1. First day of class

124 8 6
                                    

Tiffany's POV

"Sis, ang gwapo pala ng kapatid ni Chrystal. Kyaa!" si Stephanie Galvez yan, kakambal 'ko pero hindi kami magka-mukha. Maganda siya at pangit ako. Sa katunayan, isa nga siya sa mga sikat sa school namin kaya hindi 'ko siya pinapansin kapag nasa school na kami. Ayaw 'ko naman na masira ang image niya dahil lang sa may kakambal siyang pangit.

Ako nga pala si Tiffany Galvez. Pangit ako. Pero kahit pangit ako, may naging boyfriend akong gwapo kaso nalaman 'kong kaya niya lang ako niligawan ay dahil sa pinagpustahan nila ako ng mga kaibigan niya. Hay. Dun 'ko naisip na ang pangit 'ko nga pala talaga.


"Sino? Si Kevin Lee?" tanong 'ko kay Steph. Si Kevin lang naman kasi ang kilala 'kong kapatid ni Chrystal.

"Gwapo ba yun? Atsaka, 'di ako magkaka-gusto sa pangit na yun nu" umakto pa si Steph na nandidiri habang sinasabi 'yan.

Wow uh? Ang gwapo nalang ni Kevin. Halos lahat nga ng babae ay tumutulo ang laway kapag dumadaan siya, at isa na ako dun.


Kung nagtataka kayo kung sino si Chrystal at Kevin, sila nga pala ang anak ng may-ari ng paaralang pinapasukan namin. Si Chrystal Jane Lee ay ang Student Council President at isa rin siya sa mga kaibigan ng kakambal 'kong si Steph. Si Kevin Jay Lee naman ay ang nakatatandang kapatid ni Chrystal. Captain siya ng basketball team at kasali siya sa sikat na banda na kung tawagin ay 3K band, na hindi lamang sikat sa paaralan namin kundi pati na rin sa ibang paaralan.


"Eh sino pala?" at ayun nga, tumalon-talon na siya sa sobrang kilig kaya binatukan 'ko.

"S-si Drian Jake Lee. Waaa! Ang gwapo niya talaga!" mukhang pinagpapantasyahan niya pa sa isip niya ang Drian na yun habang sinasabi 'yan.


Oo nga pala, may tatlong kapatid pa pala si Chrystal at Kevin na sa ngayon ay nasa San Francisco, California. Dalawang babae at isang lalaki. Nandun din ang magulang nila Kevin at Chrystal pero mas gusto nilang mamalagi dito sa Pilipinas. Siguro yung tinutukoy ni Steph ay yung bunso nilang kapatid na lalaki.

Fil-Kor kasi yan sina Chrystal at Kevin. Half Korean, half Filipino. Paano 'ko nalaman? Malamang, no. 1 fan ako ni Kevin kaya alam 'ko 'yang mga bagay na 'yan. Isa pa, sikat na sikat sila kaya alam na namin yan.


"Sus! Mas gwapo parin si Kevin 'ko. Pangalan palang nung Drian, pangit na. Ano nalang kaya ang mukha?" sabi 'ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Totoo naman uh? 

"Heh! Tignan lang natin. Kakainin mo rin 'yang mga pinagsasabi mo!" sabi niya at padabog na umakyat sa kwarto niya.

"Goodnight sis! I love you. Mwah!" sigaw 'ko sakanya habang paakyat siya para naman mabawasan ang pagka-inis niya kaso mali yata ako kasi mas nainis siya saakin at inirapan pa ako. Abnormal talaga 'tong kakambal 'ko. Maka-akyat na nga lang rin sa kwarto 'ko para makatulog na at maagang makapasok sa school bukas. First day of class pa naman tapos ma-l'late pa ako? Di pwede yan.

***

Nasa school na kami ngayon ni Steph kasama ang bunso naming kapatid na ngayon ay Grade 7 na. Grade 8 naman ako samantalang si Steph ay Grade 9 na. Grade 9 na din dapat ako kaso bumagsak ako sa Math at Science last year kaya balik Grade 8 ako.

"Ate, una na ako sainyo." paalam ni Stacey, bunso naming kapatid.

"Alam mo na ba kung saan ang room mo?" tanong ni Steph kay Stacey

"Opo" sagot ni Stacey

"Sige. Bye, ingat ka" sabay naming sabi ni Steph kaya naglakad na palayo si Stacey.

Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon