CHAPTER 17 : Battle

1.1K 19 6
                                    

Dedicated to: Sweetheart_Geyl ~ Thank you sa pag-fan. ;)


**


CHAPTER 17 :  Battle

 

 

TRISTAN’S POV

 

 

Kakahatid lang namin kay Chandria. 5:30 pa naman kaya nag-ayos na kami ng gamit niya. Ako nalang ang maglilipat nito sa bahay ko. Madami naman kwarto dun eh. Kaya di kami matutulog sa iisangkama. Baka mamaya, ano pa isipin ng mga tao. Tss.

Saglit lang kaming nag-ayos ng gamit ni Chandria. Gumayak na siya para makapunta sa trabaho niya. Pero di ko siya mahahatid dahil uuwi ako samin dala yung gamit niya. Sobrang saya ko na sakin siya tutuloy. Naka-1 point din ako. Hahaha! Kawawang Lance. Di na niya mapupuntahan si Chandria.

Kumuha na ko ng taxi tsaka umuwi samin. Inayos ko na yung magiging kwarto ni Chandria. Siyempre, kailangan komportable siya.Parapag-uwi niya mamaya, magpapahinga nalang siya. Ganun ko kamahal yon! Pero di ko parin makakalimutan yung pag-aaway namin ni Lance dun sa party ni Jil. Eh sa nagselos ako eh. Magagawa niya. -_-

***

 

 

 

Sa wakas! Natapos ko na rin ayusin kwarto ni Chandria. 8pm na. Start na ng trabaho nun. Actually kanina pa. Nagpa-deliver nalang ako ng kakainin ko. Tinatamad ako magluto eh.

*kringg kringg* May tumatawag. Unknown number.

“Hello? Sino ‘to?”

 

[ Lance to. ]

 

“O? Ano kelangan mo sakin?”

 

[ Ikaw pre. ]

 

“Pota. Nababakla ka ba sakin? Alam ko gwapo ko per—“

 

[ Pwede patapusin mo ko? Una sa lahat, di ako mababakla sayo kasi mas gwapo ko sayo. ]

 

“Sus. O ano ba kailangan mo?”

 

[ Kakausapin kita. Sa’n ka ba? ]

 

“Yun naman pre eh. Halatang gusto mo ko. Pupuntahan mo pa ko? Sweet naman. Hahaha!”

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon