-+
CHAPTER 33 : YAKUZA FAMILY.
PINAGMAMASDAN KO ANG AKING SARILI SA SALAMIN. Nagulat din ako at hindi makapaniwalang ganito pala ang itsura ko. May laban pala ko! Mr. Pogi! Kaso.. hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nagustuhan ko si Raiku. Siguro magkaibigan lang kami. Parang imposible naman kasi yung sinasabi nung dalawang yun eh. Mukang nakakaloko kasi. Pero lahat ng naikwento nila ay kunektado sa panaginip ko. Ang awkward ng panaginip na yun. Ang tindi kasi!
Kagabi, bago ako makatulog. May mga memories na biglang nagflashback. Ang lahat ng yun puros kalaswaan. Yay! Nagawa ko ba talagang halikan si Raiku? Makailang beses din yun ah. At matapos nun ay parang nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako sa isang kwarto. Katabi si Raiku. Ang ulo niya'y nakaunan sa aking kanang kamay. Habang ang kaliwa ay nakayakap sa kanyang dibdib. Sa panaginip ko kagabi, pinipilit ko si Raiku na gawin ang isang bagay na ayaw niya. Hindi pumayag si Raiku kaya ang ginawa ko'y hinawakan ang kamay niya. Hindi ko na kinaya ang mga sumunod na mga nakita ko. Pinilit ko talagang gumising para hindi ko na makita ang mga sumunod na pangyayari. Pero sa panaginip ko, aggresive ako masyado! Ayaw kong tumigil. Nang nagising ako, hindi ko na nagawa pang matulog. Alas kwartro na ang oras ng pagkagising ko. Malapit nang magumaga kaya dinilat ko nalang ang mata ko. Natatakot ako eh. Baka ganun ulit ang mapanaginipan ko.
Sa mga oras na yun. Wala akong ibang ginawa kundi ang kausapin ang natutulog na si Raiku. Ang dami kong tanong sakanya pero wala akong sagot na natanggap. Ang paggalaw lang ng kanyang hintuturo.. Nang hawakan ko ang kanyang kamay. May naramdaman ako. Kakaiba! -- biglang umikot ang sikmura ko kaya napatakbo ako dito sa CR.
Pero iba eh. Bukod sa pagikot ng aking sikmura nakaramdam ako ng kakaiba. Totoo nato!! Hindi ko maipaliwanag. May mga memorya ulit na nagbalik. Yung mga nangyari sa amin bago ang aksidente. Lahat yun ay nakita ko. Pero ang hindi ko matanggap ay ang karahasang nangyari sakanya. Halos maligo si Raiku sa dugo. Nagawa niya pang hawakan ng mahigpit ang kamay ko noon at ngumiti.
HINDI! HINDI PA RIN. Hindi pa rin ako naniniwala. Baka nung araw na yun nagkakatuwaan lang kami. Baka naglalaro lang kami nun. Pero nagawa ko siyang halikan eh! Malinaw na malinaw kong naalala nagawa ko siyang halikan. Joke pa ba yun? Ayaw pa kasing gumising nitong si Raiku eh. Eh kung kinakausap niya na ko ngayon!
Binuksan ko ang pintuan ng CR. Nagulat ako dahil sa taong nakatalikod katabi ng pinto. Nakahospital gown din ito gaya ko. Hindi kaya?
"Raiku?" Biglang humarap ang nakatalikod na lalaki. Pinukpok niya ako sa ulo ng matigas na bagay. Nawalan ako ng malay bago ko pa man makita nang malinaw ang kanyang mukha.
"Young Master?" Nagising ako sa ibang lugar. May kalakihan ang kamang aking hinihigaan. Isang lalaki ang bumungad sa aking mukha. May katandaan na ito. Nakasuot ng isang turtle neck na longsleeve na may burda sa harapan.
"Sino ka?" Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong kumirot ng ako'y magsalita. Napansin ko ang mga paintings sa bandang itaas ng kwarto. May pagkaabstract ang painting at wala akong maintindihan.
