Chapter 25 - Ate Sofia, My Christmas Show Savior

3.8K 59 4
                                    

MIA'S POV

Pasukan nanaman at tambak-tambak nanaman ang mga outputs dito, activities doon. Sana naman po bigyan niyo po kami ng uno at hindi singko o tres, nakaka-BV kasi eh. Naghihirap kami tapos ang katumbas ng hirap namin ay ganun lang? Konting taas naman jan, Prof. Tanghali na akong dumating sa school. SInalubong ako nina Kyle at Pau sa covered walk, sinabihan ko kasi sila. Mga kapwang late din kasi. Habang naglalakad kami papuntang library dahil tutulungan naming gumawa ng thesis si Kyle.

"Alam mo Kyle, hanggang ngayon ang hina-hina mo talaga. Bakit kasi sa gitna pa ng 1st sem ka pumasok. Pwede namang 2nd sem ka nalang para hindi ka mabigyan ng extra work"

Reklamo ni Pau habang naghahanap kami ng libro.

"Malay ko ba na uuwi kami dito sa pilipinas, hindi ko naman alam no! Alam mo ikaw Pau, nahahalata ko na talaga na parang may tinatago kang kulo diyan eh"

"KULO? Please, intindihin mo sana na nilagay ko na po sa thermos ang ininit kong dugo ko. Parang kinakaibigan mo lang kami kasi may kailangan ka eh"

"Grabe ka naman Pau Hindi naman ganun si Kyle"

"Grabe ka talaga Pau! Inggit ka lang kasi lahat ng babae dito sa school nabibighani sa kagwapuhan kong to, kasi sila pinapansin ko, ikaw HINDI!"

"ABA! Sumusobra kana ah!"

"hep, hep! Tama na tama. May nakita na akong libro"

Umupo kami sa upuan at nagbabangayan parin si Pau at Kyle pero dinadaan nalang ito sa pagbubulungan! Nakaka-irita, araw-araw nalang kasi nag-aaway itong dalawang to. Si Pau palaban kahit babae, eto namang si Kyle hindi magpapatalo pati babae papatulan. One day nga sa sobrang pagtataka ko kung lumiko ang landas ni Kyle tinanong ko siya kung bakla siya , suntok ang sagot niya sa akin. Hindi naman masyadong masakit pero napatunayan niya na hindi siya bakla.

"Ikaw mukha mo parang unggoy!"

"Ako unggoy? Eh ikaw ano ka?"

"Syempre gwapong unggoy"

"Napaka-feeler mo talaga! BADING!"

"ISA PA PAU!"

"BADING BADING!"

Naalala ko naman ang bading na word. Sa tuwing naririnig ko yan, naalala ko ang first kiss ko na inagaw ni Terrence. Hindi naman sa nagre-reklamo ako o pumipili ng first kiss eh, bakit inagaw niya? Sa murang edad ko pa! -___-"

"SHUT UP!"

Saway ko sa kanilang dalawa. Tumahimik naman sila at parang supremo talaga ang dating ko. Nilakihan ko sila ng mata ko at mukhang galit na galit ako. Haaaay, sarap pagtripan ang mga best friends ko. Yep! Guy bestfriend ko si Kyle. Agree naman dun si Pau kahit na nag-babangayan sila palagi.

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon