BISIKLETA

291 1 0
                                    

Ang kwentong ito ay walang katotohanan at kathang-isip ko lamang.Ang pagkakatulad ng pangalan ng mga tauhan sa kwentong ito at sa totoong buhay ay hindi sinadya at coincidental lamang.

BISIKLETA (PART 1)
BY: MARVIN V. MENDOZA

Tahimik ang aming dormitoryo noong hapong iyon.Walang katao-tao.Yung iba ay pumasok sa trabaho at yung iba naman ay nagsilabasan dahil linggo noon at kasasahod lang namin.

Kung hindi sa sala ay sa kwarto lamang ako nanonood.Manood ng TV,magbabad sa facebook,kain at tulog.Iyon lang ang routine ko maghapon.Day off ko noon.Hindi ako lumabas dahil hindi naman talaga ako mahilig lumabas.

Niyaya nga ako kanina ng mga ilang kasama ko na lumabas pero hindi ako sumama at ang sabi ko sa kanila ay susunod na lang ako.Ganun kasi ako eh.Kung wala naman akong importanteng gagawin sa labas ay mas gugustuhin ko na lang manatili sa dorm.Isa pa ay mas gusto ko din na mag-isa lang ako kapag lalabas dahil ayaw ko ng may kasama lalo na kung mainipin.

Mahilig kasi akong pumunta kung saan-saan kapag nasa labas ako.Mahilig ako mag-window shopping.Sa mga damitan ako palaging natatagalan at iyon nga ang dahilan kung ba't ayaw ko ng may kasabay.Ayaw ko kasing may naiinip sa pagsama at paghihintay sa akin.

Sabay ang panonood ko ng tv at pagfe-facebook noon.Medyo nakaramdam lang ako ng pagka-bagot.Nag-post pa nga ako nun ng status sa wall ko sa facebook. "Boredom kills me."iyon ang pinost ko.Hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala ako.

Pagkagising ko ay medyo madilim na.Mag-aalas sais y medya na ng gabi.Agad kong tiningnan ang facebook ko.May mga ilang nag-like ng status na kanina'y pinost ko at nakita ko rin na may dalawang comments.

"Gala na kasi." Ganun yung unang comment mula sa isang kasama ko sa trabaho. "Rampa na." iyon naman yung ikalawang comment at mula iyon sa isang kaibigan ko sa Pinas.

Agad-agad kong binura iyong comment ng kaibigan ko dahil hindi ko iyon nagustuhan.Eversince kasi ay ayaw ko ng mga ganung words na associated sa "kabadingan".Hindi lang talaga ako komportable sa ganun.

Mag-iisang taon na ako noon dito sa taiwan at sa loob ng panahong iyon ay naging discreet ako dito.Walang alam ang mga kasamahan ko tungkol sa akin.Alam ko din na hindi nila ako pinagdududahan.

May itsura din naman kasi ako.May katangkaran sa taas na 5'8".Maganda ang aking pangangatawan,at idagdag mo pa dyan ang medyo may kaputian at makinis kong balat.Ang sabi pa nga ng iba sa akin ay malakas daw ang sex appeal ko.Totoo nga siguro iyon kasi may ilang mga babae din na lumalapit sa akin at sila din mismo ang nagpaparamdam o nagpapakita ng motibo.Well,ako bilang ganito ay hindi ko naman sineseryoso iyong mga ganung bagay.Hanggang 'fling' lang.Pagkatapos ng one night stand ay wala na.

Samakatuwid,dahil nga walang alam ang mga katrabaho ko sa tunay kong pagkatao ay nananatili sa isip nila ang notion bilang isa akong simpleng probinsyano.Bicolano kasi ako. "Simple." Well.iyon naman talaga ako,simple at kung mayroon mang kakaiba sa akin ay yung pagkakaroon ko lang siguro ng damdaming ganito na pilit ko parin itinatago.

Nang tingnan ko ulit ang facebook ko ay may bagong comment sa post ko. "Why don't you go out and explore." ganun yung eksaktong comment.Sandali akong napaisip at noon nga ay parang sumang-ayon ako sa dalawang kahulugan ng comment na iyon na nagsimula nang naglaro sa isipan ko.

Mula sa pagkakaupo sa harap ng aking laptop ay tumayo ako upang maligo.Nagbihis ako.Dahil linggo noon ay naisipan kong magtungo sa night market.Malapit lang yun sa dorm namin at nilalakad ko lang kapag pumupunta ako doon.Pero hindi ko alam kung bakit noong gabing iyon ay ginamit ko ang aking 'bisikleta'.

Ilang sandali lang ay narating ko na ang night market.Sa may damitan agad ako dumiretso.Iyon lang naman kasi ang palagi kong pinupuntahan doon.Bukod kasi sa mura ang mga damit doon ay branded pa at iyon talaga ang gusto ko.

Bumaba ako sa bisikleta ko at ipinark ko iyon sa tabi.Napukol agad ang paningin ko sa isang lalake na nandoon.Nakatalikod siya at namimili ng mga damit na naka-display.Naka-shorts xa noon at naka t-shirt ng kulay puti na fitted.Maganda ang hubog ng mga binti niya.Maputi siya,makinis.iyon pa lang ang nakikita ko noong una.Dahil na-curious ako sa itsura ng lalakeng iyon ay medyo lumapit ako sa kanya.

Kunwari ay tumitingin din ako ng mga damit ng mga sandaling iyon.Kahit na ang totoo niyan ay sa sulok ng mga mata ko ay siya tinitingnan ko.Noon nga ay napansin ko din ang pagsulyap nya sa akin.Hanggang sa naglakas-loob na akong sulyapan ang mukha niya.Hindi ko maipaliwanag ang kung anong damdamin na sumibol sa dibdib ko ng mga oras na iyon.Bahagyang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil humanga ako sa gwapong mukha ng lalaking iyon.

Magkasing-tangkad siguro kami.Chinito siya at mas maputi at makinis ang balat kaysa sa akin.At dahil nga sa itsura nyang iyon ay napaisip ako kung pinoy ba siya o chekwa.

Dahil nga mas nangibabaw sa isip ko na taiwanese nga iyong lalaking iyon ay parang nabawasan ng bahagya yung paghanga ko sa kanya kanina.Lumipat ako.Pumunta naman ako sa katabing pwesto kung saan may nagtitinda ng mga sound box at kung anu-ano pang assorted na gadgets.

Inakay ko lang ang bisikleta ko para ilipat sa harap ng pwestong kinaroroonan ko.

Habang abala ako sa pagpili ay biglang sumikdo ang dibdib ko nang mapansin kong lumapit sa akin yung lalake na kanina ay nakita ko.Akala ko ay ako ang sadya niya.Yun pala ay tumabi lang siya sa akin doon at titingin din sa mga paninda.Noong una ay hindi siya mapakali.Hanggang sa pumirmi din siya doon mismo sa tabi ko.Mula sa mga paninda na naroon ay dinampot ko ang isang maliit na sound box na kulay asul.Binuksan ko iyon at chinese yung kanta.Sinulyapan lang ako saglit ng lalaking katabi ko at bahagya siyang ngumiti.

Maya't-maya ay dumaan siya sa harap ko.Nalanghap ko ang napaka-bangong amoy ng kanyang pabango at yung amoy na iyon ang tila naghatid ng kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari.

Maya-maya ay nasagi niya ang manibela ng bisikleta ko,dahilan kung bakit na-out balance iyon.Mabuti na lang at mabilis din ang naging pagsalo niya sa bisikleta bago pa man ito tuluyang tumumba.

"Ah,sorry..muntik nang matumba." 

Iyon ang mga katagang nagmula sa kanya na siyang gumulat sa akin.Pinoy pala siya at malinaw ang narinig ko na nagtatagalog siya.Noon ay nagtama ang mga paningin namin at nagkangitian kami.

"Pinoy ka pala, akala ko kanina eh chekwa ka" ganito ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko. 

"Ahm,oo pinoy pinoy ako" tugon nya kasabay ulit ng matamis niyang pagngiti.

"Pasensiya na ha",sabi na naman niya patungkol dun sa muntik pagkatumba ng aking bisikleta.

"Okey lang", sagot ko naman sabay ganti rin ng ngiti sa kanya.

Mayat-maya ay tinungo na nito ang kinaroroonan ng kanyang bisikleta at pagkatapos niyang sumenyas sa akin na aalis na siya ay nagsimula na siyang pumadyak palayo.

Ako naman ay naiwan muna doon.At habang papalayo siya ng papalayo ay nakasunod naman ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko.

Bumalik ako sa damitan noon at noong wala naman akong mapiling maganda sa mga paninda ay pumunta na ako sa may barbecuehan.Bumili ako ng isang tuhog ng chiken barbecue at pagkatapos ko ding kainin doon ay nagpasya na din akong umuwi.

May ngiting sumilay sa mga labi ko habang binabagtas ko ang kalsada pauwi ng aming dormitoryo.Pakiramdam ko sa loob ng isang taon na pananatili ko sa Taiwan ay noon lang ako nakaramdam ng ganun.

Kakaibang pakiramdam ang dulot sa akin ng lalakeng nakita ko sa night market.Dahil hanggang sa pagtulog ko noong gabing iyon ay siya at siya parin ang nasa balintataw ko hanggang sa mga panaginip ko.

PART 2


Isang linggo kong kinasabikan ang pagkikita naming muli ng lalakeng nakita ko sa night market.Isang linggo din siyang naging laman ng isipan ko.

Araw na naman ng linggo noon.Nagbibihis na ako para pumunta sa night market.Pagkatapos kong mag-spray ng aking cologne ay lumakad na ako.

Katulad noong nakaraang linggo ay mag-aalas sais y medya noong nagtungo ako doon.Sobrang excited ako dahil makikita ko na naman si tsinito.Hindi ko maiwasang mapangiti habang nasa daan ako.Muli ay ginamit ko ang aking bisikleta.

Magkahalo ang nararamdaman ko noon.Saya at nerbiyos,dahil alam kong bawat padyak ko sa aking bisikleta ay palapit ako nang palapit sa night market na patutunguhan ko.

Inabot din ako ng mga limang minuto sa pagbibisikleta.Hanggang sa maaninag ko na ang liwanag na dulot ng kani-kaniyang ilaw ng mga nagtitinda doon.Pagkadating ko doon ay bumaba na ako sa aking bisikleta.Noon nga ay akay-akay ko na lang iyon sa kanang kamay ko.

Nag-umpisang gumala ang mga mata ko.Hinahanap ng paningin ko si tsinito.Tumitingin ako sa kanan,kaliwa at sa likuran sa pagbabaka-sakaling makita ko siya doon.Nagulat nga ako noong maramdaman ko na parang may nabunggo sa harap ko.Pagtingin ko ay nabundol ko nga ang isang babaeng chekwa at noon ay agad naman akong humingi ng sorry sa kanya."Tuypuchi", ang tarantang sabi ko.Akala ko noon ay magagalit siya sa akin kaya natakot din ako."Meykwansi",sagot naman niya at nakangiti pa siya.Noon lamang lumuwag ang pakiramdam ko nang makita kong ngumiti siya.

Dahil hindi ko mahagilap si tsinito doon ay tumuloy ako sa paghahanap.Tinungo ko ang damitan kung saan ko siya unang nakita noong isang linggo.

Medyo natigilan ako nang madaanan ko ang nagtitinda ng mga kakaibang laruan.Napangisi ako at noon nga ay sumagi sa isipan ko ang tatlo kong kaibigan na nasa Pinas.Naisip kong bilhan sila nun pero naisip ko din na tsaka na lang kasi nga may mas importante pa akong pakay noong gabing iyon.

Nakarating nga ako sa damitan at noon ay lumakas ang pagbayo ng dibdib ko noong sa wakas ay makita ko na doon ang sadya ko.Oo si tsinito,yung lalakeng nakita ko noong nakaraang linggo.

Tuwang-tuwa ang kalooban ko nang makita ko siya.Mabilis kong ipinark sa tabi ang aking bisikleta.Nang hahakbang na sana ako palapit kay tsinito ay nagulat ako nang mapansin kong may kasama pala siya at magkatabing namimili ng mga damit na naka-display doon.

Nakaramdam ako ng pagka-dismaya dahil sa kasama niya.Babae iyon at maganda.Kung titingnan mo ay bagay talaga sila.Gwapo't maganda sila.Noon nga ay naisip ko na baka girlfriend nga nya iyon.Nakita ko pa noon ang paglapit ng kasama niyang babae dun sa tindera para bayaran ang yung mga damit na napili niya.Medyo napaatras ako noon.Baka kasi kako dumaan sila sa harap ko kaya nagtago ako.Kaya lang,umalis na iyong babae noon pero yung tsinito ay naiwan parin doon.Lumuwag ang dibdib ko noong sa wakas ay nahulaan ko na hindi pala sila magkasama nung babae at hindi pala sila magkakilala.

Lumapit na nga ako sa kinaroroonan niya.Kunwari ay hindi ko siya nakita.Hindi pa din niya ako nun nakikita dahil abala parin siya sa pamimili ng mga damit.Palapit ako nang palapit sa kanya pero sa may bandang likuran nya ako nagtatago.

Magkatalikod.Ganun yung set-up namin noon.Maya't-maya ay lumingon ako sa kanya.Abala parin siya sa pagpili.Ako naman ay parang aligaga sa kinatatayuan ko.Hanggang sa muli ay nilingon ko siya.Lubos ang aking pagkagulat noong sabay pala ang aming paglingon.At base sa nakita kong reaksiyon ng mukha niya ay alam kong nagulat siya.

Muli,nang mga sandaling iyon ay nasilayan ko na naman ang matamis na ngiti nito sa akin.Para bang ang mga ngiting iyon ay may hatid na kakaibang kuryente na pumupukaw sa aking katauhan.

"Nandito ka pala",iyon ang halos sabay naming bingkas at pagkatapos ay sabay din ang aming pagtawa.

Lumapit siya sa akin."Kanina ka pa ba dito?" ang sa akin ay tanong niya.

"Hindi,kadarating ko lang.", ang sagot ko naman.

Pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang tinanong niya sa akin.

"Ikaw,kanina ka pa ba dito?",kako at dahil alam ko na ang kasagutan sa tanong kong iyon sa kanya ay mayroon akong idinagdag na sinabi."Parang madaming magagandang damit ngayon ah" yun dagdag ko pa

Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinagot muna niya ang tanong ko at sinabi nga niya na kanina pa siya nandoon. "Heto oh,may mga napili na ako.", ang sabi niya sabay ladlad sa harapan ko ang ilang pirasong t-shirt na hawak-hawak niya.

Nagpatuloy nga kami sa pagpili ng damit.Hanggang sa bigla ang sabay ng pagdampot sana namin ng isang damit na nandoon.Noon ay sabay na naman kaming tumawa.

"Ah,gusto mo to?" tanong ko sa kanya patungkol doon sa damit.

"Ah,hindi okey lang...ikaw na lang kumuha niyan.", sabi niya.

"Mas bagay ito sayo eh,bagay sa katawan mo" dagdag pa niya sabay sulyap nga sa akin.

Ang totoo niyan ay bagay talaga sa aming dalawa ang damit na iyon kasi maganda ang kulay nito.Light green na may black print sa harap.Hapit ito sa katawan at bagay talaga iyong kulay ng damit dahil pareho naman kaming maputi.

Dahil parang nahiya naman ako na ako lang na lang ang bibili nung damit na iyon ay naisipan kong tanungin yung tindera kung may katulad pa iyon.Natuwa naman ako nang may iniabot sa akin yung tindera.Bahagya pa nga akong kinilig noon dahil sa ideyang meron na kaming damit na magkapareho.

Pagkatapos naming bayaran ang binili namin ay naguluhan ako kung ano pa ang susunod kong gagawin at kung saan pa ako tutungo.Lumapit ako sa aking bisikleta at isinabit ko sa manibela nito ang damit na binili ko na noon ay nakalagay na sa supot.

May dala-dala rin siyang bisikleta noon.Inakay niya iyon palapit sa akin.

"May pupuntahan ka pa?",iyon ang tanong niya noong nakalapit na siya.

"Wala naman,ahm dito lang muna ako mag-iikot ikot",ang sa kanya ay isinagot ko.

Noon ay ngumiti muna siya ng matamis bago nagsalita.

"Pwede mo ba akong samahan?",iyon ang tanong niya.

Noon ay napaisip na naman ako at ng mga sandaling iyon ay hindi ko maitangging tuwang-tuwa ang kalooban ko at parang gusto ko nang maglulundag-lundag sa kinatatayuan ko.


Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon.

"Saan kita sasamahan?" nang sa wakas ay naisatinig ko.

Nagugutom kasi ako eh,tara samahan mo ako kain muna tayo dun",wika nya sabay turo sa direksiyon kung saan may mga nagtitinda ng ibat-ibang pagkain.

Ang totoo nyan ay sabik na sabik na din akong samahan syang kumain ng mga sandaling iyon dahil medyo nakakaramdam na din ako ng gutom,at syempre ang mas mabigat na dahilan ng pgkasabik ko ay ang makasama para makilala ko siya.Tinungo nga namin ang kainan at nang makarating kami doon ay pinapili nya ako kung anong gusto kong kainin.Muli ay kung anu-ano na naman ang tumakbo sa isip ko sa tanong nyang yun sakin.

"Uy" wika nya sabay kalabit sa akin."Ahm gusto ko yung bola-bola,sagot ko sa kanya.Bahagya siyang natawa,ewan ko kung bakit.

Siguro ay dahil iyon sa pinili kong kakainin.

"Yun lang"?tanong pa nya,"oo"sagot ko naman.Eh ikaw anu sayo?tanong ko sa kanya.

"Ako gusto ko ng noodles,yung medyo maanghang sagot niya.

Naghintay muna kami ng mga sampung minuto bago naluto yung inorder namin.Umupo muna kame sa isang table na pangdalawahan.Doon sa sulok ang pwesto namin.

Kakaupo namin nang maisipan kong tanungin ang pangalan nya.

"JAD",ako nga pala si Jad sabi nya sabay abot ng kanang kamay nya para makipag-shakehands.

Hindi ko agad tinugon iyon dahil bahagya akong napaisip kung sasabihin ko ba ang tunay kong pangalan.

"Carlo",ako naman si Carlo pakilala ko sa kanya.

Well,hindi ko naman totoong pangalan yun. Ang weird noh,kanina pa tayo nag-uusap ngayon lang tayo nagkakilala",sambit pa nya.

Maya-maya ay dumating na yung order namin.

"Hati tayo nitong noodles ha,hindi ko kayang ubusin to andame."

Magsasalita palang sana ako at sasabihing ayaw ko ay bigla na syang tumayo para kumuha ng extrang bowl.Pagbalik nya,agad-agad hinati nya yung noodles kaya wala na akong nagawa.Hindi na nga ako nakatanggi.Magkaharap kami ng upuan.Unang subo nya noong sulyapan ko siya sa mukha.Ganado syang kumain.Nabigla lang ako noong tignan niya ako,kaya ang ginawa ko ay sumubo na rin ako.

Medyo mainit ang sabaw,idagdag pa ang anghang nito na gumuguhit sa lalamunan,at tsaka masarap kasi yun.Napapatitig ako kay Jad tuwing itutungga nya yung bowl at hihigupin yung sabaw ng kinakain nya.At ako napapasarap na ang kain ko nung maramdaman kong hindi na maawat ang pagpatak ng pawis ko.

"Maanghang ba" tanong ni Jad sakin, "ah oo eh,medyo" kako naman.

Pero ang totoo ay hindi ko alam kung bakit pinapawisan ako ng ganun.Kung sa anghang hindi naman epektibo sa akin yun kasi sanay akong kumain noon sa probinsya ng mga pagkaing maaanghang dahil nga bikolano naman ako.

Mayat-maya ay nakita kong parang may dinukot siya sa bulsa nya.Inabot nya sakin ang kanyang panyo,dilaw na panyo.Nag-aalangan pa ako nang iabot nya sakin yun.

"Wag na" tutol ko,pero inabot parin nya.

Kaya ayun kinuha ko na din.Parang nakakahiya yata na gamitin ko iyon pamunas ng pawis ko,pero naisip ko naman na parang mas nakakahiya kung hindi ko iyon gagamitin kasi baka isipin nyang nandidiri ako sa panyo nya kaya ginamit ko nalang.Pagkatapos ay ibinulsa ko iyon.

"Ibabalik ko nalang kapag nalabhan ko na"sabi ko,ngumiti lang sya.

Nang matapos na kaming kumain ay tumayo na kami at,muli ay may kinuha sya sa bulsa nya.Nilabas nya yung wallet nya,kumuha ng pera at nang akmang babayaran nya na yung kinain namin ay dumukot din ako ng pera sa bulsa ko at inabot sa kanya pero tinanggihan nya.

"Anu kaba,ok lang,ako na" sabi nya."Kaw bahala lopan(bosing) ka naman eh pabiro ko naman sa kanya.

Tinungo nga namin yung parkingan ng mga bisikleta namin,muli ay pumadyak kame.Muli ang bawat padyak ay naghahatid ng kung anong emosyon sa akin ng mga sandaling iyon,dahil ang totoo ay hindi ko alam kung saan ang tungo namin.Madami pang kwento sakin si Jad habang nagbibisikleta kame pero hindi ko nmn naiintindihan kasi wala sa mga sinasabe nya ang atensyon ko dahil tangay ng diwa ko ang kung anu-anong isipin.

Hanggang sa hiningal na ako sa kapepedal.Sinabihan ko syang tumigil muna kame at magpahinga.Medyo malayo-layo na rin ang narating namin.Sa kinaroroonan namin ay hindi na tanaw ang maliwanag na ilaw sa night market at hindi na rin dinig yung ingay ng mga tao doon.Hindi na ako pamilyar sa lugar na iyon,medyo madilim na pero aninag ko pa ang mukha ni Jad.

Maya-maya lumapit sya sa akin,kinuha yung kamay ko at inabot ang bote ng mineral water.

"Sa'yo na yan ubusin mo na,uminom na ako" sabi nya.

Dali-dali ko namang binuksan iyon at nilagok sa sobrang pagka-uhaw at yun,ubos ko nga yung laman ng bote na inabot niya sa akin.

Pero parang nabitin ako sa ininom kong tubig kaya naman nagtanong pa ako kay Jad kung meron pa.

"Uhaw na uhaw ka ah" mga salitang namutawi sa bibig nya bilang tugon sa tanong ko.

PART 3


Tahimik ang paligid ng mga sandaling iyon.Tanging ang mga huni lamang ng kuliglig ang naririnig ko sa dakong iyon.

"Saan na tayo,saan pala tayo pupunta?",sa wakas ay nagawa kong itanong sa kanya.

Bago sya sumagot sa tanong ko ay isa munang matamis na ngiti ang itinugon nya.Gabi na noon at dahil maliwanag ang bwan ay nabanaag ko parin sa kanyang mukha ang walang kasing-tamis na ngiti.Bagay sa kanya ang tsinito nitong mga mata at lalo pang lumiliit ang mga iyon kapag siya ay ngumingiti o tumatawa.OO,maliliit nga ang mga mata nya subalit kung gaano kaliliit ang mga matang iyon ay ganun din kalaki ng emosyong hatid nito kapag napupukol ang mga iyon sa akin.Napaka-expressive ng mga mata ni Jad.Alam mo yung kahit hindi pa sya nagsasalita eh parang alam mo na agad yung tumatakbo sa isip niya.

"Nandito tayo oh",parang pilosopong sagot ni Jad sa kanina'y tanong ko sa kanya.

"Loko",sambit ko naman kasabay ng mahina kong pagsuntok sa balikat nya.

Noon nga ay tumawa na siya,lalo pa ngang lumiit ang mga mata niya."Kanina ko pa sinabi sa'yo ah,hindi mo ba narinig?" sabi pa niya."Eh wala ka naman sinasabi pa eh",sagot ko naman.May mga sinasabi nga siya kaninang hindi ko masyadong naririnig at naiintindihan at malamang isa nga iyon sa kung saan kami pupunta sa mga sinabi niyang yun.Pero ang katotohanan ay wala namang kaso sa akin kung saan man kami mapadpad noong gabing iyon dahil sa kanina pa nga naman ako sumusunod sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

"May curfew ka ba?" ang tanong sa akin ni Jad habang hindi pa nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi nya.

"Oo,may curfew ako" sagot ko sabay senyas ng dalawang hintuturo ko ng 11.

"Maaga pa naman eh",sabi niya."Alas otso pa lang",dagdag pa niya pagkatapos niyang dukutin sa bulsa niya ang kanyang cellphone para tingnan ang oras.

Noon nga ay dinukot ko rin ang cp ko at tinignan ang oras doon bilang kompirmasyon kung totoo ngang alas otso pa lang ng gabi.Tama nga,8:05 ang eksaktong oras sa cp ko.Sandali na namang nalaro sa isipan ko ang mga kakaibang bagay.Hanggang sa tinanong ko sya kung bakit niya tinatanong kung may curfew ba ako.

"Daan muna tayo saglit sa bahay",medyo nagulat ako nang banggitin nya iyon.

"Bahay?",kunot-noo kong ulit sa kanya."Oo,tara na",sabi nya at mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang tumayo kung kaya hindi ko na nagawa pang isatinig ang mga follow-up sana na katanungan na nasa isipan ko.

Nakaupo pa ako noon at akma akong tatayo nang iabot niya sa akin ang kanang kamay niya para alalayan ako sa aking pagtayo."Oh,halika na" sabi nya.

Tumuloy nga kami sa pagbibisikleta at noon nga ay parang dun lang ako natauhan sa mga nangyayari.Hindi ko alam kung tama ba na sumama ako sa isang ekstranghero.Sagot naman ng mismong isip ko din eh,bahala na.Nauna ng konti sa akin si Jad ng mga sandaling iyon at parang may sinasabi sya,hindi ko alam kung nagkukwento ba o ano.Pero hindi ko muna inintindi ang mga naririnig ko dahi noon nga ay okupado na ng maraming katanungan at bahagyang pag-aalinlangan ang isip ko.Ilang padyak pa sa bisikleta ay may natatanaw na akong liwanag mula sa mga kabahayan at ilang establisimento.Natapos din naming bagtasin ang medyo madilim na bahagi ng kalsadang iyon.Hanggang sa matapat kami sa 7-11,tumigil si Jad sa pagbibisikleta."Bili muna tayo ng maiinom,halika",yakag niya sa akin.Muli ay napaisip ako dahil sa ideyang gusto niyang mag-inuman sa bahay nila at batid kong ang isiping iyon ang dahilan din ng pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.Pero siyempre hindi ko iyon ipinahalata kay Jad.

Pumasok nga kame sa 7-11 para bumili ng maiinom.Noon ay dumiretso agad ako sa isang sulok kung saan naroroon ang mga beer.Ibat-ibang klase ng beer ang naroon pero yung Heineken ang parang gusto kong kunin noon.

"Ano,nakapili ka na ba ng iinumin mo?"wika ni Jad na noon ay kanina pa pala nasa likuran ko.

Humakbang siya palapit at binuksan ang ref.Isang malaking bote ng mineral water ang kinuha niya.Noon ay medyo naguluhan naman ako.Akala ko kasi nung una ay alak ang tinutukoy niyang inumin na bibilhin doon.

"Carlo,pili na...kuha ka na"sabi niya habang hawak-hawak pa ng isang kamay niya ang pintuan ng ref at hindi pa niya iyon isinasara.

Dinampot ko naman ang isang bote ng energy drink.Ngumiti siya sabay sabing "yan lang ba ang kukunin mo?"Tumango naman ako, "oo eto lang,nanghina kasi ako sa pagpapadyak eh",bigkas ko naman pabiro."Dagdagan mo na,kuha ka na dalawa para tig-isa tayo",dagdag niya kaya kumuha nga ako ng dalawa. 

PART 4


Tinungo namin ang counter at siya ulit ang nagbayad ng binili namin.Humingi lamang si Jad sa akin ng 5nt nang kulangin yung inilabas nyang pera na isang daan.Sinakyan namin ulit ang mga bisikleta namin at tinungo nga ang sinasabi niyang bahay niya.Inabot siguro kami ng limang minuto bago nakarating.

"Sa wakas nakarating din si Carlo" ganito ang tinuran sa akin ni Jad na muling nakangiti.Nasa tapat nga kami noon ng isang gusali.Tatlong palapag iyon at nahulaan ko agad na apartment iyon.Iniwan lang namin yung aming mga bisikleta sa tapat.Bago pa kami tumuloy ay tinanong ko muna si Jad.

"Hindi kaya mawala ito dito?",tanong ko patungkol dun sa bisikleta.

"Hindi yan.",sagot naman niya.Pero parang diskumpiyado parin ako kaya ang ginawa ko ay mabilis kong ikinabit ang kandado nito.

"Wala ka talagang tiwala sa akin ano?" yun ang sinabi sa akin ni Jad matapos kong gawin iyon.

"Eh,mahirap na baka kasi mawala eh,wala na ako masakyan pauwi ng dorm." ganun naman ang paliwanag ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay siya naman itong sumunod na nagpaliwanag.

"Alam mo kasi,dito sa Taiwan eh hindi naman katulad sa Pinas na madaming magnanakaw.",ganun yung deretsahang sabi niya pero indi ko iyon sinagot pa.

Matapos niyang i-swaka yung card na hawak niya ay pumasok na kami sa loob.

Sunod-sunuran lang ako sa kanya noong gabing iyon.Umakyat kami sa may hagdanan papuntang 3rd floor.Narating namin ang isang pintuan.Kinuha niya ang kanyang susi at habang binubuksan niya iyon ay nagtanong ako.

"So,ito pala yung sinasabi mong bahay mo?"

"Oo,ito ang apartment ko,dito ako nakatira" sagot niya noong nabuksan na niya yung pintuan.

Noon nga ay napaisip ako.Hindi siya basta-bastang OFW kung ganun.Marahil ay maganda ang trabaho niya dito.O baka naman half pinoy half taiwanese ang lahi niya kasi singkit siya.Kung ganun eh Wakyaw siya.Iyon ang mga halu-halong laman ng isipan ko.


"Welcome Carlo sa aking bahay-kubo" parang biro ni Jad sabay kuha ng supot na bitbit ko at inilagay sa mesa.Laman ng supot na iyon ung damit na binili namin sa night market at yung tubig at energy drink na binili namin sa 7-11.


"Bahay-kubo ba ito,eh ang gara nga eh.",sabi ko naman kasabay ng paggala ng mga mata ko sa loob ng kanyang apartment.

Kumpleto sa appliances.Mayroon siyang tv,DVD player,laptop,at meron din siyang maliit na ref na nakalagay malapit sa pintuan.Iyong bed niya ay nasa bandang sulok nakalagay.Katamtaman lang ang laki ng kwarto.


Sa divider ay mayroong mallit na aquarim na nakapatong.Nilapitan ko iyon at pinagmasdan ko ang paglangoy ng iisang isda na nandoon.

"Subukan mo ngang ipasok sa loob yang daliri mo.",pabirong utos sa akin ni Jad.

"Ano ako,tanga?" iyon ang mga katagang nasa isip ko ng mga sandaling iyon pero hindi ko isinatinig.


"Siraulo.",bagkus ay iyon ang sinabi ko.Tumawa naman siya.

Fighting fish kasi yung isda na nandoon kaya hindi ko sinubukang ipasok ang daliri ko kagaya nga ng inutos niya.

Marahan ko pang iginala ang mga mata ko sa loob ng kwartong iyon.Hanggang sa napako ang paningin ko sa isang litrato na naka-frame.

"Magpahing ka muna Carlo,upo ka muna dito oh",narinig kong sabi niya.Noon kasi ay nakaupo na siya sa sofa.Pero hindi ko muna pinansin iyong sinabi niya dahil nakatuon ang atensiyon ko sa litrato.Siguro ay family picture nila iyon.Lima kasi yung nasa litratong iyon at isa nga sa mga nandoon ay si Jad.

Pagkatapos kong titigan ang litratong iyon ay umupo na nga ako at hindi na ako nagtanong pa.Baka kasi isipin niya na mausisa ako.

Magkatabi kami sa sofa.Noon ay naglalaro siya sa kanyang cp.

Maya't-maya ay narinig ko siyang nagsalita.

"Yang mga kasama ko sa picture,yan yung Mama at Papa ko.",sabi niya.

At dahil sa tingin ko ay okay lang naman sa kanya na pag-usapan yun ay mayroon naman akong kaagad na itinanong.

"Taiwanese ang Papa mo?" tanong ko kasi singkit din yung may edad nga na lalakeng nasa litrato.

"Oo,taiwanese ang Papa ko pero Pinay si Mama.yun ang sagot niya.

So,tama nga yung iniisip ko kanina pa tungkol sa lahi niya.

Eh sino naman yang dalawang babae na kasama niyo diyan?" tanong ko ulit sabay sulyap sa litrato na nasa divider.

"Yung isa,yan ang ate ko", maikling sagot niya.

Dahil nga sa hindi ko mahintay ang sasabihin niya tungkol dun sa isa pang babae sa litrato ay tinanong ko ulit siya.

"Tapos yung isang babae,sino naman?"tanong ko.

Pansin ko kasi na sa litratong iyon ay nakaakbay sa kanya yung isang babae at medyo magkadikit ang mga mukha nila.

Hindi siya kaagad na sumagot.Maya-maya ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

"Ex-girlfriend ko." iyon ang sinabi niya na siyang ikinagulat ko.

Kasabay ng aking pagkagulat ang parang bahagyang pagkurot sa damdamin ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"May girlfriend ka pala?" sabi ko.

"Ex-girlfriend.",pagtatama naman niya.

Maya-maya pa ay iniba niya ang usapan.Inalok niya ako ng miryenda.Tumayo siya at kumuha ng maiinom na softdrinks sa kanyang ref.Naglabas din siya ng hopia na ube flavor at tsaka yema.Muli ay umupo siya sa tabi ko.Mas malapit naman siya ngayon.Nauna niyang binuksan yung bote ng softdrinks ko at pagkatapos ay yung kanya.

"Oh,tagay na",sabi nya sabay senyas ng cheers.

Natawa kaming pareho noon.Kasunod nun ay ang pagsasabi niyang mabuti naman daw at sumama ako sa kanya.Sandali nga din akong napaisip dahil sa sinabi niyang iyon.Pero sa loob-loob ko ay alam ko na ang dahilan ng aking pagsama sa kanya at iyon nga ay gusto ko siyang makilala.Gusto ko siyang maging kaibigan.Gusto ko siya,ganun lamang kasimple iyon.

Pero ang mga kasagutan kong iyon ay hindi yun ang itinugon ko sa sinabi niya.

"Ah,ewan ko,bakit nga ba ako sumama sau Jad?"nakangiti kong ibinalik lang ang tanong niya sa akin kanina.

Noon ay ngumiti ulit siya ng pagkatamis-tamis.Dahil nga sa parang panatag na ang kalooban ko sa kaniya ay nagawa ko nang itanong kung ano ang trabaho niya dito.

"Isa akong progammer." mabilis niyang sagot.

"Ah...." tugon ko naman sabay ng pagtango-tango.

Maya[t-maya ay tinanong niya ako kung kumakanta daw ba ako.

Imbes na sagutin ko siya ng oo o hindi ay "bakit" ang isinagot ko sa kanya.

"May KTV kasi sa basement,punta muna tayo doon" sabi niya.

"Ahm,,hindi ako marunong kumanta eh" sabi ko naman.

"Okay lang yan,basta halika baba tayo" sabi nya kasabay ng pagtayo.

Dahil sa nakaupo pa ako nun ay hinawakan niya ang kamay ko at pilit itinayo.

Bumaba nga kame sa basement at doon ay nagkakanta.Natawa pa ako sa kanya nung una dahil chinese yung una niyang kinanta.Pero maganda ang timbre ng boses niya kaya nag-eenjoy naman ako sa pakikinig sa kanya.

Kumuha pa siya noon ng tig tatlong bote namin ng taiwan beer.Palitan kami sa mic noon.Pagkatapos niyang kumanta ay ako naman.Salitan nga kami.Pero natigilan ako noong pagkatapos kong kumanta at inabot naman sa kanya yung mic.Bago pa nag-umpisa yung kanta ay nagsalita siya.

"For you" sabi nya sabay sulyap sa akin.

Noon ay tumawa naman ako para itago ang kilig ko.

Lalo pa ako kinilig nung lumapit siya sa akin at umakbay habang kumakanta.Medyo may tama na kami nun dahil sa iniinom namin.Tandang tanda ko pa ang title ng kantang iyon.English iyon."Please be careful with my heart"

Wala nang pagsidlan ng kaligayahan sa puso ko ng mga sandaling iyon.Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may ganung kung anong pakiramdam dito sa dibdib ko.Yung mga matatamis na ngiti at akbay ni Jad sa akin.Alam kong hindi karaniwan ang mga pangyayaring iyon.Pero nang dahil kay Jad ay parang may malaking puwang ang napunan sa pagkatao ko.

PART 5

Pagkatapos kumanta ni Jad ay ako naman ang sumunod.Sandali muna akong nag-isip ng kantang babagay sa aming dalawa.Halos lahat naman ng kanta na nandoon sa song book ay mga lumang kanta na pero may nahanap parin ako.

"Got to believe in magic".Iyon nga ang napili ko.Medyo naiilang pa nga ako noong habang kumakanta ako ay nakatitig siya sa akin.Animo'y nangungusap ang kanyang mga mata.Subalit hindi ako nagpatinag at nagawa ko pa siyang kindatan noon habang ako'y kumakanta at nang ginawa ko iyon ay muli na namang sumilay ang matamis na ngiti mula sa mga labi niya.

Napapasarap na kami sa pag-inom at pagkanta nang masulyapan ko ang oras sa cp ko.Noon ay mag-aalas dyes na ng gabi kaya naisipan kong yayain na siya.

"Jad,tara na..uuwi na ako" yakag ko sa kanya.

"Ha,bakit?" tanong niya.

"Eh kasi baka ma-curfew ako nito" ang sagot ko.

"Wag kang mag-alala,ako'ng bahala sa'yo.",parang pabida pa niyang sinabi.

Pero noon ay tumayo na rin ako at pilit ko siyang niyaya.

"Uy,Jad tara na...uuwi na ako,next time ulit." ulit ko sa kanya.

"Tara na nga,uwing-uwi ka na yata eh.",sabi niya noong sa wakas ay tumayo na din sa kinauupuan niya.

Sa totoo lang,kung wala siguro akong curfew at hindi bawal ang stay out sa amin ay kahit siguro hanggang madaling araw kami mag-inuman o kahit doon na din ako matulog noong gabing iyon.Kaso bawal ang mag-stay out sa amin kaya kailangan kong umuwi ng dorm.

Niyaya muna niya akong umakyat sa 3rd floor para bumalik sa kanyang kwarto.

"Yung gamit mo sa taas" sabi niya patungkol sa damit na nabili ko sa night market.

Umakyat nga kami at noon ay parang nakaramdam na din ako ng pagkahilo dahil sa beer na ininom namin.

"Oh,lasing ka na yata...dahan-dahan lang",parang alalang sabi niya noong medyo na-out balance ako sa pag-akyat sa may hagdanan.Kasunod naman nun ang pag-akbay niya sa akin upang alalayan.

"Hindi ako lasing,kaya ko pa",iyon ang maangas kong sabi sa kanya.

Pagdating namin sa kanyang kwarto ay nagulat naman ako sa ginawa niya.Una niyang hinubad ang kanyang damit.Sumunod naman ang kanyang pantalon.Parang naiilang naman ako noon kaya ang ginawa ko ay tiningnan ko kunwari ang aking cellphone.Nang tingnan ko siya ulit ay nahubad niya na yung kanyang pantalon at noon ay nakita ko na nakasuot pala siya ng boxer short panloob.

Kaya pala malakas ang loob maghubad sa harap ko ng kumag na 'to,sabi ko pa sa isip-isip ko.

Pagkatapos niyang magpaalam sa akin para mag-shower ay tinungo nga niya ang banyo.Maya't-maya ay lumabas ulit siya at kinausap ako.

"Oo nga pala baka gusto mong mag-games muna,buksan mo yung laptop ko",sabi niya sabay turo sa kinaroonan ng kanyang laptop.

"Cp mo na lang",sagot ko naman.Noon ay iniabot naman niya sa akin ang kanyang cp.

Bumalik na siya sa banyo at nag-shower.Hindi niya isinara ang pintuan.Ako naman ay nakaupo lang sa sofa at nag-umpisang maglaro sa kanyang cp.

Ginaganahan na ako sa paglalaro noong marinig kong mula sa loob ng banyo ay may sinasabi sa akin si Jad.

"Carlo,gusto mo pa ba ng beer?may stock pa ako diyan sa ref." sabi niya.

Concentrate na ako sa paglalaro nun kung kaya hindi ko na nagawa pang sagutin si Jad sa tinatanong niya.Inulit pa niya ang pagtatanong kung gusto ko pa daw ba ng beer pero "ha" lang ng "ha" yung isinasagot ko sa kanya.Maya't-maya ay natapos na siyang mag-shower.Nakatapis na lamang siya ng tuwalya noon.

"Carlo,gusto mo?",tanong niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita.Tiningnan ko muna siya pataas pababa.Noon ay parang umid ang dila ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Tinatanong kita kung gusto mo pa ng beer.",ang sabi niya ulit habang nakangiti.

"Ah,hi-hindi na,ayaw ko nang uminom" ang sagot ko naman.

"Kanina pa kita tinatanong,hindi ka naman kasi sumasagot",dagdag pa niya.

"Eh busy nga ako sa paglalaro",sabi ko naman.

Tinanong din niya ako kung gusto ko din daw ba amg-shower at papahiramin daw niya ako ng damit kung gusto ko.Pero tumanggi na ako kasi nang tingnan ko ang oras ay 10:25 na.

Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na nga kami.Pinabaunan pa niya ako nun ng hopia at toblerone na chocolate.Inilagay niya iyon sa isang paper bag at isinama na din doon yung damit na nabili ko.

Bago kami lumabas ng kanyang kwarto ay umakbay muna ako sa kanya at tinapik ng bahagya ang kanyang balikat at tsaka ako nagpasalamat.

"Tara na,ihahatid na kita." sabi nya at bumaba na nga kami.

Dahil nga sa sinabi niyang ihahatid niya ako ay inisip ko naman na sasamahan niya ulit akong magbisikleta pabalik ng dorm at wala naman akong balak na tumanggi noon dahil medyo takot at alangan din naman ako sa parte ng babagtasin kong kalsada na medyo madilim.

Bumaba na nga kami.Didiretso na sana ako noon sa kinaroroonan ng mga bisikletang iniwan namin sa labas nang pigilan niya ako.

"Saglit lang,kukunin ko lang yung motor..ihahatid na kita."yun ang sabi niya.Akala ko naman ay nagbibiro lang siya.Tsaka lamang ako naniwala noong pagbalik niya ay may dala-dala nga siyang motorsiklo.

Agad niyang inabot sa akin ang isang helmet at pinaangkas sa motor niya.

"Yung bisikleta mo kunin mo nalang sa susunod na pupunta ka dito." sabi niya noong nakaangkas na ako.

"Hindi kaya mawala yan dyan?" muli ay nagawa kong sambitin iyon ng may kasamang pag-aalala sa tinig ko.

"Huwag kang mag-alala,ipapasok ko na lang sa loob mamaya",sagot naman niya.

"Eh nakakandado yan eh." sabi ko pa.

"Ibigay mu na lang muna sa akin yung susi mamaya,o kung ayaw mo naman eh bubuhatin ko na lang mamaya,magaan lang naman yata yun eh." sabi niya at noon nga ay pinaandar na niya ang motorsiklo.

Noong una ay parang nahihiya akong kumapit sa kanya pero nang binilisan niya ang pagpapatakbo ay napakapit din ako. 

"Oh,dahan-dahan lang",paalala ko pa kay Jad pero ang sabi niya ay "Basta kumapit ka lang,ako ang bahala sa'yo.At noon ay bumarurot na siya.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang stoplight malapit sa dorm namin.Sinabi ko sa kanyang doon na ako bababa ay may bibilhin pa ako sa may tindahan na malapit doon.

"Malapit na ba dito ang dorm ninyo?",tanong niya noong nakababa na ako.

"Oo,yan na yun oh." sabi ko naman sabay turo sa kinaroroonan ng aming dormitoryo.

Noon nga ay nagpasalamat muli ako sa kanya.Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng bisikleta ko at ibinigay sa kanya.

"Number mo pala", yun ang sumunod na sinabi nya.

Noon nga ay binigay ko nga sa kanya ang cp number ko.Nilabas niya ang cp nya at idinial lang doon.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya.

"Diretso ka na ng uwi ha.",yun ang bigla kong nasabi sa kanya.

"Opo,uuwi na po ako."sagot naman niyang muli ay nakangiti.

Matapos niyang paandarin muli ang kanyang motorsiklo ay umalis na nga siya.Sinundan pa siya ng paningin ko habang siya ay papalayo hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Dumiretso na din ako ng dorm noon.Hindi na ako bumili pa sa tindahan katulad ng sinabi ko kay Jad.Ang totoo niyan ay sinabi ko lang iyon sa kanya para hindi na niya ako ihatid pa hanggang sa tapat mismo ng dorm namin.Ayaw ko lang na makita kami ng mga kasamahan ko dun at ayoko ding magtatanong sila tungkol sa makikita nilang kasama ko.At siyempre bilang discreet ay ayaw ko na magkaroon sila ng pagdududa tungkol sa akin.

Hindi ako kaagad na nakatulog noong gabing iyon.Tangay ng isip ko ang mga sandaling kasama ko si Jad.Nakapikit ang mga mata ko pero buhay na buhay ang diwa ko dahil tanging si Jad ang nasa balintataw ko.

Masaya ako dahil sa mga kakaibang pangyayari sa buhay ko.Yung pagdating ni Jad sa buhay ko.Napapangiti nga ako sa tuwing maaalala ko yung una naming pagkikita.Yung nasagi niya ang manibela ng bisikleta ko at doon ko unang nasilayan ang mga matatamis na ngiti niya.Bente-kwatro anyos na ako at noon lang may nangyaring ganun na kakaiba sa buhay ko.Oo,matagal ko nang alam sa sarili ko na may kung anong kakaibang ugat dito sa puso ko.Pero pilit ko iyong nilalabanan dahil sa palagi kong iniisip ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman ito.Pero noon nga ay iyon na ang simula.Hindi ko na nagawang kontrolin ang sarili ko at sinunod ko na ang dikta ng puso ko.

Identity crisis.Nakakaramdam din ako ng ganun noon.Kasi bago ako nagpunta ng Taiwan ay nakatatlong girlfriend naman ako.Kaya lang ang tatlong relasyon na iyon ay wala ring tumagal.Pero alam ko din na hindi ako bading.Siguro nga ay nasa gitna lang o yung bisexual na tinatawag.

Binalak kong itext si Jad noon pero natigilan ako nang maalala ko na wala pala siyang number sa akin.Siya lang pala kanina yung kumuha ng number ko.

Hindi talaga ako dalawin ng antok noong gabing iyon.Inaasam-asam ko na sana ay itext ako ni Jad.Dahil nga sa hindi ako makatulog ay nagbukas muna ako ng facebook sa laptop ko.Hanggang sa napabalikwas ako nang narinig kong tumunog ang cp ko.May nag-text,subalit nawalan ako ng gana noong mabasa ko ang message.Galing iyon sa operator.Ang ginawa ko ay mahina kong ibinato ang cp ko pabalik sa may ulunan ng bed ko,sa may unan.Pagkatapos ng ilang minuto ay tumunog ulit iyon at hindi na text kundi tawag.Nagmamadali kong tiningnan kung sino yung tumatawag.New number.Hindi siya nakaregister sa phoneook ko at noon nga ay umaasa na ako na si Jad nga yung tumatawag.

"Hello,sino 'to?",iyon agad ang bungad ko sa nasa kabilang linya.

Isang malamyos na tinig ng lalake ang narinig kong sumagot.

"Hello,Carlo si Jad ito...naistorbo ba kita?"

Noon ay nakaramdam ako ng saya dahil totoo yung inakala ko na si Jad nga yung tumawag.

"Ahm...he-hello Jad,ikaw pala yan, ahm hi-hinde,hindi ka naman nakaistorbo.Ang totoo nga nyan ay gising pa ako." iyon ang sinabi ko.

"Pareho pala tayo,hindi rin kasi ako makatulog eh." sagot naman niya.

"Ah ganun ba?",maikling sabi ko.

"Oo eh,siguro kaya ako hindi makatulog kasi may isang tao na iniisip ako ngayon."biro sa akin ni Jad na parang nagpaparinig.

Bahagya akong tumawa noon bago nagsalita.

"Kung ganun eh ibig bang sabihin niyan na kaya din ako hindi makatulog kasi may isang tao din na naiisip ako?" biro ko din sa kanya.

"Uhm,oo meron naman talaga",sagot niya.

"Eh sino naman kaya yun?" tanong ko.

"Ahm...ako?",parang patanong yung pagkakasabi niya.

Hindi ko maitanggi sa sarili ko na kinilig ako sa sinabing iyon ni Jad.Pero yung kilig na iyon ay pilit kong itinago sa kanya.Ewan ko pero parang biglang sumingit sa isipan ko na hindi bagay sa akin ang kiligin ng ganun kasi lalake ako at para bang yung isipin na iyon ay gustong mangibabaw sa isip ko.Subalit yung isipin na iyon ay pilit ding kinokontra ng puso ko na para bang nagpupumiglas na ng mga sandaling iyon.Maya't-maya ay nagsalita na ako.

"Weh,ganun?"ikaw talaga ang nag-iisip sa akin?hindi ba pwedeng sila muna?",pabiro kong sagot.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay ganito ang sinabi niya.

"Bakit Carlo?may iba pa ba bukod sa akin?" 

Noon ay nagulat ako sa tanong niyang iyon dahil parang seryoso na ang tinig niya,

"Alam mo ikaw Jad ang lakas mo din mag-trip eh,noh." yun ang sabi ko sa kanya pero ang totoo ay tuwang tuwa na ang kalooban ko dahil sa narinig kong sinabi ni Jad.

"Hmmmm...may iba ka naman yata eh,ayaw mo yata." parang nagtatampong sabi ulit ni Jad.

"Ha?,,ayaw ng alin?" sagot ko naman.

"Wala,kalimutan mo nalang yun.",mahinang sagot niya.

Kung anu-ano pa ang napag-usapan namin ni Jad noon hanggang sa tuluyan na din kaming magpaalamanan para matulog na.

"Ah,oo nga pala wag mo akong masyadong iisipin ha para naman makatulog na ako." yun muna ang kantyaw ni Jad sa akin at nagtawanan pa kame bago niya tuluyang ibaba yung tawag niya.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jad.Parang nararamdaman ko na kasi na gusto niya ako.The feeling is mutual kumbaga.Bukas sa isip ko ang ideya na pwede naman talagang maging kame ni Jad.Komportable ako sa bagay na iyon kasi alam ko naman na pareho lang kami ni Jad.Naramdaman ko kaagad iyon kahit noong unang beses ko pa lamang siyang makita sa night market.Parang iyon nga yung sinasabi nila na 'lukso ng dugo'.

Pagkatapos kong mag-sip ng kung anu ano noong gabing iyon ay dinalaw na din ako ng antok.Naging mahimbing ang tulog ko at noon ay parang nai-imagine ko pa ang sarili ko na nakangiti habang natutulog.

PART 6

Kinabukasan ay nakamulatan ko ang text ni Jad sa akin.
"Wake up na,may pasok ka pa ngayon...TCCIC..",iyon ang eksaktong laman ng mensahe niya.
Nireplyan ko din siya."Salamat,ikaw din..TCCIC too."

Buong linggo na ganun ang ginagawa namin ni Jad.Text at tawagan pero siya palagi ang tumatawag sa akin dahil kapag ako naman ang tatawag sa kanya ay pinabababa niya iyon kaagad at sinasabing siya raw ang tatawag.Nakalinya daw kasi yung phone niya.Mas okey naman sa akin yun dahil hindi ako masyadong nagagastusan sa load.

Gabi-gabi bago kami matulog ay matagal kaming nag-uusap sa cellphone.Minsan umaabot iyan ng isang oras o mahigit pa.palagi kaming masaya kapag nag-uusap.Nagbibiruan ng kung anu-ano.Palagi ko nga rin pinapaalala sa kanya yung bisikleta kong naiwan sa apartment niya.

"Oo,wag kang mag-alala hindi mawawala yung bisikleta mo dito.Kung gusto mo pa nga katabi ko yun matulog eh,kukumutan ko pa."ang biro naman niya kapag nababanggit ko yung bisikleta.

"Oh sige alagaan mo yang bisikleta ko ha,kapag nawala yan diyan yari ka sa akin.",biro ko din sa kanya.

"Naman..aalagaan ko yun,kung gusto mo pa nga pinturahan ko pa ng pink.",sabi pa niya nun tsaka tumawa."

Komportable na kami sa isa't-isa ni Jad noon kung kaya nakakapagbiruan na kami ng ganun.Napag-usapan na din namin na magkikita kami sa susunod na linggo.Napagkasunduan namin na manonood kami ng sine.

Sumapit nga ang linggo.Bago ako paalis ng dorm ay tumawag si Jad sa akin at sinabing susunduin daw niya ako sa dorm.Tumanggi naman ako dahil noon ay may isa akong kasamahan sa trabaho na gustong makisabay sa akin papuntang train station.

Iyon nga ay si Enzo.Isa si Enzo sa pinakabata sa lahat ng katrabaho ko.At sa lahat ng kasama ko sa trabaho ay masasabi kong siya lang ang medyo kadikit ko sa dorm.Minsan nga ay nagse-share kami sa pagluluto ng pagkain namin.Palagi din kami magkasabay kapag nagwowork-out doon sa basement.Mabait si Enzo.Medyo tahimik nga lang siya kaya kung minsan ay hindi ko siya mahulaan.Lalo na kapag ganun na nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin.Minsan nga ay sumasagi sa isipan ko ang pagdudahan siya dahil parang binibigyan ko ng ibang kahulugan yung mga titig niya sa akin.Kaya lang hindi rin ako sigurado.Kung sa hitsura ay hindi mo naman siya kakikitaan ng bahid ng kabadingan dahil magandang lalaki siya.Matipuno,matangkad at moreno.

Nakasakay na kami ng taxi ni Enzo papuntang train station noong magtanong siya sa akin.

"Lance,saan ka pupunta?",yun ang tanong niya.

Lance kasi ang totoo kong pangalan at yung bagay na iyon ang hindi pa alam ni Jad dahil Carlo nga ang pakilala ko sa kanya noong una.

"Ah,,diyan lang manonood ng sine." ang sagot ko sa tanong ni Enzo.

"Kasama mo,mag-isa ka lang?" tanong ulit niya.

"May kasama ako,yung barkada ko.",sagot ko at si Jad nga yung tinutukoy ko.

Maya't-maya ay nagtext na si Jad sa akin at sinabing nandoon na siya sa train station naghihintay.Tinanong ko din si Enzo kung saan siya pupunta.

"Magsisimba lang ako,pagkatapos ay uuwi na.",sagot niya.

"Ah,luluhod ka pala.",ang biro ko sa kanya.

Agad naman niyang nasakyan iyon kaya tumawa siya.

"May kasama ka ba mamaya?"ang sumunod kong tanong sa kanya.

"Wala eh,bakit sasamahan mo ba ako?"pabiro naman niyang isinagot at bahagya naman akong tumawa.

Kung wala siguro akong kasama noong araw na iyon ay pupuwede ko sanang samahan si Enzo sa simbahan at yayayain ko siyang mamasyal dahil hindi pa kami nagkakasama sa labas at sa dorm lang kami palaging magkasama.Kaya lang ay hindi pwede dahil noon nga ay magkikita kaming dalawa ni Jad.

Pagbaba namin ng taxi ay agad na nagpaalam sa akin si Enzo.Mauna na lang daw ako sa train station at magwi-withdraw pa daw siya ng pera sa ATM niya.

Kaagad ko namang tinungo ang train station at tinext si Jad.Tinanong ko kung saang banda siya naroon.Nagreply siya at sinabing nandoon daw siya sa loob ng train station nakaupo.Pumasok nga ako sa loob at nang makita ko siya ay humanga ako sa nakita kong porma niya.Bumagay sa kanya yung suot niyang hapit na white jeans at black shirt.Naka-shades din siya noon.Napaka-gwapo ni Jad at para siyang modelo sa paningin ko noong mga sandaling iyon.

Hindi muna ako nagpakita kay Jad.Nakatingin siya sa kanyang cp at marahan akong lumapit sa bandang likuran niya.Nang nakalapit na ako ay agad kong tinakpan ng kamay ko ang mga mata niya pero mabilis ko din namang tinanggal iyon at nang makita niya ako ay tumawa siya.

"Lang hiya ka,may nalalaman ka pang pagulat-gulat ha.",sabi niya.

Noon ay tumawa na din ako.Pagkatapos ay niyaya ko na siya para bumili ng ticket sa tren pero ang sabi niya ay nakabili na daw siya.Tinanong ko siya noon kung ilan ang binili niyang ticket.

"Isa lang.",sagot niya.

Nagpaalam naman akong bibili nga ng ticket.At nang tutunguhin ko na sana ang bilihan ay kaagad niya akong pinigilan.

"Carlo,wag ka nang kukuha ng ticket..dalawa tong binili ko.",sabi niyang nakatawa.

"Siraulo,sabi mo kasi isa lang eh."sagot ko naman kasabay ng mahinag pagbatok ko sa kanya.

Inabot siguro ng dalawampung minuto ang biyahe sa tren.Nang marating namin ang mall ay pinapili niya ako kung anong gusto kong panoorin.May English at Chinese movies.

"Ikaw na ang bahalang pumili,kung anong gusto mo,gusto ko na din."sabi kong nakangiti.Pero sadyang mapilit siya at ako ang pinapipili niya ng ppanonoorin namin.

"Oh sige,eto nalang." sabi ko sabay turo ko sa English movie.

Parang interesting kasi iyon kasi 'Upside down'.

Nang lumapit siya sa bilihan ng ticket ay sumunod ako sa kanya para mag-abot ng pera pero tinanggihan niya.

"Ako na lang,eto na oh." sabi niya sabay bunot ng pera sa wallet niya.

Parang wala yata siyang balak pagastusin ako ng mga sandaling iyon kaya hinayaan ko nalang.

Hindi ko gusto yung movie noon.Nakakalito kasi upside down nga yung kuha,parang nakakahilo.Napansin iyon ni Jad at tinanong niya ako kung okey lang daw ba ako.Tumango na lang ako kahit na ang totoo ay nababagot na ako nun.Hanggang sa natapos din yung palabas at noon ay tinungo na namin ang food court ng mall.Kumain muna kami bago gumala.Palaging nakaakbay sa akin si Jad noon.Medyo natatakot lang ako noon baka kasi may makakita sa amin na kasamahan ko sa trabaho.

Niyaya ako noon ni Jad sa may bilihan ng mga silver jewelries.Noon ay tinawag niya ako sa tabi niya para magpatulong sa pamimili.

"Carlo,alin dito ang maganda?",tanong niya sabay turo sa mga nakadisplay na kwintas.Noon ay pinili ko naman ang sa tingin ko ay babagay sa kanya.

"Heto oh,bagay sayo yan.",sabi ko sabay dampot ng isang silver necklace.

Matapos kong piliin iyon ay agad naman niyang kinuha at binayaran.Akala ko nga noon ay isusuot na niya pero hindi pala dahil ibinulsa niya iyon.

"Saan pa tayo pupunta?",ang tanong ni Jad sa akin noong nabayaran na niya yung binili niya.

"Hindi ko alam,ikaw saan mo pa ba gustong gumala?",tanong ko rin sa kanya.

"Kahit saan.",sagot niya.

Noon ay tiningnan ko ang oras at mag-aala una palang ng hapon.Naisip kong yayain siyang mag-disco kaya lang noong sinabi ko iyon sa kanya ay tumanggi siya at sinabing hindi raw siya nagdi-disco.Hindi raw siya sanay sa mga gimikan.

"Anti-social ka ba?",pabiro ko pa ngang tanong kay Jad noon.

"Hindi naman sa ganun,ayaw ko lang talaga." sabi niya at seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin.

"Bakit,gusto mo ba mag-disco?",tanong niya sa akin.

"Eh ayaw mo naman,,'wag nalang.",sagot ko.

"Alam mo ikaw Carlo,hwag ka ngang pumapasok sa mga ganyan.Walang magandang idudulot sa'yo yan at tsaka paano kapag nagkagulo sa loob,paano ka niyan?,hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sau doon.",ganito ang mahabang sermon sa akin ni Jad.

Nakaramdam naman ako ng tuwa noon dahil alam kong sa tono ng pananalita ni Jad ay concern siya sa akin.

"Opo kuya,hindi na.",sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinundot niya ako sa aking tagiliran.

"Kuya ka diyan!,magkasing-edad lang tayo 'oy.",depensa naman niya.Tumawa lang ako.

Mayat-maya ay nagsalita ulit si Jad.

"Halika na,uwi na lang tayo sa bahay.",yakag niya sa akin.

"Ha?,anong gagawin natin doon?",kunwari ay tanong ko kahit na ang totoo niyan ay gusto ko din yung sinabi niya.

"Doon na lang tayo sa apartment mag-disco,at least doon walang entrance at libre pa ang inumin...madami akong stock na beer sa ref at tsaka yung bike mo pala na naiwan doon,kunin mo nalang mamaya."sabi niya.

Noon ay sumagi na naman sa isip ko yung pangyayari noong nakaraan.Yung nag-videoke kami at nag-inumang dalawa ni Jad.

"Ano,tara na?",yakag ulit sa akin ni Jad habang abala ang isipan kong sariwain ang mga nakakakilig na eksena noong nakaraang linggo.

"Sige,tara na.", sabi ko at tinungo nga namin ang sakayan ng tren para umuwi na sa kanyang apartment.

Pagdating namin sa kanyang apartment ay agad kong itinanong kung nasaan yung bisikleta ko.

"Ayun oh,magkasiping sila ng bisikleta ko" sabi niya sabay turo sa kinaroroonan ng mga bisikletang nakaparking doon.

Pagpasok namin ng kanyang apartment ay agad akong dumiretso sa kinaroroonan ng maliit na aquarium para tingnan ang isda na naroon.

"Jad,kumusta naman na yung isda mo?",tanong ko sa kanya.

"Aling isda,yung hito ko?"nakangiting tanong niya.

Natawa ako sa sinabi niyang iyon.

"Siraulo,itong fighting fish ang tinutukoy ko hindi yang hito mo.",sagot ko.

"Ah,yan ba,linawin mo kasi."sabi naman niyag nakatawa.

"Ayan malungkot siya kasi mag-isang lumalangoy,walang kasama."ang sumunod niyang sinabi patungkol doon sa isda.

"Maglagay ka kasi ng kasama niya.",ang sagot ko.

"Baka kasi mag-away lang sila eh."sagot naman niya.

"Eh di yung kauri niyang isda kasi ang ilagay mo para magkasundo sila.",suhestiyon ko habang abala parin akong pagmasdan ang lumalangoy na isda sa loob ng aquarium.

Nakaupo naman si Jad sa sofa noon at nang lingunin ko siya ay nakangisi siya.Maya't-maya ay may itinanong siya.

"Carlo,marunong ka bang lumangoy?",iyon ang tanong niya sa akin.

"Oo naman,hindi lang marunong,magaling pa.",ang mabilis kong sagot pagkatapos ay tinanong ko siya kung bakit niya yun naitanong.

"Magaling ka palang lumangoy,baka pwedeng ikaw na lang ang ilagay ko diyan sa loob ng aquarium kasama ng isda.",nakatawang sabi niya.

"Siraulo,hindi ako isda noh,halamang dagat lang ako.",sabi ko sabay upo sa tabi niya at noon ay tawa na siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

Maya't-maya at tinanong niya ako kung gusto kong maligo.Naglabas siya noon ng boxer shorts at sando.

"Ano,sabay ba tayong maliligo?,tanong ni Jad sa akin.

"Hindi,mauna ka na susunod na lang ako.",pagtanggi ko.Hindi kasi ako komportable sa ideyang sabay kaming maliligo.Nauna nga siyang naligo.Hindi na naman niya isinara ang pintuan ng banyo.Ako naman ay nagtanggal na din ng damit at noon ay nakatapis na lamang ng tuwalya na kinuha ko sa may sampayan.Nakaupo lang ako at nanonood ng TV hanggang sa marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jad.

"Carlo,pwedeng pasuyo?",tanong niya.

"Oh,anu yun?",mabilis kong tanong.

"Nakalimutan ko kasi yung towel,pakiabot nga sa akin,kunin mo dyan nakasampay."utos niya.

Tumayo ako noon para lumapit sa pintuan.Nakahubad siya pero nakatalikod.Noon nga ay tumambad sa akin ang magandang hubog ng kanyang katawan at ang maputi at napakinis niyang balat.

"Eto ba yung towel na sinasabi mo?",tanong ko.

Lumingon siya at napangiti dahil nakita niyang nakatapis nga sa akin iyon.

"Ah,gamit mo pala.",sabi niya.

"Oo,eh maliligo naman na ako kaya heto na,sa'yo na.",sabi ko at tinanggal ko ang twlayang nakatapis sa akin sabay takip naman ng isang kamay ko sa may harapan ko.Natatawa na lang kaming pareho ni Jad noon.

"Iabot mo din sa akin yan pagkatapos mong gamitin ha.",sabi ko.

"Ok,no probs,"sagot naman niya.

Akmang bubuksan ko yung shower noong natigilan ako sa nakita ko sa may salamin doon sa banyo.Nag-moist kasi iyon at nakita kong may nakasulat.

"Wo ai ni",iyon ang nakasulat sa sa baba ay mayroon ding nakadrawing na smiley.Alam kong si Jad ang nagsulat nun at siyempre wala nang iba dahil dadalawa lang naman kami doon sa apartment niya.

Nang matapos na akong maligo ay tinawag ko si Jad para ipaabot sa kanya yng twalya.

"Jad yung twalya,pahiram din ako.",ang tawag ko sa kanya pero hindi siya tumutugon.

"Jad....Jad,yung twalya naman oh,please...",ulit ko pa sa kanya pero hindi parin siya sumasagot.

Noon ay naisipan kong lumabas ng banyo para ako na lang ang kukuha ng twalya.Noon ay nakatakip ang dalawang kamay ko sa harapan ko.Akmang palabas na ako ng pintuan nang.....

"BULAGA!!!!!!!"

Halos mapalundag ako sa panggugulat sa akin ni Jad.Noon ay humahagikgik na siya sa kakatawa hawak-hawak ang twalya.

"Tang-ina mo!",di ko namalayang mura sa kanya.

Tawa parin siya ng tawa noon at maging ako ay natatawa rin sa reksiyon ko kaninang nagulat ako.

"Akin na nga yan!",sabi ko sabay hablot sa kanya ng twalya.

"Para kang siraulo Jad",dagdag ko pa nang hindi parin siya tumitigil sa katatawa.

"Bakit,gumaganti lang naman ako ah,diba ginulat mo rin ako kanina sa may train station.",sumbat niyang pabiro.

"Nagulat ka ba kanina eh hindi naman.",sagot ko.

"Magbihis ka na diyan at umpisahan na natin.",sabi pa niya.

"Umpisahan ang alin?",tanong ko.

"Ang uminom.",sagot niya at noong tingnan ko siya ay ngumingiti-ngiti parin siya.

"Jad,palitan mo nga ng kulay puti itong sando,",request ko sa kanya noon dahil kulay itim yung sando na una niyang inilabas.

"Bakit,ayaw mo ba niyan?",tanong niya.

"Naiinitan kasi ako kapag nagsusuot ako ng black.",sagot ko.

Agad naman siyang kumuha sa kanyang cabinet ng puting sando at ibinigay sa akin.

Habang nagbibihis ako ay naglabas naman siya ng ilang bote ng beer mula sa kanyang ref.

"Oh,Carlo halika na.",yakag ni Jad sa akin noon.

Kunwari ay hindi ko naman siya naririnig.

"Parang inaantok ako",sabi ko sabay bagsak ng katawan ko sa kanyang kama.Niloloko ko lang siya noon at titingnan ko lang kung ano ang reaksiyon niya.

"Carlo,halika na..KJ naman 'to oh.",narinig kong sabi niya.

Ang ginawa ko naman ay dumapa ako at sinubsob ko ang ulo ko sa unan.Maya't-maya ay nagsalita siya ulit.

"Uy,Carlo...tagay muna tayo,mamaya ka nalang matulog.",sabi niya.

Hindi parin ako nun kumikibo at kunwari ay humihilik ako.Hanggang sa lumapit siya sa akin at naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok.

"Carlo naman eh,andaya mo,akala ko ba gusto mong mag-inom tayo.",paanas niyang sabi.

Noon naman ay nilakasan ko kunwari ang paghilik ko.

"Carlo,...isa.....",narinig kong sabi ni Jad dahil alam niyang nagtutulog-tulugan ako.

Nilakasan ko pa ulit ang hilik ko.

"Carlo,dalawa....."sabi niya at noon ay dumagan siya sa akin at umupo sa likod ko at kinikiliti ako.Noon ay pinipigilan ko ang pagtawa ko at lalo ko pa ngang nilakasan ang paghilik ko.

"Tatlo.....",sabi niya pero hindi parin ako kumikibo.

Mula sa pagkakaupo sa likod ko ay tumayo na siya at may sinabi.

"Ah,ayaw mo talagang tumayo ah.",sabi niya at kasabay nun ang mabilis niyang paghubad sa boxer shorts ko.

Noon ay napabalikwas na ako at tumayo na din.Tawa na naman ng tawa si Jad sa akin noon.Imbes na mainis ako sa kanya ay natatawa na rin ako.Iyon din ang gusto ko sa kanya,yung napaka-masayahin niya at medyo mapang-asar,pero kayang-kaya ko naman sakyan kasi halos pareho lang kami ng ugali.Yun din siguro ang dahilan kung kaya't compatible kami.

Napaparami na ang naiinom namin ni Jad noon.Nararamdaman ko na ang tama ng beer.Tuwang-tuwa nga kaming pareho nun kasi ginawa talaga namin discohan ang apartment niya.Nagpapatugtog siya noon ng mga music na pang-disco.Para kaming mga adik noon.Binidyohan pa namin ang mga sarili namin noon habang sumasayaw.Yung sayaw na parang macho dancer.Kahit na dadalawa lang kami sa kwartong iyon ay tila mayayanig ang buong building sa lakas ng tawa at ingay namin.

Nang mapagod kami sa kasasayaw ay nagpahinga muna kami.Magkadikit kaming nakaupo sa sofa.Maya't-maya ay nagulat ako nang hawakan ni Jad ang kamay ko.

"Carlo,salamat ha.",sabi niya.

"Ha?,slamat saan?",tanong ko.

"Salamat kasi nandito ka,salamat kasi sinasamahan mo ako.",sagot niya.

"Salamat kasi sinasamahan kita sa mga kalokohan mo,ganun ba?",biro ko naman sa kanya.

"Hindi,seryoso nga..salamat kasi nakilala kita.",ang seryoso nga niyang sinabi habang nakatitig siya sa akin.

Matagal niya akong tinitigan.Sandaling tumahimik sa loob ng kwartong iyon hanggang sa magsalita siya.

"Carlo,nabasa mo ba yung................."

Hindi pa siya tapos magsalita noong dugtungan ko ang sinabi niya.

"Yung nakasulat sa salamin diyan sa banyo?"dugtong ko.

Tumango siya.

"Wo ai ni ba yun tapos may smiley?anong ibig sabihin nun,hindi ko kasi alam eh.",pagkukuwari ko kahit alam ko naman na 'iloveyou' ang ibig sabihin nun.

Hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko noon at bago siya nagsalita ay naramdaman kong pinisil niya iyon ng bahagya.

"Carlo,mahal kita.",pagtatapat ni Jad sa akin at noong mga sandaling iyon ay hindi ko maikakailang tuwang tuwa ako sa narinig ko at noon nga ay bumilis din ang pagtibok ng puso ko.

Matama kong sinalubong ang titig niya sa akin.

"Jad,sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo sa akin?",tanong ko na para bang naghahanap pa ako ng kumpirmasyon.

"Sigurado ako Carlo,kahit na noong unang beses pa lamang kitang nakasama.Magaan ang loob ko sa'yo.Komportable ako sa'yo.Gusto kita.Mahal kita.",ganito ang sunud-sunod niyang sinabi.

Noon ay parang gusto ko ding sabihin kay Jad na mahal ko din siya kaya lang ay parang may pumipigil sa akin dahil alam kong may mali.Hindi ako naging honest kay Jad dahil hanggang noong mga sandaling iyon ay hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong pangalan at noon nga ay nagpasya akong ipagtapat na sa kanya yung tungkol sa bagay na iyon.

"Jad,sandali lang...hi-hindi mo pa ako kilala.",parang nauutal kong sabi noon.

"Hindi Carlo ang tunay kong pangalan.",pagtatapat ko.

Tinitigan niya ako at nagsalita.

"Alam ko,at naiintindihan ko.",sabi niya.

Pagkatapos ay tumayo ako at kinuha ang wallet sa bulsa ng aking pantalon para kunin ang aking ARC(Alien Resident Certificate).Iniabot ko sa kanya yun para ipakita.

"Lance ang tunay kong pangalan.",sabi ko.

Tinitigan niyang mabuti iyon at binasa nga ang pangalan ko.

"Lance..." bigkas niya sa pangalan ko.

"Hindi ka ba galit sa akin?",alalang tanong ko kay Jad.

"Bakit naman ako magagalit,diba sabi ko naiintindihan ko yun at normal lang naman yan na itago ang identity minsan."sagot niya.

Noon nga ay lumuwag na ang dibdib ko dahil hindi pala big deal sa kanya ang hindi ko pagsabi sa kanya ng tunay kong pangalan.

Maya't-maya ay tumayo din siya at may kinuha siyan ID sa wallet niya.

"Yung Jad na pakilala ko sa'yo,,pangalan ko tlaga yun,palayaw nga lang dahil ito ang tunay kong pangalan.",sabi niya sabay abot sa akin ng ID na hawak niya.

Gerald ang tunay niyang pangalan na nakalagay sa ID.

"Kaya pala artistahin ka eh...Gerald Anderson?."sabi ko at sabay kaming tumawa.

Magmula ngayon Lance na ang itawag mo sa akin ha.",ang utos ko kay Jad noon.

"Ayoko nga..mas gusto kong tawagin kang Carlo."sabi niya sabay tayo.

Noon nga'y naudlot yung kaninang seryosong usapan namin kaninang nagtapat siya ng kanyang damdamin.Tinanong niya ako kung gusto ko pang uminom pero ang sagot ko ay ayaw ko na.Pagkatapos ay tinungo ko ang kama niya at sinabi kong gusto kong matulog.

"Ayan ka na naman Carlo eh,magtutulog-tulugan ka na naman."sabi niya.

"Anong Carlo,diba sabi ko Lance na ang itawag mo sa akin." ,sita ko sa kanya.

"Nasanay nga ako tsaka mas bagay sa'yo ang pangalang Carlo kaysa Lance.",sabi pa niya.

Tumayo ka nga diyan at mayroon akong ibigigay sayo.",sumunod niyang sabi at nang lingunin ko siya ay nakita kong may kinuha siya sa bulsa ng kanyang pantalon.Lumapit siya sa akin at pilit akong itinatayo.Ako naman ay nagtutulog-tulugan na naman.

"Uy Carlo,seryoso kasi ah,bumangon ka nga't may ibibigay ako sau."parang pagmamakaawa niya kaya bumangon na nga ako at umupo sa gilid ng kama niya.

"Bakit,anu ba yun?".tanong ko.

Noon ay nakita ko ang hawak-hawak niya.Isang box na maliit at nahulaan ko kaagad na yun yung silver na necklace na binili niya sa labas kanina.Binuksan niya iyon at isinuot sa akin.

"Jad,bakit ano ito?",nagtatakang tanong ko.

"Gift ko sayo,at mula ngayon ay palagi mo itong isusuot haHwag mong tatanggalin.",napakalambing ng pagkakasabi niya nun.

Prang nahihiya ako noon.First time ko kasi maranasan iyong may magbigay sa akin ng ganun.Hindi na ako nakatanggi nang isinuot ni Jad sa aking ang kwintas na yun.Kapag tinanggihan ko naman ay baka mapahiya siya kaya nagpasalamat na lang ako.

"Nakakahiya naman,wala pa kasi akong maibigay sayo ngayon.",sabi ko sa kanya.

"Anu kaba,hindi naman ako humihingi ng kapalit niyan eh.",sagot niya sabay hawak sa kamay ko.

"Tama na sa akin na naririto ka,masaya ako kapag kasama kita at mahal kita Carlo.",sabi niya.

"Carlo,mahal mo din ba ako?",ang tanong niya sa akin nang hindi niya mahintay ang tugon ko sa nauna niyang sinabi.

Noon ay umusad muna ako palapit sa kanya bago nagsalita.

Kinuha ko muna ang isang kamay niya at itinapat iyon sa dibdib ko.

"Jad,ang pagmamahal hindi yan sinasabi kundi pinaparamdam.Ayan,pakiramdamanmo kung ano ang nasa loob nito.",ang tila matalinhagang banat ko naman noon.

Napakatamis ng ngiti ni Jad matapos kong sambitin iyon.Noon ay umakbay na siya sa akin.Hanggang sa sinabi kong matulog muna kami at noon nga ay humiga na kaming magkayakap hanggang sa sabay na kaming nakatulog.

PART 7 9(last part)


Gabi na noong nagising ako.Noon ay nakayakap parin sa akin si Jad at mahimbing parin siyang natutulog.Nang tingnan ko ang oras ay mag-aalas otso na ng gabi.Nakahahiga parin ako noon.Nakaharap ako kay Jad at pinagmamasdan ko ang napaka-amo at gwapong mukha niya.Mahal ko na siya at noon ay ramdam ko na din ang kanyang pagmamahal para sa akin.Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tumibok ang puso ko sa kapwa ko lalake.Dati pa naman ay nararamdaman ko na sa sarili ko ang kakaibang damdamin subalit masasabi kong paghanga lamang noon ang mga iyon na siya ring matagal kong inilihim at pilit nilabanan dahil alam kong mali ito.Mali sa paningin ng mga mapangutyang tao at lalong mali sa paningin ng Diyos.Pero buhat nang nakilala ko si Jad ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang puso ko.Napakasaya ko noong araw na iyon subalit sa kabila ng kasiyahang iyon ay mayroon ding nakatagong pangamba at takot dahil iniisip ko ang maaring mangyari kapag nalaman ng ibang tao ang lihim ng aking pagkatao,lalo na ng pamilya ko.

Matagal kong pinagmasdan ang mukha ni Jad noon.Hanggang sa maya't-maya ay nakaramdam ako ng pagkauhaw.Marahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni Jad subalit noong maramdaman niya iyon ay umungol siya at hinigpitan ang yakap sa akin.Noon ay hinaplos ko ang mukha niya at bumulong ako sa kanya.

"Jad,sandali lang kukuha lang ako ng tubig,nauuhaw ako.",ang sabi ko.Pero pagkasabi ko nun ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"Dito ka lang.",mahina niyang wika habang siya ay nakapikit parin.

"Eh,nauuhaw nga ako.",ang ulit ko sa kanya.

Noon nga ay hinayaan na din niya akong makatayo para makainom ng tubig.Pagbalik ko sa higaan ay nakapikit parin si Jad.Bumulong ulit ako sa kanya at sinabing uuwi na ako dahil noon ay gumagabi na.Siya naman ang hindi tumutugon noon.Niyugyog ko ang balikat niya pero dedma parin siya.Nang sinabi kong magbibihis na ako ay tsaka lamang siya dumilat.

"Mamaya ka na umuwi,maaga pa naman eh.",sabi niya.

"Mag-aalas otso na,magbibisikleta pa ako pauwi eh.",sagot ko.

"Iiwan mo na ako?",ang parang batang sabi pa niya.

"Eh,medyo malayo pa kasi ang uuwian ko Jad at tsaka magbibisikleta pa ako.",sagot ko.

"Kiss mo muna ako.",ang sumunod niyang sinabi na parang naglalambing.

Noon nga ay dinampihan ko naman siya ng halik sa kanyang pisngi.

"Uhmmm...,amoy alak ka pa.",pabirong sabi ko.

Noon ay ginantihan muna niya ako ng halik sa pisngi bago siya tuluyang bumangon.Nagbihis na nga ako noon at maging si Jad ay nagpalit din ng damit.

"Ihahatid na lang kita.",wika niya matapos kaming magbihis.

"Ha,ihahatid mo ako?magba-bike ka rin?",ang tanong ko.

"Hindi,gabi na eh kaya gagamitin na lang natin yun motor ko tapos yung bisikleta mo ay kunin mo na lamang pagbalik mo dito.",ang sagot niya.

"Ah...ok.",sagot ko din.

"Sa biyernes punta ka dito ha.",ang sumunod pa niyang sinabi.

Bahagyang kumunot ang noo ko noon.

"Diba walang pasok sa biyernes kasi holiday.",sabi niya noong nakita niyang tila napaisip ako.

Noon nga ay naalala ko na holiday nga pala yung araw na yun at wala kaming pasok.Sumang-ayon kaagad ako at natuwa dahil sa ideyang magkikita ulit kami ng biyernes.Bago kami lumabas ng apartment ni Jad ay niyakap muna niya ako ng mahigpit.

"I love you.",sambit niya.

"I love you more.",ang tugon ko sa kanya at niyakap ko din siya.

Magkahawak-kamay kami noong bumaba sa hagdanan pero sinigurado din namin na walang ibang tao na nakakakita sa pagkahawak-kamay naming dalawa.

Hinatid nga ako ni Jad gamit ang kanyang motorsiklo.Kagaya ng dati ay hindi ako nagpahatid sa mismong tapat ng dorm namin.Doon ulit ako sa may tindahan bumaba.

"Ingat ka pag-uwi.",ang sabi ko sa kanya noon.

Hinawakan niya noon ang aking kamay sabay sabing "mamimiss kita".

"Ako din.",sagot ko at pinisil ko ng bahagya ang kamay niya bago ko iyon binitawan.

Nagpaalam na siya noon para umuwi na at tulad ng dati ay sinundan siya ng mga paningin ko hanggang sa siya ay tuluyan nang makalayo.

Tinungo ko naman ang tindahan noon dahil sadyang may bibilhin din ako.Bibili ako ng prepaid card dahil naubusan ako ng load.Nagulat ako nang sa harap ng tindahan ay nakita kong nakatayo si Enzo.Nakaramdam ako noon ng hiya dahil inisip ko na baka nakita niya yung pagholding hands namin ni Jad.Nginitian ko na lang siya noong lumapit ako.

"Uy Enzo nandito ka pala.",bati ko sa kanya.

"Oo,bumili lang ako ng yosi.",ang sagot niya at ngumiti rin sa akin.

Pagkatapos kong bumili ng load ay sabay na naming tinungo ang dorm namin.

"Lance,sino yung naghatid sa'yo kanina?",ang tila curious na tanong ni Enzo sa akin.

"Ah,yun yung sinabi ko sau kanina na barkada ko,siya yung kasama kong nanood ng sine.",mabilis kong sagot.

"Ah,siya ba?",tanong ni Enzo na tila may ibang kahulugan sa paraan ng pagkakasabi niya kaya sulyap lang ang itinugon ko sa kanya noon.Baka nga nakita niya yung pagholding hands namin ni Jad kaya lang ay nahihiya din akong itanong iyon sa kanya.Parang wala akong lakas ng loob na itanong yung tungkol sa bagay na iyon kaya hinayaan ko na lang.

Nang nasa dorm na kami ay tinanong ako ni Enzo kung kumain na ako.Sinabi kong hindi pa kaya inalok niya ako ng pagkain.Tamang-tama naman dahil nakakaramdam na din ako ng pagkagutom noon.Sabay nga kaming kumain ni Enzo.Habang kumakain kami ay napansin niya ang suot kong kwintas.

"Uy,bago ah.",sabi niya patungkol sa kwintas habang nakatingin sa leeg ko.Noon ay ngumiti lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na din ako sa aking kwarto.Tumatawag na kasi si Jad noon.Napagkasunduan naming dalawa noon ang magpunta sa dagat na malapit sa kanila.Iyon nga ay sa darating na araw ng biyernes at excited naman ako nun.Isa pang napagkasunduan namin ay ang isuot yung ternong damit na nabili namin noon sa night market at magbibisikleta din kami papunta sa dagat para daw medyo adventurous ang lakad namin.

Dumating nga ang araw na iyon.Maaga akong gumising dahil nagluto pa ako ng mga pagkain na babaunin namin ni Jad.Gusto ko din kasin um-effort nun dahil sa paraang iyon ay makakabawi naman ako sa kanya dahil kapag lumalabas kami o pumupunta ako sa apartment niya ay siya nalang palagi ang gumagastos.

Alas diyes ng umaga nang umalis ako ng dorm.Nagtaxi na lang ako noon papunta sa apartment ni Jad.Nang makarating ako ay tinawagan ko si Jad para ipaalam na nandoon na ako.Makaraan ng ilang minuto ay bumaba na siya.Napakatamis ng ngiti ni Jad noong makita niya ako.

"Wow,bagay na bagay ah,buti naman at isinuot mu yan.",sabi nya patungkol sa damit ko.

"Siyempre naman.,baka kasi magalit ka kapag hindi ito ang isinuot ko.",biro ko.

Napansin niya noon ang paper bag na bitbit ko.

"Carlo,anu yan?",tanong niya.

Nakuha ko pa siyang biruin noon.

"Ah,two piece..diba magswi-swimming tayu sa dagat mamaya?",sabi ko.

Tumawa siya sabay tingin sa laman ng paper bag na dala ko.Noon nga ay sinabi ko na sa kanya ang toong laman nun,na nagluto ako ng pagkain.Ngumiti siya sa akin noon.

"Ang sweet naman.",sabi niya.

Pagkatapos ay tinungo na namin ang parking area para kunin yung mga bisikleta namin.Medyo mabigat ang dala-dala ko noon.Maging si Jad ay may dala ding malaking back pack kaya medyo nahirapan kami noon sa paahon na parte ng kalsadang binabagtas namin.

"Carlo,kaya pa?",ang nakangiting tanong sa akin ni Jad noong nakita niyang medyo nahihirapan ako sa pagpedal.

"Oo,kaya pa.",sagot ko naman.

"Gusto mo magpahinga muna tayo?",ang sumunod niyang tanong.

"Hindi na,ayos lang ako...kaya pa naman eh",pagtanggi ko dahil noon ay excited na din akong makarating sa dagat na pupuntahan namin.

Pagkatapos ng ilang minuto pang pagpadyak sa bisikleta ay narating din namin sa wakas ang dagat.Natuwa ako dahil napakaganda ng tanawin doon at napaka-sariwa ng hangin.Pakiramdam ko ay parang nasa Pinas lang ako noon.

"Wow ang ganda naman dito.",sabi ko habang walang sawa kong iginala ang mga mata ko sa mala-paraisong tanawin doon.

Nakangiting nakatingin si Jad sa akin noon at tila natutuwa din siya sa nakita niyang saya at reaksiyon ko.Kaming dalawa lamang ang naroroon sa dakong iyon ng dagat kung kaya tahimik ang paligid.Wala kang ibang maririnig doon kundi ang paghampas ng alon sa dalampasigan at ang huni ng mga ibon na tila masasayang lumilipad sa kalawakan.

Mayroon ding dalawang matataas at mayayabong na puno ng niyog.Doon namin iniwan yung bisikleta at yung mga dala-dala namin.Pagkababa ko ng bitbit kong paper bag ay kaagad kong hinubad ang damit at shorts ko.Naka-boxer shorts na lang ako noon.

"Oh,maliligo ka na agad?",tanong ni Jad sa akin.

"Oo,halika na",sabi ko at para akong bata na mabilis na tumakbo palapit sa tubig.

"Jad,halika na.",yakag kong pasigaw sa kanya noong nasa tubig na ako.

"Sige,susunod ako.".sigaw din niya habang nooynagtatanggal na din siya ng kanyang damit.

Noon ay tinungo ko ang isang malaking tipak ng bato.Umupo ako doon at para akong bata na nagtatampisaw sa tubig.Napapa-wow talaga ako sa ganda ng tanawin at noong paglingon ko ay napa-wow ulit ako nang makita ko si Jad palapit sa akin.Swimming trunks ang suot niya noon at napaka-seductive ng hitsura niya sa suot niyang iyon.

"Oh,halika na maligo na tayo.",wika niya habang noon ay nakatitig parin ako sa kanya.

"Oh,inlove ka na naman sa akin ano.",biro niyang nakangiti at ginantihan ko naman siya ng ngiti noon.Pagkatapos ay winisikan ko siya ng tubig tsaka ako tumakbo palayo.Hinabol niya ako hanggang sa maabutan niya ako at gumanti rin.Naglaro pa nga kami noon,yung patagalan sa ilalim ng tubig pero hindi ako madaig ni Jad kasi sanay akong sumisid noong nasa probinsiya pa ako.Nagpapaturo nga din lumangoy si Jad noon.Habang tinuturuan ko siyang lumangoy ay bigla na namang umandar ang kakulitan ko nang asarin ko siya.Bigla kong hinubad ang suot niyang trunks at tsaka ako mabilis na lumangoy patungo sa dalampasigan,doon sa isa pang malaking tipak ng bato.

Tawa ako nang tawa habang sumasayaw-sayaw pa at iwinawagayway ng isang kamay ko ang swimming trunks ni Jad.Sumisigaw siya noon na ibalik ko iyon sa kanya.Nanatili siya sa tubig dahil hindi naman niya magawang umahon para habulin ako dahil wala nga siyang saplot.

"Carlo naman kasi eh,akin na nga yan.",sigaw ni Jad sa akin.

Tawa parin ako nang tawa noon.

"Carlo,akin na yan baka sakmalin ako ng pating kapag nakita itong alaga ko.",biro sa akin ni Jad at talagang nakuha pa niyang magbiro.

"Ha,sinong Carlo..walang Carlo dito.",ang sagot ko.

"Eh di Lance,kung yan ang gusto mo...Lance akin na yan at aahon na ako!",sigaw ulit niya at pagkatapos ay ibinato ko na pabalik yung trunks niya.

Umahon na nga siya pagkasuot nun at dumiretso siya sa lilim ng dalawang puno ng niyog kung saan nakalagay yung mga gamit namin.Tinawag niya ako pero hindi muna ako tumugon.

"Carlo,halika muna kain muna tayo.",tawag niya ulit.

Dahil sa tngin ko ay wala naman siyang balak na gantihan ako sa pang-aasar na ginawa ko sa kanya ay lumapit na din ako.Ngingiti-ngiti pa ako sa kanya noon.

Kakain na sana kami noong maalala ko na hindi pala ako nakapagdala ng kutsara at tinidor.

"Magkamay na lang tayo ah.",sabi ko kay Jad.

"Ha,hindi ako marunong eh.",sagot niya.

"Madali lang,ganito lang oh.",sagot sabay dakot ko ng ulam at kanin sa plato ko.

Noon ay nakangiting nakatingin si Jad sa ginawa ko.

"Oh,,kain na tayo.",sabi ko habang tuloy parin ako sa pagsubo.Maya't-maya ay narinig ko siyang nagsalita.

"Alam mo Carlo,yan ang gusto ko sayo eh kasi napaka-natural mo.",sabi niya.

Ngiti lang ang itinugon ko sa sinabi niyang iyon.

"Pasensiya ka na ha,nakalimutan ko talaga magdala ng kutsara't tinidor.",ulit ko.

"Okey lang yan,at leas mae-experience ko din ang kumain nang nagkakamay.",sabi niya sabay dampot na din ng pagkain.

Naparami ang kain namin ni Jad noon.Nasarapan siya sa niluto ko at pinuri pa niya ako sa galing ko daw magluto.Biniro ko siya at sinabi kong may secret ingredients ako sa pagluluto.

"Talaga? anu naman yun?",tanong niya.

"Pagmamahal.",sagot ko at nang tingnan ko siya ay ngumiti siya.

Tanghaling tapat na noong matapos kaming kumain.Gusto nang matulog ni Jad noon pero ang sabi ko ay magpalit muna siya ng trunks dahil basa iyon.Tinanggal nga niya iyon at sinuot lamang ang kanyang shorts.

"Oh,ikaw din..tanggalin mu yan oh.",sabi niya sabay turo sa basang boxer shorts ko.

Tulad ng ginawa ni Jad ay tinanggal ko din iyon at sinuot ko ang shorts ko.

"Hmmmm...gaya-gaya.",biro pa ni Jad sa akin.

Mula sa kanyang back pack ay may inilabas siyang malaking tela.Isinapin niya iyon sa buhangin at pagkatapos ay humiga.

"Carlo,halika tabi tayo.",sabi niya.

"Mamaya,hindi pa ako inaantok eh.",sagot ko.

"Kung ganun halika lang dito,upo ka sa tabi ko.",sabi niya ulit.

Lumapit nga ako at umupo sa tabi niya.Maya't-maya ay dahan-dahan naman siyang umusad at tsaka dahan -dahang ipinatong ang kanyang ulo sa hita ko.

"Aba,wais ka din naman talaga ano.",sabi ko sabay pisil ng ilong niya.

"Eh hindi ka inaantok kamo kaya dito ka lang at matutulog ako,ikaw ang guardian angel ko.",biro niya.

Medyo matagal pa kaming nagkwentuhan ni Jad noon.Habang nagkwekwentuhan kami ay hinahaplos-haplos ko naman ang kanyang buhok.Hanggang sa alam kong tuluyan na siyang nakatulog nang marinig kong humihilik na siya.Matagal ko siyang pinagmasdan.Tumayo lang ako nang makaramdam ako ng pagkangalay dahil sa ulo ni Jad na nakapatong sa hita ko.Mula sa pagkakapatong ay marahan kong tinanggal iyon.Sumunod ko namang kinuha ang tuwalya at tinupi para iunan sa ulo ni Jad.Hindi parin ako inaantok noon kaya ang ginawa ko ay nilabhan ko ang boxers ko at yung trunks ni Jad gamit ang sabong panligo.Pagkatapos ay ibinilad ko iyon sa batuhan.

Nang bumalik ako sa may lilim ng niyog ay tulog na tulog parin si Jad.Maya't-maya ay naisipan kong iukit ang unang letra ng mga pangalan namin sa may puno ng niyog gamit ang isang maliit na kutsilyo.Letter L at J ang inukit ko noon sa loob ng isang puso.Hinintay ko pang magising si Jad para ipakita sana sa kanya iyon kaya lang hindi pa naman siya gumigising noon.Hanggang sa nakaramdam na din ako ng antok at tumabi na ako kay Jad para matulog.

Palubog na ang araw nang magising ako.Napabalikwas ako nang pagtingin ko sa tabi ko ay wala si Jad doon.Mabilis akong bumangon at kaagad siyang hinanap ng mga mata ko.Nakita ko siyang nakaupo sa buhanginan.Nakaharap siya sa araw at pinagmamasdan ang paglubog nito.Nilapitan ko siya at may napansin ako sa kinauupuan niya.Mayroong nakaguhit na malaking puso sa buhangin at sa harap niya ay pansin ko din ang tumpok na mga pira-pirasong kahoy na malamang ay pinulot niya sa paligid.Okupado niya sa kanyang kinauupuan ang kalahating bahagi ng pusong iyon.Sinulyapan niya ako at ngumiti nang makita niyang papalapit ako sa kanya.

"Wow,ang laki nmn ng pusong yan!",wika ko noon sa kanya.

Ngiti ulit ang itinugon ni Jad sa sinabi kong iyon.

"Pwede bang pumasok?",ang tanong ko sa kanya.

"Nakapasok ka na nga eh.",literal namang sagot niya na nakatingin sa isang paa ko na noo'y nakapasok na nga sa loob ng malaking pusong iyon.

"Ayaw mo yata eh.",sambit ko pa noon.

"Arte mo naman,halika nga dito sa tabi ko...dito ka sa kabilang bahagi.",ang utos niya sa akin.

Umupo nga ako sa tabi niya at pagkaupo ko ay umakbay na naman siya sa akin.

"Nakita ko kanina yung L&J na nakaukit sa puno ng niyog.",sabi niya.

"Ah,nakita mo pala iyon.",sagot ko.

"Oo,kaya lang dapat 'C&J' ang inukit mo doon at hindi 'L&J'.",sabi pa niya.

"Lance nga at Jad diba kaya L&J.",paliwanag ko naman.

"Eh mas okey kasi sa akin yung Carlo na pangalan mo eh.",pagpupumilit niya at noon nga ay Carlo pa din talaga ang tawag niya sa akin at hindi Lance na siyang tunay kong pangalan.

"Ang ganda noh.",sabi ni Jad na noon ay nakatuon ang mga mata niya sa papalubog nang araw.

"Unti-unting kinakain ng dilim ang liwanag.Ang ganda dito sa lugar na ito noh Carlo.Sana ganito palagi.Tahimik,payapa at masaya ang buhay."ganito ang sumunod niyang sinabi at pagkatapos niyang sabihin iyon ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Bakit Jad,may problema ka ba?",tanong ko.Sinulyapan niya lang ako at muling ibinaling ang mga mata sa araw na noo'y unti-unti nang kinakain ng dilim ang kabuuan nito.

Nang tingnan ko si Jad ay napansin ko ang pagkislap ng luha sa kanyang mga mata.

"Jad,bakit?"noon ay alalang tanong ko na sa kanya.

Mabilis naman niyang pinahid ang luha sa mga mata niya bago nagsalita.

"Ah,wala ito,saglit lang ha may kukunin lang ako.",paalam niya sabay tayo at tinungo ang kinaroroonan ng mga gamit namin.Pagbalik niya ay may hawak siyang isang bote ng alak.Tumabi ulit siya sa akin.

"Tagay muna tayo.",sabi niya sabay bukas ng alak.

Dahil nakalimutan niyang dalhin yung bote ng mineral water ay ako naman ang tumayo para kunin iyon.Kinuha ko din yung tela na isinapin namin sa buhanginan noong natulog kami ng tanghali.Madilim na noon ang paligid.Tanging ang papasibol palang na bwan ang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran.Noon ay pinatayo ko muna si Jad sandali para isapin yung telang kinuha ko.Nandoon parin kami sa loob ng pusong ginawa ni Jad.Malakas ang tama ng alak na iniinom namin ni Jad kung kaya't mabilis ko din naramdaman ang pagkahilo.Bumalik na rin noon ang pagiging masayahin ni Jad noong malasing na din siya.Kaya lang ay na-curious parin ako sa nakita kong pagpatak ng luha niya kanina kaya tinanong ko ulit siya.

"Jad,bakit ka umiyak kanina?",tanong ko.

Hindi niya ako tinugon sa tanong ko.May dinukot siya noon sa kanyang bulsa at nang tingnan ko iyon ay 'lighter'.

"Bakit yan?",tanong ko.Noon ay ngumiti muna siya bago niya ako sinagot.

"Sisilaban ko yang bibig mo,tanong ka kasi ng tanong eh.",sagot niya na noon ay tuluyan nang tumawa.Bahagya akong naasar sa sinabi niya kaya nanahimik ako.

"Joke lang,ito naman hindi na mabiro.",sabi pa niya habang nakatawa parin.Pagkatapos ay tumayo siya upang sindihan yung tumpok ng kahoy na nasa harapan namin.Nahirapan siyang sindihan iyon.

"Sunugin mo kasi yang tsinelas mo para tumagal ang apoy niyan.",biro ko pa sa kanya noon.

"Ayaw ko nga,nike kaya ito,mahal ito noh,",sagot naman niya.

"Yang tsinelas mo na lang",sabi pa niya sa akin.

"Ayaw ko din noh,havaianas kaya ito.",sagot ko.

Nang hindi niya iyon masindihan ay bumalik na siya sa kanyang dating pwesto.Umupo ulit siya.Tungga ulit hanggang sa maya't- maya pa ay humiga na siya.

"Jad,bangon..madami pa oh.",sabi ko patungkol sa alak.

"Ayaw ko na.",maikling sagot niya.

Nang tingnan ko ang oras sa cp ko ay pasado alas-otso na ng gabi.

"Bakit Carlo,uuwi ka na ba?dito ka muna,dito muna tayo...samahan mo muna ako.",ang narinig kong sinabi sa akin ni Jad.Noon ay may napansin akong kakaiba sa kanya.Madalas ang pagbuntong-hininga niya at bawat buntong hininga na pinakakawalan niya ay ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya.Subalit hindi ko na siya ulit tinanong tungkol doon dahil baka ayaw din naman niyang magsalita.Sandaling nanaig ang katahimikan hanggang sa narinig kong nagsalita si Jad.

"Ang gulo ng nangyayari sa pamilya namin ngayon Carlo.Parang hindi ko na kaya.",sabi niya.

"Bakit Jad,ano bang nangyayari?anu bang problema?sabihin mo sa akin...nandito lang ako.",sabi ko at noo'y hinawakan ko na ang kamay niya bilang pagpaparamdam ng simpatiya.Dahil dun ay tila nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin sa akin ang kanyang problema.

"Wasak na ang pamilya namin.Si Papa mayroon nang ibang kinakasama dito ngayon at maging si Mama sa Pinas ay mayroon ding ibang kinakasama.Yung ate ko na nasa Pinas din ay buntis sa ngayon at hindi siya pinanagutan ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya.Ang hirap Carlo.Napakahirap tanggapin ang mga nangyayari sa pamilya namin.Kaya ayaw kong tumira sa bahay namin dito dahil may ibang babaeng kinakasama doon si Papa.Sinusuportahan naman niya kami pagdating sa pera,kaming dalawa ng ate ko pero aanhin ko naman ang pera kung hindi naman buo ang pamilya.Gusto ko na mabuo ulit ang pamilya namin pero hindi ko alam kung papaano mangyayari iyon dahil parang napaka-imposible na.",ganito ang mahabang kwento noon ni Jad sa akin.

Nang tingnan ko siya ay nakita kong muli ang pagkislap ng luha sa mga mata niya.Maging ako ay naiiyak na din ng mga sandaling iyon.Nakahiga siya noon at ako naman ay nakaupo.Marahan kong pinunas ang luha na umagos sa pisngi niya.Hindi ko din alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya noon.Hinawakan ko lamang ng mahigpit ang kanyang kamay dahil iyon lang ang tanging paraang alam ko para iparamdam sa kanya na nandito lang akong karamay niya at hinding-hindi ko siya iiwan.

"Kaya mo yan,kaya natin 'to.Magpakatatag ka,nandito lang ako Jad.",ang sa wakas ay naisatinig ko nang maramdmaan ko ang pagyugyog ng kanyang balikat dahil sa pag-iyak.Hindi ko na din napigilan ang pag-agos ng luha ko dahil nadadala na akon nun sa pag-iyak ni Jad at naaawa na ako sa kanya dahil sa nalaman kong bigat pala ng dinadala niyang problema.Noon ko unang nakita na umiyak si Jad.Napaka-masayahin niyang tao pero iyakin din pala.Noon nga ay naisip ko din na totoo nga yata yung sinasabi nila na kung sino daw yung mga masayahing tao ay sila daw yung madaming itinatagong lungkot at noon ko din naisip ang lungkot na itinatago ko sa sarili ko.Ang kalagayan ko sa pamilya namin na hindi alam ang tunay kong pagkatao.Na pilit ko iyong itinatago dahil alam kong kukutyain at itatakwil ako ng relihiyosong pamilya ko kapag nalaman iyon.Alam kong ganun din si Jad.Pareho kaming discreet.Hindi ko na lamang sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon dahil alam kong makakadagdag lamang iyon sa mga iniisip niya.Inawat ko na lamang siya noon sa knayang pag-iyak hanggang sa tumahan din siya.

"Oh,Jad alak pa.",biro ko pa sa kanya noon at nagawa na din niyang ngumiti ng bahagya.Pagkatapos ay umupo na siya at kagaya ng paborito niyang gawin ay umakbay na naman siya sa akin.

"Carlo salamat ha,salamat na nandito ka.Ikaw na lang ang dahilan kung bakit masaya ako sa buhay ko ngayon.Ikaw ang nagpapatatag sa akin.Hindi ko alam kung kakayanin ko pang harapin ang buhay kapag pati ikaw ay nawala.",sabi ni Jad habang nakaakbay parin sa akin.Noon ay pinahid ko muna ang nangingilid na naman niyang luha bago ako nagsalita.

"Hinding-hindi kita iiwan Jad,pangako yan",sabi ko sa kanya.

"Ako din Carlo,hinding-hindi kita iiwan.Mangyayari lamang sigurong iwan kita kapag namatay na ako.",iyon ang sinabi ni Jad na nagpatindig sa balahibo ko lalo pa't pagkabigkas niya ng salitang mamatay ay siya namang mabilis na pagaspas ng isang malaking itim na ibon sa harapan namin.Kinilabutan ako noon.Natakot ako kaya pinagalitan ko si Jad at sinabi kong bawiin niya yung sinabi niyang iyon.

"Anu ka ba,joke lang yun.",sabi lang niya.

Natakot talaga ako noon sa biglaang pagsulpot ng ibon na iyon.Lalo pa't noong lingunin ko ang paligid ay madilim at kaming dalawa lang ang nandoon.Hiningi ko nun kay Jad yung lighter.Tumayo ako at sinindihan yung kanina'y hindi niya masindi-sindihang tumpok ng pirasong mga kahoy na nasa harapan namin.Naisip kong ibuhos doon yung natitirang alak at pagkatapos kong sindihan ay pinatungan ko pa ng nalagas na tuyong dahon ng niyog.

"Oh,di ba ang galing ko.",pagyayabang ko pa kay Jad noong pagbalik ko sa kinauupuan namin.

Hindi niya ako tinugon ng salita bagkus ay kakaibang titig ang ipinukol niya sa akin at muli niya akong inakbayan.Maya't-maya ay nagsalita siya.

"Carlo,salamat at nakilala kita.",sambit niya.

"Ako din Jad,nagpapasalamat din ako na dumating ka sa buhay ko.",sagot ko at noo'y isinandal ko ang ulo ko sa kaliwang balikat niya.Noon ay masaya naming binalikan yung unang gabi na nagkita kami,kug paano kami nagkakilala.

"Natatandaan mo yung unang gabi na nagkkita tayo sa night market,yung nasagi ko yung manibela ng bisikleta mo?,sinadya ko yun noon kasi napansin ko yung pagsulayap-sulyap mo sa akin kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkakilala sana tayo kaso maging ako ay natorpe na din matapos kong sagiin yung manibela ng bike mo at nginitian mo ako.Para akong natinag kaya kaagad din akong umalis noon at hindi na tayo nagkakilala.",pagtatapat sa akin ni Jad noon.

"Tapos noong sumunod na linggo ay dun na tayo nagkakilala.",dagdag ko naman.Pagkatapos ay dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at pinatugtog ko yung kantang "IKAW AT AKO".Habang pinapakinggan namin iyon ay lalo pang humigpit ang pagyakap ni Jad sa akin.Hanggang sa hinaplos ng kanyang kanang kamay ang mukha ko.Nagkatitigan kami.Parehong nangungusap ang mga namin noong sandaling iyon.Humarap si Jad sa akin at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.Animo'y may dumaloy na napakalakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko nang dampian niya ako ng halik sa labi ko.Yung damping halik na iyon ay naging maalab.Kasabay ng aming aming pagkadarang ang siya ding pag-alab ng apoy mula sa bonefire na aking sinindihan.Naging mapusok ang gabing iyon at iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nangyari sa amin ni Jad.Alam kong kasalanan iyon subalit hindi ako nakaramdam ng pagsisisi dahil noon ay mahal na mahal ko na si Jad.

May ngiti sa mga labi namin ni Jad noong matapos kami.Nakahiga parin kami noon sa dalampsigan.Sa loob ng malaking puso na nakaguhit sa buhangin.Nakapatong ang ulo ko sa tiyan ni Jad habang hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.Para kaming nag-istar gazing nun.Nakatingin kami sa kalangitan.

"Carlo,kapag dumating man ang time na mawala ako,tumingin ka lang sa langit.Hanapin mo yung pinakaningning na tala at isipin mo lang na ako iyon,nakangiting nakatingin sayo.",ganito ang sabi ni Jad noon.

"Ayan ka na naman Jad,huwag ka ngang nagsasalita ng mga ganyan.",awat ko sa kanya dahil sa totoo lang ay kinikilabutan ako noon sa sinasabi niyang iyon.Hindi siya nagsalita noon at muli niya akong ikinulong sa mga braso niya.Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.Hanggang sa yayain ko na siyang umuwi na.Gumagabi na kasi at nagugutom na din ako.Medyo nawala na din ang tama ng alak na nainom namin.Nag-ayos na kami noon at kinuha ko muna yung nilabhan kong trunks niya at boxers ko na ibinilad ko sa batuhan bago namin tinungo yung kinaroroonan ng mga gamit namin.

Sasakay na sana ako noon sa king bisikleta nang inawat ako ni Jad.

"Carlo,sandali...subukan nga natin magpalit ng bisikleta.",ang sabi niya.

"Ha,bakit?",may pagtataka sa tinig kong tinanong siya.

"Wala lang,para naman maiba.",sabi niya at noon ay nagpalit nga kamin ng bisikleta.

Bago kami tuluyang umalis doon ay isa munang halik sa labi ang idinampi sa akin ni Jad.

"I love you",sabi niya sa napakalamyos na tinig.

"I love you too.",tugon ko naman.Nagsimula nga kaming pumayak pauwi at kahit noong nakasakay na kami ng bisikleta ay napaka-sweet parin namin.Magkahawak-kamay kami at halos mabali nmn ang leeg ng mga mangilan-ngilang driver ng kotse na dumaraan doon at napapatingin sa amin.Yung iba ay binubusinahan kami kapag ganung medyo naiiba kami ng lane dahil nga sa pagkaakbay namin noon.Bumitaw lang kami sa pagkakahawak ng kamay noong malapit na kami sa parte ng kalsadang palusong.

"Oh,Jad dahan-dahan lang ha?",sabi ko noong makita ko na tila excited pa si Jad na bagtasin ang palusong na bahagi ng kalsadang iyon.Sa baba kasi ay may crossing at stoplight.

Nauna nga siya at nahuli ako dahil alalay lang ako sa preno ng bisikleta noon.

"Mauna na ako Carlo.",ang isinigaw ni Jad na siyang umalingawngaw sa tenga ko.Kasabay nun ang mabilis na pag padyak sa bisikleta pababa at pagkatapos niyang isigaw iyon ay ako naman ang napasigaw ng malakas nang makita kong nag-signal ang traffic light sa direksiyon namin at nakita ko din ang isang humaharurot na kotse sa crossing pero hindi iyon napansin ni Jad at sa sobrang bilis ng bisikleta nya ay dire-diretso parin siya hanggang sa....................................................................................

BRRRAAAAAAAAAAAGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Napasigaw ako ng malakas na may kasamang pag-iyak nang makita kong sinalpok ng kotse si Jad at tumilapon at bumulagta siya sa kalsada.Mabilis akong bumaba sa aking bisikleta noon at kaagad ko siyang nilapitan.Lumakas ang pag-iyak ko nang makita kong duguan at walang malay si Jad.

HELPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!,sigaw ko pa noong lumabas sa kotse ang driver ng kotseng nakabunggo kay Jad.

Tarantang bumaba ang lalaking driver.Sinisigawan ko na siya noon.May tinatawagan siya sa kanyang cellphone at hindi ko alam kung police o ambulasiya nga iyon.Hindi ko na matiis na tingnan si Jad sa ganung ayos noon.Alam kong buhay pa siya noon.Inawat ako ng lalaki noong buhatin ko si Jad at pilit na isinasakay sa kanyang kotse para dalhin namin siya sa ospital.Hindi kami magkaintindihan noon.Hindi ko na alam ang gagawin ko noon.Humahagulgol na ako sa pag-iyak at parang nanghina na rin ako sa nakita kong sinapit ni Jad.

Maya't-maya ay may dumating nang mga police at ambulansiya.Wala na akong pakialam sa mga gamit namin na naiwan doon.Sumama ako sa loob nang isinakay si Jad at iyak parin ako ng iyak.Gusto kong yakapin si Jad noon pero inaawat ako ng mga kasama kong nandoon.Pagdating namin sa ospital ay kaagad na dinala si Jad sa emergency room.Parang wala na ako sa aking katinuan noong mga sandaling iyon.Lupaypay ang balikat ko na nakaupo sa sahig.Wala akong tigil sa pag-iyak.Hanggang sa lumabas ang doktor at umiling-iling siya.Kasunod nun ay pagsabi niyang wala na si Jad,na patay na siya.Lalo pa ngang lumakas ang pag-iyak ko.Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit sa sobrang bigat at sakit ng naramdaman ko ng mga sandaling iyon.

Hindi parin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.Tinawag ako sa information at doon ay tinanong ako kung kaanu-ano ko si Jad.Hindi ko maaaring sabihin na boyfriend ko siya kaya sinabi kong magkaibigan kami.Hindi ko alam kung papaano ko ipapaalam sa pamilya ni Jad ang trahedyang sinapit niya lalo pa't hindi rin nila ako kilala.Kaya hinayaan ko na lamang na ang ospital ang nagpaalam nun sa kanila sa pamamagitan ng mga impormasyon nakuha sa wallet at mga number sa cp ni Jad.

Dumating nga sa ospital ang Papa ni Jad at tinanong niya ako tungkol sa nangyari sa anak niya.Nakakapagsalita siya ng tagalog kung kaya naikwento ko sa kanya ang buong pangyayari habang iyak parin ako nang iyak noon.Natakot din ako noon dahil baka sisihin niya ako pero naging maayos naman ang pakikipag-usap niya sa akin.Sumunod na din doon yung driver ng kotseng nakabunggo kay Jad at maging siya ay nagpaliwanag din.Wala naman kasalanan yung driver.Sinabi din niya noon na nasa loob daw ng kotse niya yung mga gamit na naiwan namin sa pinangyarihan ng aksidente.Pati yung bisikletang isa ay isinakay din daw niya.Iniwan na lang daw niya yung isang bisikleta dahil nasira at nayupi na sa pagkakabunggo.Nangingilid noon ang luha ng Papa ni Jad at halatang pinipigilan niya ang umiyak.Dinala na noon sa punerarya ang bangkay ni Jad.Sumama pa kami noon at pagkatapos ay dinala muna ako ng Papa ni Jad sa kanyang bahay.Wala siyang imik noon hanggang sa nakita kong mula sa kanyang mga mata ay nakita kong umagos ang kanyang luha.Duguan ang damit ko noon kaya noong makarating kami sa kanyang bahay ay binigyan niya ako ng damit at pinagbihis ako.Pagkatapos ay tinanong niya kung saan ang company ko at inihatid nga niya ako pauwi.bago ako bumaba ay kinuha pa niya noon ang cp number ko.

Napakasakit tanggapin ng nangyari.Napakahirap pigilan ang pagpatak ng luha ko kaya habang nasa loob ako ng kotse ng Papa ni Jad ay umiiyak parin ako.Nang makarating ako ng dorm ay mabilis kong tinungo ang aking kwarto at nagkulong ako.Wala akong lakas ng loob na magkwento,maging kay Enzo na siyang pinaka-close ko doon.Hindi ako pumasok ng trabaho kinabukasan.Hindi din ako lumabas ng kwarto dahil mugto ang mga mata ko.

Noong sumunod na araw ay tinawagan ako ng Papa ni Jad at pinapupunta niya ako sa bahay nila.Nakaburol na daw noon si Jad doon sa bahay ng Papa niya.Dumating din daw ang Mama at yung kapatid ni Jad at gusto nila akong makausap.Hindi nga ulit ako pumasok sa trabaho at pumunta ako sa burol ni Jad.Habang nagkukwento ako ay umiiyak na naman ako.Niyakap ako ng Mama ni Jad matapos kong ikwento ang buong pangyayari at maging ang tungkol sa naging relasyon namin ng anak niya ay ikinwento ko na rin.Isang linggong nakaburol si Jad doon at sa loob ng isang linggo ay dalawang beses lamang akong pumasok sa trabaho.Alam kong nagtataka na noon ang mga kasama ko lalo na si Enzo.Pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil ayaw kong ako ang maging sentro ng usapan kapag nalaman nila iyon.Napapansin lamang nila na palaging mugto ang mga mata ko.Hanggang sa isang gabi ay kinatok ako ni Enzo sa aking kwarto at kinausap ako.Noon ay hindi ko na nagawa pang itanggi sa kanya ang nangyari at sinabi kong huwag niyang sasabihin sa iba ang tungkol sa bagay na iyon.Ramdam ko ang awa at simpatiya sa akin ni Enzo noong mga panahong iyon.Tanging siya lang din ang nasasandalan ko.

Hanggang sa dumating na ang araw ng libing ni Jad.Pumunta ako noon at isinama ko si Enzo.Nakita niya kung papaano ako umiyak noon.Pagkatapos ng libing ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Jad.Niyakap ulit ako ng Mama niya at maging ang ate niya ay yumakap din sa akin noon.Nahihiya man akong hingiin ang bisikleta ni Jad noon pero nagawa ko pa ring sabihin iyon sa Mama niya at noon ay wala naman siyang atubili na ibinigay sa akin yun matapos pahintulutan din ng Papa ni Jad.Naisip ko lang kasi na iyon na lang ang tanging alaala ko sa kanya maliban sa kwintas na ibinigay nya sakin noon.

Hindi muna kami umuwi ni Enzo noon.Nagpasama ako sa kanya sa dagat na huli naming pinuntahan ni Jad.Doon ay tone-toneladang luha na naman ang ibinuhos ko at doon ay nagsisigaw-sigaw ako.Si Enzo ang saksi kung gaano kasakit ng pinagdadaanan ko noon at kung gaano kahirap tanggapin iyon.Naninikip ang dibdib ko noong naaalala ko yung mga araw na masaya kaming magkasama.Lalo na yung huling araw na magkasama kami.Yung mga pangalan namin na nakaukit sa puno ng niyog.Pati yung bakas ng malaking puso na iginuhit niya sa buhangin ay nandoon parin noon.Yung mga tawa niya na parang umaalingawngaw parin sa paligid.Napakasakit ng nangyari.Pakiramdam ko ay gusto ko na din mamatay noong mga panahong naghihirap ang kalooban ko.Pero si Enzo ang nagpapatatag sa akin at walang sawang dinadamayan ako.

Lumipas pa ang isang araw at hindi ko na talaga kinaya ang magtrabaho at manatili pa sa Taiwan.Nagpaalam na akong umuwi na.Nag-break contract ako.Napaiyak din si Enzo nang inihatid niya ako sa airport.Pero kahit noong mga huling sandaling magkasama kami ay panay parin ang pagpapaalala niya sa akin na magpakatatag ako.

Nakauwi ako ng Pinas at noo'y nagulat ang mga magulang at kapatid ko.Pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan ng biglaang pag-uwi ko.Hanggang doon ay halos gabi-gabi parin ako umiiyak kapag naaalala ko si Jad.Lalo na noong makaraan ng dalawang linggo ay dumating ang package ko na naglalaman ng bisikleta ni Jad.

Hanggang sa lumipas ang ilang araw ay unti-unti ko na ding natatanggap ang nangyari sa amin ni Jad.Ang paghihiwalay namin.Kapag ganun na namimiss ko siya ay ginagawa ko ang noo'y sinabi niya na kapag dumating ang araw na mawawa siya ay tumingin lang ako sa langit at hanapin ang pinaka-ningning na tala,isipin kong siya iyon na nakangiting nakatingin sa akin.

Si Jad ang unang lalaking minahal ko.Masakit,masaya at malungkot ang lovestory namin.Ang pag-iibigan namin marahil ang pinaka-maikli pero sa loob ng maikling panahon na iyon ay naranasan kong magmahal ng totoo at mahalin ng totoo at tinanggap ng buong buo ng taong minahal ko.

Bisikleta ang nag-ugnay sa amin ni Jad para magkatagpo subalit ang bisikleta ding iyon ay naging dahilan ng paghihiwalay namin.

Ang pag-iibigan namin ay maihahalintulad sa isang bisikleta.Nabutas man ang gulong nito at hindi nagawang magpatuloy sa paglalakbay,pero ang mga ala-alang iniwan nito ay mananatili dito sa PUSO ko.....*WAKAS* salamat po sa lahat ng sumubaybay... :) pls visit these links to listen to this story's theme song>>>>>>>>>>>>> http://www.youtube.com/watch?v=3v0th8c25JM & http://www.youtube.com/watch?v=3xQvYmOtqLY ,,, please visit also my facebook ang feel free to give me feedbacks regarding my story.. thanks! https://www.facebook.com/marvin.mendoza.121?ref=tn_tnmn

BISIKLETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon