Discharged

1 1 0
                                    

[Relaina]

Inabot din ng isang linggo sa ospital bago ako idineklarang okay na at puwede nang i-discharge. Ilang tests din ang kinailangang gawin sa akin, lalo na sa ulo kung saan alam kong isa sa napuruhan at ang ilang broken bones sa katawan ko na sanhi ng malakas na pagkakabagsak ko sa kalsada. At those times, hindi nawala si Brent sa tabi ko kahit hindi naman na nito kailangang gawin iyon.

Ganoon din ang sinasabi ng mga magulang ko sa lalaking iyon pero insisting lang talaga ito. I didn’t know if he was feeling guilty or afraid or both about all of this. Sa totoo lang, wala namang dahilan para maramdaman nito ang mga iyon, eh. But I guess I just couldn’t fully understand him. At least, not yet.

Sina Mama at Papa ang tumutulong sa akin na mag-ayos ng mga gamit ko na dinala ng mga ito at ni Mayu sa ospital habang naka-confine ako roon. Naasikaso naman na ng mga ito ang mga dapat bayaran kaya puwede na akong umuwi anytime ng araw na iyon.

“Huwag ka nang magbuhat ng kahit ano ngayon, ha? Kailangan mo pa ng mahabang pahinga,” sabi ni Papa sa akin.

Tumango na lang ako dahil wala naman akong dahilan para kumontra. Masyado ko nang pinag-alala ang mga magulang ko dahil sa nangyari.

“Pero sigurado ako na nandito pa rin si Brent para ihatid ka pauwi,” dagdag naman ni Mama. Pero ang tono naman nito, mapang-asar.

Napailing na lang ako sa pang-aasar ni Mama at tumingin ako sa labas ng bintana. It was another sunny day at sa totoo lang, dapat maganda ang pakiramdam ko sa nakita ko. But for some reason, my heart felt heavy. At hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.

Okay na ako, ‘di ba? I survived that incident and I was still here walking and breathing. Wala nang dahilan para makaramdam ako ng mga negatibong bagay.

“Aina, halika na. Alam kong gusto mo nang umuwi,” yaya ni Mama.

Tinanguan ko na lang ito at sumunod na ako rito pagkatapos. Kung darating man si Brent o hindi, bahala na ang lalaking iyon. Then again, mas kailangan nito ng pahinga dahil ito na ang nag-asikaso sa akin sa mahigit isang linggong nandito ako sa ospital. Kulang na lang talaga, isipin ng mga tao sa paligid na boyfriend ko ang bruhong iyon.

‘But would you consider that a weird idea?’

Wala akong naging tugon sa tanong na iyon ng isang bahagi ng isip ko. Honestly, when was the last time that I paid attention to the statements and questions that my mind would say to me? Ayoko nang isipin at baka masiraan lang ako ng bait.

Palabas na kami ng mismong hospital building kung saan ako naka-confine nang may mapansin akong pamilyar na taong parang nag-aabang.

Wait a minute… Ano’ng ginagawa nito rito?

“Nagpunta ka pa rin talaga rito, Brent?” hindi ko na napigilang itanong sa lalaking prente ang na nakatayo roon at nakapamulsa pa. “Hindi ba nila sinabi sa ‘yo na ngayon ako idi-discharge?”

“Sinabi na sa akin ni Mama noong araw na sinabi niya sa parent mo na puwede ka na ngang lumabas. Pero sinabi ko rin sa parents mo that day na ako ang maghahatid sa inyo pauwi.”

Napatingin tuloy ako kina Mama at Papa na tumango-tango lang sa akin. Parang sinasabi ng mga ito na pagbigyan ko na lang ang gustong gawin ni Brent. Seryosong usapan, gusto na ba akong ibugaw ng mga magulang ko sa lalaking ito?

Huminga na lang ako ng malalim dahil wala akong maisip sabihin dito bilang pangganti. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga magulang ko at napapayag si Brent ng mga ito sa gusto nitong mangyari. Mukha namang maganda ang intensyon ng bruho kaya napapayag na rin ako sa huli.

At ang loko, ang lawak ng pagkakangiti. Diyos ko po! May nakakatuwa ba sa ginawa kong pagpayag?

“Huwag kang gagawa ng kalokohan, ha?” babala ko rito nang sabihan ako ng mga magulang ko na sa front seat ako maupo.

“Takot ko lang sa ‘yo, ‘no?”

Pero ang ngiti ni Brent, hindi na mawala-wala hanggang sa mag-umpisa na itong mag-drive. Ano na naman kaya ang naiisip nito?

xxxxxx

Nakarating kami sa bahay nang walang abeyra, thank goodness. Hindi na ako nagulat nang makita kong nag-aabang na si Mayu sa labas ng bahay. Pero sa pagtataka ko ay hindi lang ito mag-isa roon.

“At mukhang nag-date pa yata ang dalawang ito bago nag-abang,” komento ko.

Pero si Brent, tinawanan lang ang sinabi ko. Iiling-iling pa bago bumaba at nagmamadaling pumaikot. Nanlaki ang mga mata ko nang ito pa talaga ang nagbukas ng pinto ng kotse sa akin at kay Mama. Pero ang tingin nito ay nasa akin lang.

Mukhang paiinitin na naman yata ng lalaking ito ang mukha ko, ah. Yes, alam kong bago iyon. Then again, bihira na lang naman kasing painitin ng sira-ulong ito ang ulo ko, eh. And I wasn’t sure if I should consider that a good thing or a bad thing, honestly.

Si Brent na talaga ang umalalay sa akin sa pagbaba ng kotse nito. At ang walang-hiya kong pinsan, nakakaloko ang ngiti habang pinapanood kami ni Brent. Ang sarap lang talagang kutusan nito, sa totoo lang. Hindi ko na lang ito pinansin at nag-focus na lang ako sa kilos ko dahil may ilang bahagi pa rin ng katawan ko ang sumasakit sa mga biglaang kilos ko.

Pagkatapos akong asistahan ni Brent ay hinarap nito ang mga magulang ko, sa pagtataka ko.

“Tito, Tita. Okay lang po ba na solohin ko muna ang anak n’yo sa garden ninyo? May gusto lang po akong pag-usapan naming dalawa.”

Muli na namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano na naman ba ang pinagsasasabi nito, ha?

“Basta huwag kayong magtatagal, ha? Kailangan pa ring magpahinga ni Aina kahit na na-discharged na siya,” sabi ni Papa, sa gulat ko.

Nakangiti namang tumango si Brent at tumingin sa akin. Before I knew it, he laid his hand in front of me. “Shall we?”

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko pagdating sa ikinikilos ng lalaking ito. Pero ano naman kaya ang pag-uusapan namin ngayong araw na ito gayong ang dami ng pagkakataong magkasama kaming dalawa sa ospital at wala itong binabanggit na kung ano man sa akin?

With a sigh, I took his hand that he offered to me and held on it tight. Pero sa pagtataka ko, ang lamig ng kamay nito. Ano na naman ba ang pinagdadaanan ng lalaking ito at ganito ang kamay nito ng mga sandaling iyon?

Before we started walking away, I squeezed his hand that I was holding. Napatingin tuloy si Brent sa akin. “Are you okay?”

Nanlaki ang mga mata nito, pero hindi nito sinagot ang tanong nito. Bagkus ay pinisil lang nito ang kamay ko at ngumiti.

“I’ll let you know soon. Okay?”

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon