Missing The Presence

1 1 0
                                    

[Relaina]

Two days had passed since I was discharged from the hospital. Kahit papaano ay nakakakilos na ako nang normal at wala na akong masyadong iniindang sakit sa katawan dala ng mga nasirang buto sa akin. Though Dra. Fate said that they were able to fix the broken bones I sustained because of the incident, I still had to be very careful about my movements.

Hindi pa ako masyadong pinapayagan nina Mama at Papa na lumabas ng bahay maliban na lang kung sa garden lang. Siyempre pa, bored ako dahil wala akong masyadong ginagawa rito sa bahay. Then again, kailangan kong sumunod sa utos ng doktor para na rin sa ikagagaling ko.

Hindi masyadong tumatambay si Mayu rito sa amin dahil kinailangan nitong mag-stay sa mga magulang nito at samahan ang mga ito bago umalis ulit at bumalik sa trabaho. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi na lang magpa-transfer sina Tito at Tita rito sa Altiera para hindi na nalalayo ang mga ito sa anak.

But it seemed that Mayu didn't mind the distance. At mukhang ganoon din ang mga magulang nito dahil confident ang mga ito na may nag-aasikaso sa anak ng mga ito. Pero sana, maisip naman ng mga ito na kailangan din sila ni Mayu.

Then again, hindi naman kasi ako nagtatanong sa kahit na sino tungkol sa dahilan kung bakit mas piniling lumayo nina Tito at Tita kay Mayu. Wala bang ibang paraan para mailipat ang business nila sa Altiera at nang sa gayon ay makasama naman ng mga ito ang pinsan ko?

“Hay… Kung anu-ano na naman ang pinag-iiisip ko. Imbes na ang sarili ko ang dapat kong pagtuunan ng pansin, heto at ang pinsan ko pa ang binibigyan ko ng atensyon sa isipan ko.” Pero wala namang masama roon, ‘di ba?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong isipin iyon. May iba akong dapat na pinagtutuunan ng pansin ng mga sandaling iyon at hindi ang ibang tao. That last conversation I had with Brent... Hanggang sa mga sandaling iyon ay naiisip ko pa rin ang pag-uusap naming iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado sa takot na nararamdaman nito para sa akin.

Ang weird lang isipin, sa totoo lang. Why would he fear so much for my life like that? Oo nga't in-assure ko ito na hindi ko ito lalayuan o kung ano pa man. Pero may palagay ako na kahit sabihin ko iyon, hindi pa rin iyon sapat para matahimik ang kalooban nito.

"Hay... Hindi na nga yata talaga maaalis sa utak ko ang lalaking iyon." Then again, matagal naman nang ganoon ang sitwasyon, 'di ba? Mula nang makilala ko si Brent, sa simula't sapul ay hindi na ito nawala sa utak ko.

Regardless of what I felt back then and what I felt at the moment, it still boiled down to one conclusion. Namahay na si Brent sa isipan ko mula noon hanggang sa mga sandaling iyon.

Bumuntong-hininga na naman ako ulit. Kailangan, eh. Ayokong mag-isip ng anumang negatibo pagdating sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Brent. Ayoko nang makitang nahihirapan nang husto ang lalaking iyon in any way or reason at all.

Pero heto ang problema ko. Ano ang puwede kong magawa para kay Brent para hindi na ito mahirapan ng dahil sa akin?

Huminga na naman ako ng malalim habang nakatingin sa labas. Well, kanina pa ako nasa labas ng bahay. Pero nasa veranda lang ako ng kuwarto ko sa second floor. Hindi pa ako puwedeng lumampas sa vicinity ng bahay namin dahil masesermunan ako ng mga magulang ko kapag nalaman ng mga ito. Hindi pa kasi ako puwedeng magpagod nang husto hanggang hindi pa ako tuluyang magaling.

Especially the “broken bones” part of my recovery journey.

