PART I

47 2 0
                                    

Si Darren at Sandy ay mag-bestfriend simula pa nung mga bata pa sila at makaka-close din ang kanilang mga pamilya. Si Sandy ay maganda, mayaman at matalino, kaya naman gustong gusto sya ni Darren. At si Darren naman ay Mayaman, gwapo, singer, loyal sa babaeng mahal niya at medyo pasaway sa mga magulang niya at spoiled din ito, gusto ng mga magulang ni Darren na siya ang magpapatakbo sa mga negosyo nila dito sa pilipinas pero hindi sang-ayon si Darren dito dahil ang gusto nya talaga ay maging vocalist singer sa isang banda, kaya naman hinayaan na lang ng mga magulang nya ito dahil spoiled nga. Si Darren at Sandy ay matagal ng may relasyon at legal din sila sa kani-kanilang pamilya, ngunit isang araw bigla na lang nagbago ang lahat lalong lalo na si Sandy, napansin yun ni Darren kapag magkasama sila, na-notice nyang naging cold na ito at naging masungit, walang kamalay-malay si Darren na niloloko pala sya ni Sandy, pero nalaman rin ni Darren kung bakit nagkaganun si Sandy, at huling-huli nya sa akto na may kasamang ibang lalaki si Sandy, hindi lang isang beses na nahuli nya ito kundi maraming beses, pero hinayaan lang ito ni Darren dahil nga mahal na mahal nya ito, handa siyang magpakatanga wag lang mawala si Sandy sa kanya. Kaya imbes na komprontahin ni Darren si Sandy nagpakalasing na lang ito at sa tuwing umuuwi ito sa kanilang bahay ay lagi na lang itong nasesermonan ng kanyang nanay at sya pa tuloy ang lumalabas na masama, Tinatanong ng mga magulang ni Darren si Sandy kung bakit ito nagkaka-ganito, walang ma-isagot si Sandy imbes na sabihin nya ang totoo sinabi nya na lang na gusto na nyang makipag-hiwalay kay Darren sa di-maipaliwanag na dahilan, nung gabing yun nagmamaka-awa ang mga magulang ni Darren kay Sandy para huwag hiwalayan ang anak nilang si Darren ngunit hindi na mababago pa ang isip ni Sandy, kaya naman umuwi na lang ang mga magulang ni Darren. Pagka-uwi ng mga magulang ni Darren, kina-usap agad nila ang anak, hindi pa natatapos ang pag-uusap nila ay bigla na lang tumakbo si Darren papalabas ng pinto at hindi na ito napigilan ng mga magulang niya. Nung gabing yun napakalakas ng buhos ng ulan at sumugod si Darren sa bahay nila Sandy nagsisigaw ito at pinipilit buksan ang gate, nang marinig ni Sandy si Darren agad itong lumabas at may halong inis at galit.Sandy: Darren, sa tingin mo anong ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo?! Darren: Please Sandy, wag mo kong hiwalayan alam mo namang mahal na mahal kita (sabay luhod at may halong iyak) 

Sandy: Tumayo ka nga diyan wala ka ng magagawa dahil tapos na tayo, ayoko na Darren nasasakal na ko!

Darren: Ano bang ginawa kong mali? Ha? Sabihin mo? At babaguhin ko please sandy!  

Sandy: Wala, wala kang ginagawa, ayoko na sawang sawa na ko, tigilan na natin to.

Darren: Dahil ba may iba ka na? Ha? (Sabay tayo)

Sandy: Ha? Ako may iba? What the h...

Darren: Sandy nakita kitang may kasamang ibang lalaki, maraming beses na Sandy!

Sandy: Okay I Admit it, oo may iba na ko at wala ka ng pake dun dahil maghihiwalay na tayo!

Darren: Sandy, please wag mo namang gawin sakin to ikaw lang ang buhay ko.

Sandy: Pwede ba Darren wag mo na kong dinadaan sa mga Drama mo dahil kahit kelan at kahit anong mangyari hinding hindi na ko babalik sayo! (Sabay sara ng gate)

Darren: Sandy please, hindi ko kakayanin pag iniwan mo ko, please wag mo na kong hiwalayan! Please Sandy mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko!

Araw-araw ay pumupunta si Darren sa bahay nila Sandy ngunit walang napapala ito kahit anong iyak at makaawa niya ay walang epekto ito kay Sandy. At isang araw ay bigla na lang umalis ng bansa si Sandy upang hindi na sya guluhin ni Darren, at wala itong pasabi kaninoman kung saan ito patungo. Nalaman yun ng pamilya ni Darren, at naging pala-inom si Darren that time dahil sa depression, hindi na sya nakakakain at isang araw sa isang linggo ay nagkukulong sya sa kwarto nya at hindi na rin sya nakakausap ng maayos ng kahit sinong tao sa paligid nya. Pagkalipas ng ilang buwan, biglang nagbago ang ihip ng hangin bigla nyang kinausap ng masinsinan ang magulang nya na kinabigla naman nila na may halong tuwa. Kinausap ni Darren ang mga magulang niya para mag-paalam na pupunta itong palawan at nung oras din na 'yon ay pupunta din ang mga magulang nya sa Canada para asikasuhin ang negosyo nila, kaya naman pumayag sila na pumunta sya dun at para na rin makapag-isip sya at para na rin maka-move on. At kinabukasan, aalis na sila magkasabay ang oras ng flight nila ng magulang nya, at ayun lumipad na ang sinasakyan nilang pareho, ngunit sa di inaasahang pagkakataon biglang nag-crash ang airplane na sinasakyan ni Darren at ayun napadpad siya sa isang isla, sugatan ang buong katawan nya, nalaman yun ng mga magulang nya at dali-daling pinahanap sya. At magdadalawang araw na si Darren sa islang yun, pero isang araw may nakakita sa kanyang isang babae na nagngangalang Yna, dali daling humingi ng saklolo si Yna at ayun dinala nila agad si Darren sa malapit na ospital, sa emergency room agad dinala si Darren dahil sobrang malala na sya. Nung oras na yun ay kinakabahan na si Yna at sobrang pinagdadasal nya si Darren na may halong iyak.

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon