Kyle Pov
"Good Evening, Kyle, nakauwi kana?"
Pag pasok na pagpasok ko sa kwarto ko, bumungad agad sakin ang message ni Khyian na hindi ko naman inaasahan.
Ano ba naman to! Mukhang makakakuha pa ng libre sila Kiara nito.
Hindi ko din naman inaasahan na magmemessage siya sakin, ni hindi nga kami close. Pero dahil Mr. Friendship ang tawag sakin ng mga kaibigan ko, nakakahiya namang hindi replayan to, kaya rereplyan ko na lang.
"Hi, Khyian. Oo nakauwi nako." Reply ko sa kanya.
Parang wala pang isang minuto nagreply siya agad. Bat ang bilis naman, ang assuming ko naman pag sinabi kong "inaabangan niya ba yung message ko??"
"That's good to know! Kumain kana ba?"
Hays. Saad ko sa sarili ko, alam ko na kasi galawan nito, nung Junior Highschool ako, maraming nagtangka sakin manligaw pero hindi ako pumapayag at ganitong ganito rin sila.
"Not yet, nagluluto pa sa baba eh, but thank you for asking!"
Hindi ko na siya nireplyan after ko isend ang message ko. Gustong gusto ko na kasing magshower, ang lagkit na ng feeling ko grrr.
After ko magshower, nagbihis nako at dumiretso sa hapag-kainan. Nakita ko na hinihintay nako ng parents ko kasama si kuya. Yes, I have a brother, and tanggap niya rin ako sa pagiging bisexual ko.
"Ang tagal mo naman magshower, kanina pako nagugutom eh." -Kuya
"Edi sana nauna kana kumain sinisisi mo pako HMP. Naiinis na saad ko sa kanya.
"O siya, tama na yan, nasa harapan tayo ng pagkain, masama ang magaway." -Daddy
At masayang kaming kumakain sa hapag-kainan. Sa ganitong oras din naman kumakain yung mga kasama namin sa bahay sila Ate susan, Manang Yolly, tsaka si Kuya Ruben. Hindi man namin sila kasama sa iisang lamesa pero sabay sabay dapat kami kumakain sa oras na ito.
"Anak, how's your first day sa school?" Saad ni Mama.
"Doing well naman ma, I have my friends na rin. And ako ang napiling President for our section, then lahat ng higher position for class officers are automatic na kasali sa pilian for SSC ng school namin" Saad ko naman kay mama.
"Wow, anak! Im sure ikaw na naman ang magiging president ng SSC, im so proud of you na agad." sabi ni mama
"Thank you, mama, ikaw talaga ang the best mama in town!" pambobola ko kay mama
"Ay sus, nagbola kapa HAHAHA" -Mama.
"Oo nga daw eh, sabi sakin ni Au, nakita ka raw niya sa auditorium nung sumilip daw siya don" Saad naman ni Kuya."Kilala mo siya Ms. Au kuya?" Tanong ko kay kuya.
"Batchmate ko siya nung Highschool kami, close friends ko din siya. Nako magmagbabantay na sayo pag gumawa ka ng kalokohan HAHAHA" - Kuya.
"As if gagawa ako ng kalokohan, study first kaya ako hmp. Naiinis na saad ko dito.
"HAHAHA, binibiro lang kita, sige na ipagpatuloy mo na ang pagkain mo." Sabi ni kuya, at kumain na nga kami ng matiwasay.
Pagkatapos kumain, tinulungan ko si ate susan na maghugas ng plato, ayaw niya pa magpatulong nung una pero wala siyang magagawa HAHAHA.
"Ate tutulong ako, sige isusumbong kita kay mama, tsaka wala pa naman akong gagawin, tapos ko na yung mga need ko gawin for school, ayoko pa naman humiga." Saad ko kay ate.
"Hay nako, Kyle, sige na nga pero ako na sa mga kawali ha, mahirap hugasan yan." Sabi naman ni ate susan.
After namin maghugas ng plato, kinuha ko na muna yung cellphone ko para icheck if may mga message ako galing kela reese, pero hindi ko inaasahan yung mga nakuha kong messages.
"Kain kana whenever ready na ang food niyo, Eat well Kyle!" - Khyian
"Hi, Kyle, Kamusta first day?" - Angelo
"Hi, Kyle, I hope you're doing fine, kamusta ang first day mo with our school?" - Gio
******************HELLO GUYS!! OMG It's been a while, as in super HAHAHA, ginawa ko tong story na to nung grade 12 ako pero ngayon graduating nako ng college HAHAHA. Naiwan dito yung mga masasayang alala sakin, kaya gusto kong ipagpatuloy. Sorry sainyo if nawala ako ng super tagal, may mga need na unahin akong gawin, and kailangan kong isantabi to. Pero babawi ako sainyo, na free nako ngayon, waiting for graduation (TARAY). Sana pagpatuloy niyo paring basahin to. Salamat sainyo!!

BINABASA MO ANG
a not your typical love story
Fiction généraleKyle Tuazon, 17 year old discreet bisexual guy na naghahanap ng kasama sa buhay, na magmamahal sa kanya ng tunay. Di niya inaasahang magkikita muli sila ng bestfriend niya noong junior high school pa lang siya sa papasukan niyang paaralan ngayong sh...