"Sige na, Accel, umatake ka na, mananalo na tayo sa clan war" ang sabe ni Markus,"kaya nga atake na habang lamang pa tayo" wika ni Felix, "sige sige ito na" sagot naman ni Accel. "Uy, lagay mo na yung P.E.K.K.A. para ma 3 star mo na" sabi naman ni Jared. Sila ang magtotropang Accel, Markus, Jared at Felix. Sila'y mga 2nd year college na estudyante at libangan nila ang paglalaro ng Clash of Clans. "yun oh! 3 stars! boom panes, hahahaha" sabi ni Accel "sabe ko sa inyo madale lang ito hahahaha" itinuloy niya. "krrriiinnnggg!""mukang tapos na recess naten ah" sabi ni Felix. "Tara na baka ma-late pa tayo, nakakatakot magparusa si prof. Ibanez". Dumaretso na sila -silang magtotropa papunta sa kanilang silid.
Makalipas ng kanilang klase, pumunta sila sa tindahan at bumili sila ng chicherya at softdrinks, tumambay muna sila dun bago umuwi. "kakainis yung quiz kanina, bagsak ako" ang pagalit na sabi ni Markus, "kaya nga, nagbigay ng biglaang pagsusulit si prof. Ibanez di pa naman ako handa" sabi ni Felix "Pag' nakita ito nila mama at papa, patay ako, kuha cellphone ko" sabi ni Accel "Ano attack ulet tayo? Ikaw naman umatake Felix" sabi ni Jared. Pagkatapos nila maglaro, umuwi na sila. Habang naglalakad ang magtotropa, inabutan sila ng ulan sa daan kaya tumakbo na sila. Habang tumatakbo nakabangga si Accel ng isang babae. Nabitawan ng babae ang mga dala-dala niya kaya tinulungan siya ni Accel pulutin ang mga ito. "Sorry ah, nababasa na kasi kami ng ulan" sabi ni Accel. "Ok lang" sagot ng babae. "Teka parang kilala kit..." ang paputol na sinabi ni Accel, umalis agad ang babae. "Parang kilala ko talaga siya" sabi niya "ano, tara na?". Hindi sumagot ang kanyang mga kasama, lumingon siya at sabi "Oh, bat' ganyan kayo makatingin?". Nakangiti ang mga kasama niya at sabi ni Jared "Ganda ba, Accel?", "bagay kayo alam mo ba?" sabi ni Felix, "tutulungan ka namin hahahahaha" itinuloy ni Markus. "Ewan ko sa inyo" sagot ni Accel "pero maganda nga siya". Nang makauwi si Accel, sinalubong siya ng kanyang nanay "Oh, Accel, inabutan ka na ng ulan, magbihis ka muna bago maghapunan". "Sige po, ma" sagot niya. Pagkatapos niyang kumain, naglaro muna siya ng Clash of Clans bago matulog. "Uy, panalo kame sa clan war ah" sabi niya sa sarili. Sinabi niya naman sa chat "Markus, Felix, Jared di ko pa rin makalimutan yung babae kanina, parang kilala ko talaga siya" "Eh kung magpakilala ka sakaling mas maala mo siya" sagot ni Felix "kaya nga magpakilala ka tapos ligawan mo hahahaha" sabi naman ni Markus, 'loko ka, Markus, tama yung sinabi ni Felix, baka maalala mo nga siya kapag nagpakilala ka muna" sagot ni Jared. "Sige tama nga kayo, tulog na ako, bukas na lang". Kinabukasan habang papunta sa eskwelahan ang magtotropa, nakasalubong nila ang babaeng nabangga ni Accel. "Uy, sorry na ulit kahapon, ah" sabi ni Accel. "Ok nga lang yun". sagot ng babae. "Ako nga pala si Accel" "ako naman si Michelle" "parang naaalala ko talaga ikaw, Michelle" sabi ni Accel "Ngayon lang naman kita nakilala" sagot ni Michelle. "Ito nga pala si Markus, Jared, at Felix". "Nice to meet you" sabi ni Michelle "Sige una na ako, ma-late ako". "Sige, tuloy na rin kami". Habang na sa klase...... "Naaalala ko talaga siya, di ko lang maalala ng buo" sabi ni Accel sa kanyang sarili "Naaalala ko talaga siya pero bakit parang ngayon ko lang siya nakilala". "Mr. Manganiban, giseng tinatawag kita" sabi ni prof. De Vera "sagutan mo itong na sa blackboard" "Sige po, sir". Pagdating ng kanilang recess, naglaro ulet sila ng COC. "Uy, Accel, umatake ka na, matatalo tayo" wika ni Felix "Uy! baket mo nilagay yung jumping spell sa hog rider?!" sigaw ni Jared "Sorry ah, iniisip ko lang talaga yung babae kanina, pamilyar kase talaga yung mukha niya". "Ligawan mo na kasi hehehehe" sabi ni Markus. "Di ka titigil ha?!" sagot nina Felix at Jared. "Namomroblema na nga yung tao, lolokohin mo pa" sabi ni Felix. "Tama!" sigaw ni Accel "baka mas maalala ko pa kapag niligawan ko siya, galing mo Markus". "hahahaha sabi ko sa inyo tama ako" sabi ni Markus. Natahimik na lang sina Felix at Jared.
"Kailangan ko ng Kartolina para sa report namin, samahan niyo muna ako sa National Bookstore" sabi ni Jared "mga ilan kailangan mo?" tanong ni Markus, "mga dalawa yata" sagot niya. Pumunta sila ng National Bookstore at hinanap ang mga kartolina. "ito, oh, mga kartolina sabi ni Markus. Bigla nilang narinig ang kantang "Nae Nae". "Uy paano ba yung sayaw nun?" tanong ni Felix "Ganito yun diba?" sinayaw niya yung Nae Nae. "Pano yun?ganito ba?" tanong ni Accel. "tama, bilis sabay tayo" sagot ni Felix. Sinayaw nila yung Nae Nae at pagkatapos tuwang tuwa ang dalawa. "hahaha mas magaling ako mag Nae Nae kesa sayo hahaha" sabi ni Felix. "Ikaw na" sabi ni Accel. Biglang nakita ni Accel si Michelle sa likod ng isang shelf at sabi "Nandiyan ka pala Michelle, nakita mo ba kami kaninang sumasayaw?". "oo hahahaha galing mo pala sumayaw hahaha" tugon ni Michelle "sige alis na ako gagawa pa ako ng project" dugtong niya. Nagbayad si Michelle at umalis na siya. "Nanduon pala siya kanina pa......" sabi ni Accel. "Okay lang yan, magaling ka naman sumayaw eh hehehehe" sabi naman ni Markus. "Bilisan niyo, gusto ko na umuwi, may clan war pa tayo" sabi ni Felix.