A.N.
Bago nyo basahin ito, make sure na natapos nyo na yung crescent moon, dahil king hindi, masisira ulo nyo sa kahuhula king anong nangyayari. :)Chapter 1
Kat
May mga bagay na akala mo ay sa mga libro, imahinasyon at panaghinip lang nangyayari. Pero possible palang mangyari sa totoong buhay. Mahirap maipaliwanag. Kahit pagbali-baligtarin mo pa ang siyensya, wala theory na makakapagpaliwanag kung ano ang nangyari sa akin. Ilang beses ko na ring kinagat ang sarili ko at baka naman talagang nananaghinip lang ako. Pero hindi e. Alam ko na nakabalik ako sa nakaraan. Nakilala ko si Juaquin, si Donya Estelita. At paano ko malalalman na ang pangalan pala ng kapatid ng asawa ni Juaquin ay si Nicolas. Nagtataka nga rin si lola kung paano ko nalaman ang history ni Donya Amparo dahil kahit kailan ay wala syang naikwento tungkol sa pamilyang iyon.
NAKABALIK AKO SA NAKARAAN!Pero ang tanong ko ngayon at pilit kong inaalam ay kung paano akong muling makakabalik!
Ang buhay talaga parang life... haaaay! nakakasira ng ulo! Nakakabaliw! Sinumpa-sumpa ko ang panahon ng mga kastila dahil napaka-primitive! Walang computer, walang wifi, walang aircon, microwave, taxi, tricicle at kung ano ano pang pampadali ng buhay. Pero ngayon, I will trade anything just to go back again in time. I will trade all the comfort in life just to be with the man I love.
Pinagmasdan kong muli ang malaking portrait ni Juaquin sa gitna ng salas. Madaling araw na at ako na lang ang natitirang gising sa bahay. Maraming tao ngayon sa mansyon. Himalang nandito ang buong angkan ng mga Mendez na matagal ng hindi napapasyal sa lugar na ito.
May family meeting daw sila at sa dinami-dami ng properties nila, ito pang lugar na ito ang napagtripan nilang idaos ang mahalang meeting na 'yon. Kung kelan naman nagsesenti ako ng bonggang bongga ngayon pa sila nagdatingan. Ang galing ng timing nila! Ang dinig ko sa lola ko ay may babasahin daw silang lumang dokumento at naka-specify na bukas ito bubuksan. Ang galing naman ng gumawa nung dokumentong iyon, itinaon pa ngayon. Hindi ko din alam kung bakit pa nila kailangang basahin iyon. Wala namang ibang mapupuntahan ang kayaman nila dahil si Rafael lang naman ang nag-iisang tagapagmana. Ewan ko lang kung babahagian nila ang mga maldito at malditang mga pinsan. Iniisip ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko sa mya 'yon. Kung makatingin sa amin ay para kang isang basahang naligaw. Porket katiwala lang ang mga lolo't lola ko? Para silang mga kastila kung maka-mata sa mga indyo!
At ito namang si Rafael, ewan ko ba kung bakit hindi nagmana kay Juaquin. Kung gaanon kabait sa Juaquin, ganon naman ang pagkamayabang at suplado nito! Namana lang nya ang itsura ni Juaquin pero ang layo ng ugali! Pero in fairness naman sa kanya, hindi naman sya mapang-mata. Ganon din ang mga magulang nya. Maayos nilang pinakikitunguhan ang mga lolo at lola kahit na katuwala lang sila ng hacienda.
But just the same, suplado pa din ang tagapagmana ng mga Mendez. At hindi lang doon natatapos ang istorya. Dumating din ang girlfriend nya at kasundong-kasundo ang mga pinsang maldita. Totoo nga ang kasabihan na birds of the same feather flock together! Hay nako Juaquin! Kung alam mo lang ang kahihinatnan ng lahi mo!
Dapat nga ay umiwi na ako ng Maynila dahil sagabal lang ako sa mga tao dito. Pero paano ko gagawin 'yon? Hindi ko kayang lumayo. Crescent moon pa din. Nagbabakasakali pa din akong pagbigyan ni manong buwan na makabalik muli sa nakaraan.
HIndi ko na nga alam kung paano ko pa pakikiusapan ang mahiwagang buwan. Lahat na ginagawa ko. nagmamakaawa, nagpapaawa, lumihod, umiyak, maglupasay. Gulay! Ano pa ba ang hindi ko ginagawa?! Nagpapakalukaret na nga ako, ayaw pa din akong pagbigyan!
"Juaquin.... hindi ko na alam ang gagawin ko.... " Napaupo ako sa tapat ng portrait nya at nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.
"Sigurado ka bang hindi ka galing sa mental?"
Napatalon ako sa gulat! Hinarap ko ang sira-ulong nanggulat sa akin at pinanlisikan ko sya ng mata. Wa ako paki kahit sya pa ang tagapagmana ng mga Mendez at anak ng may-ari ng haciendang ito.