"Young Master, ako po ang Mayor ng pamilya." Mayor? Ano siya? City Mayor! Nasaan ba ko? Bakit ako napunta dito? Paano?
"Mayor?" Mukha ka ngang manghuhula sa kanto eh. Wag mo nga akong pinagloloko. Nakatingin ako sa mga ilaw na nakasabit sa itaas.
"Opo. Mayor Domo. Ang pinakamatandang utusan ng pamilya. Ako rin po ang pinakanakakataas sa lahat ng mga utusan." Ah! Ok! Naupo ako at tinignan pa ang paligid. Ang kwarto ay makabago ang design. May kalakihan ito kumpara sa normal na kwarto. Sa bandang kanan ay makikita ang apat na single sofa na nakapaikot sa isang parisukat na babasaging mesa. Sa kaliwang parte ng kwarto ay nakahilera ang mga bookshelf.
"Anong lugar to? Bakit ako nandito? Kidnap to no!" Napahinto ang matanda sa pagngiti at parang natauhan sa aking sinabi. Nasa gitna ng kwarto ang kamang hinihigaan ko. Malaking bintana ang aking nasa likod. Ang nagbibigay liwanag sa kwarto bukod sa mga ilaw na nakasabit sa itaas. Sosyal!
"Young Master, hindi po ito kidnap. Inutos lang po ng ikaapat na iuwi kayo dito." Ikaapat? Ano na namang kaabnormalan to? Simula nang magising ako mula sa coma, lahat nalang ng nangyari ay puros kalokohan.
"Sino naman yang Ikaapat? Tyaka tantanan mo ho ako sa pagtawag ng Young Master." Tumayo ako at nagsimula ng ikutin ang kwarto. May isang malaking salamin na mas malapad at mataas pa sa akin. Ang natatandaan ko.. nakahospital gown ako eh. Bakit nakaputing longsleeves at pants ako?
"Ang ikaapat ho ang inyong ama. Nasa batas ho ng mga Yakuza ang paggalang sa tagapagmana." Napahinto ako sa kinatatayuan at kinabahang napatingin sa matanda.
"Yakuza? Hindi ba yun ang tawag sa gangster na mga hapon." Nagnod ang matanda at ngumiti.
"Ang pamilya niyo po Young Master ay isang Gangster. At kayo po ang Fifth Generation heir." Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh! Isa na namang kaabnormal to! Panaginip lang to. Hindi to totoo. Panaginip lang. Gising! Gising Marcaux! Sinampal-sampal ko ang aking mukha para magising pero walang nangyayari. Nasaktan lang ako!
"Young Master Ryu, hindi po kayo nanaginip." Tantanan mo sabi ako sa pagtawag ng Young Master eh.
"Teka? Ang sabi mo Ryu?" Nagnod ang matanda.
"Im Marcaux! Im not Ryu! Mali ang nakuha niyong tao. Ibalik niyo na ako sa ospital!
"Young Master, Ryunji Kanagawa po ang japanese name ninyo." Tantanan mo sabi ako!! Hindi Kanagawa apelyido ko. Hindi Myembro ng Yakuza ang pamilya ko.
"NNOO!" Ayoko! Inikot ko ang paligid. Hindi ko matagpuan ang pinto palabas! Buong kwarto ay nalibot ko na pero walang kwartong nagpakita.
"Young Master, lahat po ng pinto ay may bantay. Hindi po kayo makakalabas." Aaawwwaaaaaawwaaaaaaaahhhhhhhh!!!!! KIDNAP TO!
"Let me go! Hindi ako anak ng gangster." Nang napatingin ako sa salamin may mga memorya na namang nagbalik sa akin. Memoryang nagpapakita ng pagpapalit ng mga katawan namin ni Allyna. Naaalala ko na! Si Raiku at si Allyna ay iisa. Kung ganun?
Ang katawan na aking napuntahan ay katawan ng lalaking anak ng Yakuza!!
Oh Crap!!
-+
BINABASA MO ANG
Tales : He was Once a Woman
خيال (فانتازيا)A novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makikita ang taong pinakahihintay niyang bumalik. Nagising na lamang siya sa katawan ng isang lalaki na...