Gino (long hair) & Daniel (short hair) on the right side ------>
GINO'S POV
Nagising ako.
Pero pag mulat ko ng mga mata ko, wala rin akong makita.
Madilim eh. >:)
Hindi ako makagalaw kasi nakatali rin ang mga kamay ko. Sobrang higpit.
Biglang bumukas yung pintuan pero hindi ko nakita yung pumasok dahil sa madilim at nakatalikod sya sa liwanag. Pero alam kong lalaki to. Sumara naman din kaagad ang pintuan.
"Oh, gising ka na pala." Sabi nung lalaking di ko naman kilala.
"Sino ka?!"
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Gino, Gino, Gino. Hindi mo ba talaga ko nakikilala?"
"Itatanong ko pa kung kilala kita? Gago ka pala eh."
At ayun, tumawa nanaman siya. Pero this time, malakas na.
Biglang bumukas ang ilaw at sa harap ko, may salamin. Kitang kita ko ang sarili ko.
Ano namang kalokohan to?
"Oh ngayon, nakikita mo sarili mo dyan diba?"
Hindi, hindi ko makita sarili ko. Gago salamin nga eh.
"Of course, fucktard. Salamin nga diba."
Tumawa nanaman siya. Hindi ko alam pero tumaas ang mga balahibo ko.
"Kung ano ang nakikita mo sa salamin na yan ngayon...
Ganyan na ganyan din ang itsura ko."
---
KATHRYN'S POV
"Sige, maghihintay kami ng tawag. Please lang, pakihanap ang anak namin." Tita Karla.
Binaba niya na ang telepono, kausap niya kasi yung mga walang kwentang pulis.
Lahat kami andito. Mga walang pang tulog. Naghihintay ng balita. Pero wala pa rin eh.
"Anong sabi nila, mare?" Mommy Min.
"Susubukan daw nilang mahanap siya kaagad. They're trying their best." Tita Karla.
"What? Pero kailangan na nilang mahanap si Gino kaagad!" Di ko nanaman napigilan ang sarili ko. Sobrang nag-aalala na ako sa bestfriend ko.
"Kath, alam naming gustung gusto mo ng makabalik si Gino. Lahat naman tayo dito eh pero-"
"Pero ano? Pero wala pa rin? Ayoko namang maghintay nalang dito at walang gagawin!"
"Kath?" Napatingin ako kay mommy. Nagulat sila sa naging reaksyon ko.
Lahat sila nakatingin sakin.
Eto nanaman tong luhang to eh!
Wala na akong nagawa, tumakbo na lang ako papunta sa kwarto ko.
Dun na lang ako umupo sa tabi ng bintana. Nakatanaw lang.
Kailan ka ba kasi babalik, Gino?
.
.
.
.
.
.
Miss na miss na kita.
Di ko namanlayan, may mga tumutulong luha na pala. Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ako iiyak?
Maya maya, may naramdaman akong humawak sa balikat ko.
Pagtingin ko, si mommy.
Di na ako nagsalita, niyakap ko nalang ng mahigpit si mommy.
"Everything will be okay, Kath. Trust me."
BINABASA MO ANG
His Lost Brother [KathNiel] *EDITED*
Fanfic"Kath, hindi na ako ang Gino na kilala mo. Iba na ako. Sorry ka nalang, hindi mo nagustuhan. You have to deal with it."