"Excuuussseee me! Sa ganda kong ito, manggagaling lang sa mental?!" HIndi sya natinag sa matalim na titig ko, in fact, sinabayan pa nya ako. Ginantihan nya ang titig ko. Ano bang feeling nya? Matutunaw ako sa magandang mata nya? Kung si Juaquin ang kaharap ko, baka kanina pa ako lusaw. E si walang kwentang Rafael lang naman ito. Paki ko sa kanya! Hindi nya ako madadala sa ganyan, tadyakan ko pa sya e.
Napaangat ang isang dulo ng labi nya. "Bakit palagi mong kinakausap iyang painting na yan? Iniiyakan mo pa? "
"Paki-alam mo. E sa gusto kong magdrama!"
Napangiti na sya ng tuluyan. "Kung sabagay, naiintindihan kita. You may think that I'm that person. I look exactly like Don Juaquin, minus the hair style of course. You're not the only one who's broken hearted when they found out that I'm about to get married."
Halos umabot sa sahig ang panga ko dahil sa sinabi nya. ANG KAPAL NG MUKHA!Ang tindi naman ng kompyansa nito sa sarili nya! Oo nga at ang gwapo nya, syempre kamukha sya ni Juaquin, pero hindi lang sa mukha ang labanan. Malaking factor ang ugali. Akala ko noong una ko syang makita ay kapareho din sya ni Juaquin. Maginoo din naman sya pero medyo bastos! Ilang dipa pa ang kakapalan ng mukha! Nakakainis!
"Oo nga, you're about to get married, kaya pwede bang pumunta ka na sa fiance mo bago pa makita nya tayo at magselos. Mukha syang cobra at manunuklaw kung makatitig. Ayokong mahaluan ng poison ang blood stream ko. Sayang naman ang ganda ko." Akala nya sya lang ang mayabang a... Kaya kong tapaton yon!
Tinignan nya ako, at nung tamagal tagal ang pagkakatitig nya ay medyo naasiwa na ako.
"Alam kong nagagandahan ka talaga sa 'kin, pero sorry ka na lang, katulad ng sinabi mo, ikakasal ka na... " tinignan ko sya muka ulo hanggang paa. " at hindi kita type." Sabay irap.
Natawa sya sa sinabi ko. Nangiinsulto ba to?
"Ok Katrina, sabi mo e." Bigla syang nagseryoso. " I don't get you. Hindi ka ba natatakot na baka paalisin ko dito ang lolo't lola mo dahil sa katarayan mo?"
Pinanlisikan ko sya ng mata. "Don't you dare... " Is he bluffing o seryoso ba sya? "Sige lang subukan mo. Sasampahan kita ng kaso sa labor code. Sa tagal na katiwala ng mga grandparents ko dito, hindi mo sila basta basta mapapatalsik. "
"I'm a very powerful man. I can do anything I want, at magkakandarapa sila para lang masunod lang ang gusto ko. "
"Wow! Grabe... Kalahi ka ba ni Thor? Diyos ka ba? Kapal ng mukha nito. Don't you dare threaten me. Ang pikon mo naman, hindi ka lang ginanagalang, gaganti ka sa grandparents ko?! " Tatadyakan ko na talaga to!
Ngumisi na sya ng tuluyan. Para din akong nahugutan ng tinik. He's just bluffing. Pero hindi magadang biro 'yon. Ipaglalaban ko ng patayan ang lolo't lola ko!
"Madali ka palang masindak."
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Di rin!" Walang mangyayari sa kin kapag kausap ko itong hambog na to. Tinignan ko ang relo ko. May ilang oras pa bago lumubog ang buwan. Makalayas na nga lang, babalikan ko si Manong buwan.
"And where do you think you are going?"
"Paki alam mo? Tauhan mo ba ako?"
"No but you're in my property."
Napatigil ako ng lakad. "Bakit? Pagbabawalan mo ako? "
"If that what it takes. Delikadong lumabas sa ganitong oras... "
Kumabog bigla ang dibdib ko. Pamilyar ang mga linyang iyan. Someone told me that line a few months back.. or is it a few centuries ago? Nangilid ang mga luha ko dahil sa pagkakaalala ko kay Juaquin.
"Kailangan ko lang makabalik." Sabi ko na halos manginig ang boses ko. It took all my will power not to break down. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko sandali ang mga mata ko. Pagdilat ko ng mata ko, bumungad sa akin ang concerned na mukha ni Rafael.
"Is something bothering you? Meron bang nanakit sa 'yo?" Lumapit sya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hinawi ko naman itong bigla.
"Kahit naman sabihin ko sa 'yo, hindi mo maiintindihan!" Tumakbo na ako palabas ng bahay bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko.