko at pati paghinga ko ay nakakapaso na. Tsk. Mahirap to. Mataas na siguro ang lagnat ko.
Napagisip ko na baka tulog lang ang kailangan ko kaya pinikit kong maigi ang aking mga mata para sana matulog..

Ang labo ng paligid. Nasan na ba kasi yung salamin ko? Para akong nanunuod mula sa isang maliit na butas. Madilim ang paligid at magugulong pigura lamang ang naaninag ko.

Nakikita ko ang isang babaeng malaki ang ngiti sa kanyang mga labi. Puchak. Eh ako yun eh. Ano ba tong pinapanuod ko?

Tinignan kong mabuti ang babaeng kamukha ko. Nakakulay puting dress na hanggang tuhod. Mukhang napakalambot ng tela nito dahil sumusunod ito sa bawat mahinhing galaw ng babaeng ako.

May isang lalaki ang lumapit sa kanya mula sa kanyang likuran. Niyakap sya nito ng sobrang higpit at inilagay ang kanyang ulo sa leeg nung babae.

Maya-maya ay naglalakad na silang magkahawak ang kamay kasabay ng mga makahulugang sulyap na ibinibigay sa isa't-isa.

Muli silang nagyakap. Hanggang sa unti-unting lalong nagdilim ang paligid. Parang mas lumiliit ang butas na pinagpapanuoran ko at patuloy ito hanggang sa nagdilim ang lahat..

Shit. Ang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong bumangon pero nakaramdaman akong muli ng panghihina. Mas ayos na ang pakiramdam ko kesa kagabi pero pumipintig pa rin ang ulo ko.

Ininom ko nalang yung gamot na binigay sakin ni Ate kagabi kahit di pa ko kumakain. Nahiga ulit ako sa kama at tumunganga lang sa kisame.

Sya na naman. Ilang taon ng gumugulo ang lalaking yon sa panaginip ko sa tuwing may sakit ako. Bakit sa tuwing may sakit ako ay don ko lamang sya napapanag inipan?
Nung una ay di ko ito napapansin pero nakakapagtaka lang dahil bakit iisang tao lang sila? Sa kaparehas na sitwasyon, iba't ibang oras at panahon?
Coincidence lang ba na may lalaking nagpapasaya sakin sa panaginip ako kapag masama ang pakiramdam ko?
I'm already 17 years old and I don't believe on fictitious things like that. Pero posible bang... Hindi ito coincidence lang?

Sino ka bang talaga??


----
A/N: hi mga repapips! Today is July 26, 2015. Sana nagustuhan nyo ang chapter na ito! This part is totally real. I was sick last week, thursday nung sumugod ako sa ulan non. Naisip ko lang isulat ang story na to, oo dahil sa kanya. That guy is paradoxical! Hayst. Sana mawala na ang ubo ko mga kaibigan.hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Night of SicknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon