Wwwwweeee sorry ngayon lang nakapag-update!!!! Dapat kasi talaga last week pa 'ko mag-uupdate kaso unexpected yung hectic days namin sa school sorry po sa nasabihan ko last time.. ito na babawi na..surelalu na talaga this :)
Dedicated nga pala kay Miss rainahdon!! :) bheeee thanks a whole sa pagshare and pakikipagkulitan sa'kin wee lovelots talaga alam mo yan I really appreciate you!!! Regards rin sa other friends mo na hinahablutan ka ng phone to know if may update na haha :) hello sa inyo guys!! :) Love lots rin with all my heart!!
And sa other readers po na nakachikahan ko na :) Don't cha worry!! Iisa-isahin ko kayo kada update :) May mapaglalagyan kayo sa pusong ng JuShien! Kayo pa! Thank you so so much po! Love you so much!!
*^*^*
"Grabe ang memorable talaga ng group study natin nung Sabado! Imagine? Wala nga yung asawa ni Oshien, napalitan naman ng Centaurus na tumulong pa sa'tin ng bongga para matapos yung ginagawa natin!"
Super excited na naman sina Sophie pumasok para lang pag-usapan yung mga nangyari last Saturday. Sa dami kasi ng kaganapan, hindi na sila maubusan ng topic. Pati si Oshien nakisali na rin.
Tapos na ang first period nila kaya may vacant time silang magchismisan. Ang siste paulit ulit lang ang usapan. Hindi rin halatang tuwang-tuwa?
"Full package pala magtrabaho yung mga yun eh. Kapag nagsama walang dudang maganda ang magiging project. Pero panalo pa rin yung asaran nila. Lalo na yung pag-akyat ni MJ sa gate niyo Oshien? Promise wagi! Buti walang nanita sa kanya!" umiling na lang si Oshien kina Jane. Pa'nong walang sasaway eh sanay na yung mga taga-subdivision nila sa gulo nun. Isa pa, kaclose na rin nila yung mga kapitbahay nila. Unlike sa usual subdivision na walang ingay at pakialamanan, naging sociable ang block nina Oshien dahil sa kanila. Araw araw ba namang mag-ingay eh, lagi tuloy silang dinudungaw. Tapos yung mga sumisilip naman, kinausap na nila. Di instant friendship ang nabubuo. Akalain mong may nagagawa rin palang matino ang ngawaan nila?
Oo nga? Buti walang sumaway sa sigaw ng mokong na yun. Ang alam niya yung matandang lalaking kapitbahay nila sa kanan ang numero unong taga-saway nun eh. Super ka-close pa nila. Sometimes, she remembers her dad because of that man. Na-miss na naman tuloy niya yung papa niya. Hmm.. ah baka umalis na naman kaya di nasaksihan ang bunganga ng asawa niyang malakas ang saltik. Buti na rin, panigurado kasing buking sila kung sakaling nandun.
"Wagi na sayo yun? Mas panalo naman sa'kin yung sleeping angel sa couch noh! Kahit pumusta pa ko ng sangkatutak na Magnum for sure mananalo pa 'ko."
"True Sophie! Mag-iinvest ako sa pusta mo! Kung alam mo lang kung gaano nagsisi si Ally dahil hindi niya nakunan yung scenery na yun! Hiniling pa kaya sa'king hampasin ko ng laptop sa ulo para lang makatulog uli. Hindi rin sadista diba?"
Napatitig bigla yung tatlong kababaihang kaharap ni Oshien. She frowned. Natahimik kasi.
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
Любовные романыI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."