Nakapatong ang ulo ko sa mga kamay kong nasa balustrade ng veranda ko. Yes, I could say that at the moment, I was bored. Wala akong maisip gawin kahit na nandito ako sa bahay. Kaya heto ako ng mga sandaling iyon. Walang ibang magawa kundi ang mag-isip ng kung anu-ano at pag-isipan na rin ang mga dapat kong sabihin o gawin sa susunod na magkita kami ni Brent.

“Urgh! What the heck?” Ano ba naman ito? Bakit hindi ko magawang i-settle at patahimikin ang utak ko pagdating sa lalaking iyon?

My eyes shot right up and I frowned when I heard something. Teka… may tumatawag ba sa akin? Napaangat tuloy ako ng tingin at ipinaikot ko rin ang tingin ko sa paligid. Hanggang sa napatingin ako sa ibaba ng veranda. Doon na nanlaki ang mga mata ko.

“Brent?” Teka! Ano’ng ginagawa nito rito? Bakit ito nagpunta sa bahay namin?

The guy just smiled at me at kinawayan pa talaga ako. Hmm… Mukhang okay naman na ito. Of course, looks could be deceiving. Mukhang kailangan na naman naming mag-usap na dalawa.

‘But you don’t mind talking to him, right? Kahit araw-araw pa?’

Ayoko nang mag-react sa sinasabi ng utak ko, sa totoo lang. Nakakapagod kalabanin ang utak ko kapag bumabanat nang ganoon Bumuntong-hininga na lang ako at niyaya si Brent na pumasok ng bahay.

Mukhang kailangan ko na ring itigil muna ang pagmumuni-muni ko sa ngayon. Saka na ako magda-drama ulit kapag matino na ang takbo ng isipan ko.

Ilang sandali pa ay bumaba na ako sa sala kung saan nandoon na si Brent at naghihintay sa akin. Pero bago ko ito maharap at nagpaalam sa akin si Mama na pupunta raw muna ito sa kabilang bayan dahil may kailangan itong asikasuhin. Bumalik naman ulit ng Aurora si Papa para sa isang project na na-postpone dahil sa bagyo at dahil na rin sa kinasangkutan kong aksidente.

In other words, maiiwan na naman akong mag-isa rito sa bahay. Este, kaming dalawa pala ni Brent. But I guess I didn’t mind. Aminin ko man o hindi, hinanap ko rin ang presensiya ng mokong na ito nitong mga nakaraang araw na hanggang tawag at chat lang kami nag-uusap.

Nang makaalis na si Mama ay saka ko binalikan si Brent na naroon sa sala at seryosong nakatingin sa isang partikular na framed picture. Sinundan ko ang tingin nito at napansin kong titig na titig ito sa picture naming dalawa ni Kuya Evon na magkasama.

Kuha ang litratong iyon noong high school graduation ko at iyon ang panahong nagtagal ang bakasyon ni Kuya Evon sa Pilipinas. Kaya naman mahalaga ang picture na iyon sa akin. Hindi na ako nagtaka nang makita ko ang titig ni Brent doon. Hindi ko naman kasi inilabas ang picture frame na iyon noong mga panahong napapadalas ang pagbisita ni Brent sa bahay.

I never had any intention of hiding that from him. Pero nagkataon kasing hindi ko sinasadyang mailaglag ang dating picture frame ng litratong iyon at nasira iyon. Nagtagal rin bago ako nakapag-settle sa gusto kong ipalit na picture frame doon.

Huminga ako nang malalim bago ko maisipang lapitan si Brent.

“Seryoso ka naman diyan sa pagtitig mo sa picture na ‘yan, ah. Dahan-dahan lang at baka mabasag mo iyan,” sabi ko para kuhanin ang atensyon ng lalaking ito.

When Brent turned to face me, however, his facial expression was indeed serious. Napakunot ako ng noo sa napansin ko.

“How come you never mentioned this person to me before?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon