Love Wins (or maybe not)

1.5K 27 2
                                    

Ako.

"Pero paano kung magkaroon nga tayo ng kissing scene? Okay lang ba sayo?"


Tinitigan ko siya. 


Seryoso ba siya?


Imposible namang hindi niya naramdaman yung mabigat na tensyon mula nung first na photoshoot namin na hanggang ngayon ay


... hindi ko alam.


Tumitindi?


Inalis ko ang tingin sa mata niyang patiently na naghihintay ng sagot.


Umiwas ako pero di sinasadyang dumako ito labi niya.


Mabilis na sumulyap sa isipan ko ang nangyari nang araw na yun. Ang paglapad ng kamay niya sa bawat kurba ng likod ko. Ang pagtaas ng balahibo sa aking braso kapag dumudalas ang mga daliri niya rito. Ang labi niyang ilang sentimetro lang ang layo sa aking leeg.


Ngayon ko lang pinansin ang tunay na naramdam ko nung Supreme photoshoot. Wala naman talagang malisya di ba, naiilang lang talaga ako noon kaya di ko maimulat ang mata ko. Oo nagkatrabaho na kami. Nakipagsabunutan na nga ako sa kanya sa Stairway to Heaven. Pero kahit ganoon hindi ko pa rin kayang ilebel ang sarili ko sa kanya.


Ngayon, napapapikit pa rin ako. Pero sa dahilang baka di ko na makontrol tong kung anong humihila sa aming dalawa.


Humarap ako sa maliit na vanity mirror na pinagshe-share-an namin. Humarap rin sya. Nag-aabang pa rin ang mga mata. Inangat ko ang hawak na lipstick.


Nagpakatotoo ako..


"Okay lang... wala naman sakin yun."


..ng kaunti.


Nginitian ko siya saka ko tinuloy ang pagpantay ng kulay ng lipstick. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa dahan dahan kong pagguhit sa labi ko.


Nang matapos, idinin ko ng maigi ang labi ko. Sumulyap ako sa salamin para alamin kung nakatingin pa rin siya sa akin.


(Natatakot ako kahit na alam kong ang sagot ay oo.)


Nakabaon pa rin ang tingin niya.


Ngunit sa labi ko na.


Napansin niya ang di ko na paggalaw.


Nagsalubong ang mga mata namin.



"We're now set. Yey! Are you guys ready?"

May kamay na pumatong sa balikat namin.


Nalipat ang tingin sa may-ari nito.

Ikaw At Ako (RaStro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon