Dedicated to: Prilzy23 ~ Pagpatuloy mo lang yung pagsupport mo sa story na to. Please recommend to your friends. Thank you. <3
**
CHAPTER 19 : Kidnap
LANCE’S POV
Ako na sobrang kabado kahapon. Akala ko magagalit si Chandria nung nagsabi ako ng feelings ko sakanya. Pero hindi. Yun yung kasunduan namin ni Tristan. Sabay kaming manliligaw. Pero mukhang ayaw pa talaga ni Chandria. Pero siyempre, di ako titigil hangga’t di siya nagiging sakin.
Naglalakad ako papunta sa may sakayan ng taxi nang mapansin ko na may tao sa labas ng gate ng dating bahay ni Chandria. Parang may sinisilip siya sa loob.
“Kuya? Ano pong hanap niyo jan?” Sabi ko dun sa lalaki.
“Ah eh. Wala. Nasa’n na yung nakatira dito?”
“Di na po siya jan nakatira eh.”
“Ah ganun ba. Sige. Alam mo ba kung sa’n na siya nakatira ngayon?”
“Hmm. Hindi po eh. Sige una na po ako.”
Umalis na kagad ako. Di ko sinabi kung sa’n nakatira si Chandria. Baka kasi may masama tong balak. Di ko na rin tinanong kung anong kelangan niya. Masama aura eh.
***
Nandito na ko ngayon sa tapat ng bahay ni Tristan. Angas talaga. Di man lang ako papasukin. Iniintay ko nalang lumabas si Chandria para mahatid ko na sa trabaho niya. Diretso rin kasi ako sa mall dahil mag-grocery. Wala na rin kasing stock ng pagkain dun sa bahay eh. Maya maya, lumabas na rin naman kagad si Bespren kasama si Tristan.
“Oy Lance, ingatan mo yang si ganda. Ikaw malalagot sakin.”
“Napaka-OA mo pre. Kelan ko pa pinabayaan tong si Chandria?”
“Sinasabi ko lang.”
“Heh! Tumigil na kayo. Tara na Lance. Bye Tantan!” - Chandria
“Bye! Ingat ka. Text ka pag nandun ka na ha?”
Nag-nod naman si Chandria. Ang cute niya talaga. HAHAHA.
***
CHANDRIA’S POV
Inaantok na talaga ko. 9:50pm na. Konti nalang at makakauwi na ko. Gustong gusto ko na matulog. Ang dami kasi namin ginawa kanina sa school. Kaya napagod ako ng ganito. Tapos ang dami pang customers kanina. Ngayon, tatlo nalang nandito. Nagpapakasarap sa wifi.
Tulad nung isang gabi, nandito parin yung pesteng lalaki na mukhang nagbabantay sakin. Ang sama talaga ng tingin niya sakin. Suntukin ko to ye. ><
Dumating na yung papalit sa duty ko kaya pwede na kong umuwi. Nagpalit na ko ng damit para makauwi. Haaay. Out of nowhere, bigla kong namiss si Jil. Kamusta na kaya yung gaga na yon? =(
Lumabas na ko ng shop at naglakad lakad para makapaghanap ng taxi. Medyo late na rin kasi. May sumusunod naman sakin. Di ko nalang tiningnan at binilisan ko yung paglalakad ko. Naisipan ko rin tawagan si Lance para sunduin ako.
*Calling Lance…
[ Hello Chandria? ]
“Lance? Nasan ka??”
[ Ba’t parang kabado ka? Chill lang. ]
“Sunduin mo ko. Babalik ako sa shop.”
[ Ha? Osige sige. Pupuntahan kita jan. ]
“Sige dalian mo Lance!”
[ Ano bang nangyayari? ]
“May sumu---“
Biglang may nagtakip sa ilong ko. May di kanais nais na amoy akong naamoy. Unti unting lumabo yung mata ko. Tulungan niyo ko. ;(
-----------------------------------------------------
Anong nangyari kay Chandria?? :O Comment naman jan!!!! HAHA. =((((( Napag-isipan ko na dito ko muna pala puputulin. Tsaka ko na i-update yung Chapter 20.Sananaman may isa man lang magcomment kung anong nangyayari. Nakaka-amp. Haha. :/ Vote naman po. Please? Salamat! Lablab :* ~ IncesDomo

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...