NOW AND FOREVER ( JACIA ) - meet the characters :)

5.7K 51 10
                                    

Sam Concepcion – as Sam. Napakatalentadong bata. Hilig nito ang kumanta at sumayaw. Lagi siyang sumasali sa mga pakontest sa kanilang barangay. Siya ang napakalistong anak ng pamilya Fontanilla. Siya ang ikalawa sa tatlong magkakapatid. Maalagang kuya ito at maituturing mong tunay na kaibigan. Lumaki sa marangyang pamumuhay. Nagmahal na siya ng tunay,totoo at tapat ngunit siya’y nasaktan,  Kaya ba niyang isakripisyo ang lahat para sa babaeng gusto niya? Hanggang kailan niya ipaglalaban ang lahat? Makakaya pa ba niya ang mga pagsubok na darating? Mapatawad pa kaya niya ang kanyang dating pag-ibig?.

Yen Santos – as Yen. Isang simpleng babae. Tapat na kaibigan. Nagiisang anak ng mga Rivera. Napakabibong dalaga. Hindi pa niya naranasan ang magkaboyfriend sa kanyang edad dahil sa istrikto ang kanyang mga magulang at kung malaman man ito ng kanyang mga magulang ay aalis na sila sa Pilipinas upang ipaglayo sila. Ngunit, inilihim niya na may karelasyon siya at si Tricia, Jenny, Fretzie, at April lamang ang may alam nito. Halos 2 years na ang relasyon nila ni Sam. Kaya pa ba niyang magsinungaling sa kanyang mga magulang? Gugustuhin ba niyang patago na lang ang kanilang relasyon nila? O susundin na lang niya ang kanyang mga magulang at makikipaghiwalay na lang kay Sam?

Robi Domingo – as Robi. Kaibigang matalik ni Sam at may gusto ito sa kapatid ni Sam na si Tricia ngunit alam niyang hindi pwede kasi mas matanda ito sa kanya. At ayaw nitong masaktan kung sakali, kaya minabuti na lang niyang maging mabuting Kuya man lang. May mahanap pa kaya siyang iba na magpapatibok sa kanyang puso? Mapipigilan ba niya ang kanyang nararamdaman at magpaparaya na lamang ito? Maipahayag kaya niya kahit minsan man lang na mahal niya si Tricia?

Tricia Santos- as Tricia. Bunso sa magkakapatid. Spoiled-brat kung siya’y tawagin sa school. Napakasimpleng pumorma ngunit minsan ay sosyal naman. Marami ang naiinggit sa kanya kung kaya siya ay binubully sa kanilang school. Maraming pagsubok na ang kanyang dinaanan, kaya ba niyang harapin ng buong tapang ang mga darating pang pagsubok o susuko na lamang ito? Hindi rin niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend ngunit may crush siya kay James. Mapapasakanya ba si James o tuluyang mahulog na siya sa iba? Mapapatawad ba niya ang mga taong nakasakit sa kanya?

James Reid - as James. Multi-talented na binata. Isang campus heartthrob sa kanilang eskwelahan. May girlfriend siya sa school na si Ann at ex-girlfriend naman na si Devon. Kabarkada niya ang mga ito including Bret, Patrick, Joe, Shey, Ryan, Kyra and Yong. Nagkaroon sila ng pustahan na kailangang mapasagot niya si Tricia in 2 months and ibebreak niya ito after 2 months. Ann is aware with that dare at kapag hindi niya ito nagawa ililibre niya ang buong barkada sa Baguio. Magagawa ba niya ang dare na ito o tuluyang mahuhulog kay Tricia? Paano na si Ann – anung mangyayari sa kanilang relasyon?

Ivan Dorschner – as Ivan. Napakabait na binata and he’s handsome , so gentleman. Dreamboy ng lahat. Galing sa California ang binatang ito but he can understand tagalong and speak tagalong but not that much. May gusto rin siya kay Tricia and he’s trying to get Tricia’s attention? Hanggang kailan ba niya ipaglalaban ang pag-ibig niya kay Tricia kung alam naman niya na may gusto ito kay James? Will he let her go for the sake of her happiness or ipaglalaban pa rin niya si Tricia hanggang sa huli?

Fretzie Bercede – as Fretzie. Mahilig si Fretzie na magperform with Sam. Napakasimpleng babae. Bestfriend ni Tricia, Jenny, April and Yen. May dalawang lalaking nanliligaw sa kanya at yun ay sina Bret at Patrick. Hindi siya makapili kung sino sa dalawa kasi pareho silang sweet, charming and so mabait. Pero mapapatawad ba niya ang mga ito kung nalaman niyang may ginawa silang pustahan sa matalik niyang kaibigan? Ano ang pipiliin niya ang kanyang kaibigan o ang love? 

Bret Jackson – as Bret . isang Amerikano ngunit marunong o kayang makaintindi ng tagalog. Talentado din ito, magaling kumanta at maggitara. Ang gusto niya ang mafulfill lahat ng goals niya at mapasagot ang babaeng pinakamamahal niya. Ngunit, may hadlang at ito ang isa sakanyang matalik na kaibigan. Will he ever learn to let her go for the sake of Patrick? O ipaglalaban pa rin niya ang nararamdaman for Fretzie? May the best man win nga ba ang drama ng 2?

Patrick Sugui - as Patrick. Isang soccer player/ varsity . matalino, mayaman and he’ll do everything to get something that he wants and for him to become successful in any way. May gusto rin siya kay Fretzie at nililigawan niya ito pero alam niyang karibal niya si Bret. Ipaglalaban o magpaparaya?- yun ang choice niya. Makahanap kaya siya ng iba kung sakaling si Bret ang piliin ni Fretzie?

Devon Seron – as Devon. Isang masayahing babae. Napaka jolly niya. Ex-girlfriend siya ni James. Talentado din siya – hilig niya ang pagsasayaw, kasama rin siya sa drama club ng kanilang school. Tanggap na ba talaga niya na iba na ang mahal na si James at hindi na siya mahal nito. Makakahanap pa ba siya ng ibang mamahalin niya? Magbunga kaya ang mga paghihrap niya? 

Ann Li – as Ann. Masasabing talentado talaga ang dalagang ito – mahilig siyang magdisenyo ng mga damit, magaling mag-skating, sumayaw. Siya ang kasalukuyang girlfriend ni James. Payag siya sa dare na napagusapan ng kanilang barkada, ngunit kaya pa ba niyang ipagpatuloy ito ni James? Matitiis ba niya ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si James at Tricia na sweet sa isa’t-isa? Magpaparaya kaya siya o ipaglalaban pa rin niya si James?

Jenny Kim – as Jenny . Koreana but very fluent na siya sa pagsasalita ng tagalong. Napakaingay na kaibigan pero mapagkakatiwalaan talaga. She’s too jolly kaya minsan ang tawag sa kanya ay Jollibee. Merong nagkakagusto sakanya at ito ay si Ryan. Matagal na rin niyang gusto si Ryan pero ayaw niyang ipahalata na may gusto siya rito. Kaya pa ba niyang itago ang kanyang nararamdaman o tuluyang mahulog na talaga siya rito at malaman na ng iba na matagal na niyang gusto si Ryan? Mapapatawad din ba niya ang mga taong nanakit sa matalik nilang kaibigan na si Tricia?

Ryan Bang – as Ryan. Itong si Ryan ay napakamasiyahing tao. Gustong-gusto niyang magpatawa. Ayaw niyang nakikitang malungkot ang kanyang mga kaibigan. Napakabait pa niya. May nagugustuhan siyang babae at yun ay si Jenny. Ilang beses na rin itong sawi sa pag-ibig dahil sa ito ay medaling maloko ng ibang babae dahil sa kanyang pananaw sa pag-ibig. At nung nakilala niya si Jenny ay talagang natamaan siya dito at sinabi sa sarili na si Jenny na talaga ang babaeng para sakanya. Kaya ba niyang magmahal muli? Paano kung masaktan siya ulit? Sigurado na ba siya kay Jenny?

Shey Bustamante - Shey. Isang model. Marami ang nagkakagusto dito at masasabi nating marami na rin siyang naging boyfriend. Mahilig itong gumimik at ang gusto niyang makamit ay maging isang magaling na artista.siya at si Joe rin ang may pakana ng pustahan nila. Matupad kaya ang mga pangarap niya o talagang pangarap na lang yun? Makokonsensya ba siya sa mga ginawa niya?

Joe Vargas – as Joe. Madaldal, palabiro, happy-go-lucky. Mahilig din gumimik itong si Joe. Mahilig siya sa mga parties. Madali lang siyang pakisamahan ng mga tao. Siya talaga ang pasimuno sa dare na gagawin ni James. Maituturing siyang “DOCTOR LOVE “. May gusto siya kay Shey. Pero paano kung malaman niya na ang kanyang matalik rin niyang kaibigan na nasa ibang bansa ang gusto ni Shey? Anu ang gagawin niya? Advice na lang ba ang masasabi niya kay Shey o maglalakas loob itong sabihin sakanya ang nararamdaman niya?

Kyra Custodio – as Kyra. Magaling sumayaw, isa siyang performer sa kanilang school. Mataas ang kanyang hangarin na makapunta sa ibang bansa kung kaya siya’y nagsisikap talaga. Siya ay may gusto kay Yong kung kaya’y lagi siyang nagpapacute dito pero hindi niya alam na nagkakagusto din sakanya si Yong. Magkakatuluyan ba silang dalawa? Masabi kaya nila sa isa’t-isa ang totoo?

Yong Gopez – as Yong. Simpleng binata, hilig nito ang magluto,mag-gitara at kung anu-ano pa. marami siyang gusting gawin sa buhay. Parehas na parehas ang personalidad nilang dalawa ni Kyra kaya bagay na bagay silang dalawa. Matagal na niyang napapansin na laging nagpapacute si Kyra sakanya. Matagal na siyang may gusto dito. Masabi kaya niya ang tunay na nararamdaman?

April Sun – as April. Kaibigan nila Tricia, Yen, Fretzie at Jenny. Madalas itong pumunta sa mga raket ng mga kaibigan. Mahilig din siya sa gimikan. Marami siyang hilig, minsan pinagkakamalan siyang masungit dahil sa mga mata niya but she’s really pretty. May boyfriend siya at ito ay si Jovic. Paano kung nalaman niya na nililigawan niya si Shey o sila na ni Shey? Ano ang gagawin niya? Mapapatawad pa ba niya ito?

Jovic Susim – as Jovic. “CHICKBOY” ang tawag sa kanya dahil sa cute at gwapo ito at dahil na rin maraming nagkakagusto dito at dahil marami rin siyang kaibigang babae. Girlfriend niya si April halos 3 years na ang dalawa. Pero may isa pang girlfriend si Jovic at yun si Shey. Kaya pa ba niyang pagsabayin ang dalawa? Kaya pa ba niyang saktan si April na halos 3 years na sila o si Shey na 3 months pa lang? paano kung mabuko siya ng dalawa, anong gagawin niya?

NOW AND FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon