Hindi Ako Manhid

238 9 6
                                    

Anu ba ang dapat kong gawin para lang lubayan mo ako ? Kahit na pinagtutulakan na kita at pinapahiya sa harapan ng maraming tao hindi ka pa rin tumitigil , Anu ba anh kailangan kong gawin para layuan mo na ako ? =__________=

Ako Si Edwin Alvarez , 4rth yr, High school student, Gwapo, Maputi, Mayaman,Basagulero at Cold Prince yun ang sabi nila sa aken ? Who cares ? as if naman na dadamdamin ko yang mga sinasabe nila sa aken Tss, May isa akong so called stalker dahil sa lahat ng oras,araw ay lagi syang nakabuntot sa aken, Ang kulit nga nya eh! kapag kinakausap ko sya lumalapad na kagad ang mga ngiti nya na parang bata na binigyan ng Candy -_-

NagLalakad ako ngayon sa corridor mag isa , Well wala akong medyo kaClose dito sa school dahil nga basagulero ako at Cold ako sa kanila kaya walang gustong makipagClose sa aken baka daw natatakot sila sa aken

"EDWIINNN!!!"
Pero ibahin mo ang isang babae na to

Lumingon lang ako sa kanya ng nakapamulsa

"..."

"Look oh! May dala akong Lunch for you ^______^"
Ngumiti naman sya ng napakalapad saka nya inabot yung blue lunch box

Sya si Allison Martinez ang nagiisang kumakausap at lumalapit sa aken kahit na pinagtatabuyan ko pa sya

"Thanks..."
Inabot ko na yung lunch box na blue na hawak nya at nakita ko naman na ang itsura nya ay nagbago naging ganto na ---> *O*

Naglakad na ulit ako papunta sa room ko habang bitbit ko yung lunch box nya

Nung uwian na ay may nakita akong isa babae na may kasamang dalawan lalake na parang pinipilit neto na pasamahin sya , Dahil sa likas na mabait pa rin ako at may konsensya pa naman pumunta ako dun sa madilim na part ng school na kung saan ay nandun yung babae na pilit na hinahatak ng lalake

Tumakbo kagad ako at agd silang nilapitan

"HOOYYY!!! BITIWAN NYO SYA!"
Napatingin naman sa aken yung dalawang lalake

"Pare wag kang makialam , kung ayaw mong masaktan umuwi ka na lang"

NagSmirk lang ako sa kanila sa kanila, tinignan ko naman yung babae sa gilid umiiyak sya

"Pano pag ayaw ko?"

"Abat---"

*Boogsshhh*

Pinagsusuntok ko kagad yung lalake at hindi ko na initay yung sasabihin nya , Nang mapatumba ko naman yung isang lalakeng Patpatin ay bigla namang tumakbo yung kasama nya na parang natakot ata

Hindi ko na hinabol yung lalake dahil pinuntahan ko na lang yung babaeng kanina pa umiiyak

"Miss,Are you Okay?"

Tumingin sa aken sya sa aken at nagulat ako sa nakita ko maski na rin sya , Si...Si Allison

Nagnod lang sya sa aken atsaka nya ako niyakap

"T-thank you..."
Mahina nyang sabe pero sapat na yun para marinig ko

Iniuwi ko na sya sa kanila pagkatapos nun ay umuwi na rin ako sa bahay , hindi naman ako nagkaroon ng pasa sa nangyari kanina kaya hindi nasira yung gwapo kong mukha

Mabilis na lumipas yung mga araw , Gaya pa rin ng dati magisa lang ako laging kumakain at si Allison lagi nya akong dinadalhan ng Lunch ,Nahihiya na nga ako sa kanya minsan eh! Kaya kung minsan hindi ko tinatanggap yung binibigay nya sa aken pero mapilit talaga sya kaya No Choice ako para kunin yun

Nandito na ako ngayon sa garden kasama si Allison , Hinatak nya ako bigla eh! May sasabihin daw sya aken na importante kaya kame nandito

"Hmm... Ano ba yung sasabihin m sa aken?"
Umupo ako ng maayos sa tapat ni Allison

"Edwin...Ma...Mahal kita"

Whattt? Ako Mahal nya ?

"..."

"Matagal na kitang mahal pero nahihiya lang ako na sabihin sayo ito..."

Yumuko naman sya na parang nahihiya

"I-Im Sorry..."
Tumayo na ako at nagumpisa ng maglakad

"O-Okay lang *sniff* kahit na hindi mo ko mahal , Expected ko na rin naman to eh! *sniff*"

Sh*t umiiyak sya ng dahil sa aken ?

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso , Huh? Anung nangyayari sa aken? Bakit feeling ko nasasaktan ako ?

Naglakad lang ako ng naglakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta , Para ba kasing naguguluhan yung isip ko

Lumipas ang isang buwan na ganon pa rin ang nangyayari sa amen dalawa ni Allison lagi nya pa rin akong dinadalhan ng lunch at sinasabihan na Mahal nya ako , Hindi ko alam kung ano ba ang Trip nya sa buhay at lage syang nasatabi ko :3 , AT Hindi ko rin alam kung ano na ba ang nangyayari sa aken ?

Dahil kapag kasama ko sya ang saya-saya ko at nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko , Feeling ko rin wala akong dinadamang sakit!

Di kaya nahuhulog na rin ako sa kanya dahil sa ginagawa nya , Mahal ko na ba sya? Pero hindi to pwede!

Hindi ko sya pwedeng mahalin dahil kapag nalaman nya ang tungkol sa aken... alam kong...masasaktan lang sya , What to do ?

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Maaga akong gumising ngayong araw na ito dahil makikipag kita ako ngayon kay allison at sasabihin ko na sa kanya ang lahat

*Fast Forward*

"Pwede bang lumayo kana sa aken?" Sabe ko kay Allison

"P-Pero bakit...?"
Nakita ko naman na lumongkot yung mukha nya at parang iiyak na sya?

"Basta lumayo ka na sa aken!"

"Bakit ? Nakukulitan ka na ba sa aken ?"

"..."

"Mahal kita Edwin pano ako lalayo sayo ha?"

"Please...Layuan mo na ako..."

"Ang Manhid mo talaga! BAT BA ANG MANHID MO HA? Hindi mo ba na-aapreciate yung ginagawa ko sayo?"

Naa-apreciate ko Allison... Naa-apreciate ko lahat ng ginagawa mo sa aken dahil dun lagi mo kong napapangiti

"Pero kung sabagay paano mo nga ba naman maa-apreciate yung pinapakita at ginagawa ko sayong pagaalaga at pagaasikaso kung Manhid ka!"

"Mahal kita Allison pero...Hindi tama to"

Natigilan naman sandali si Allison sa pagiyak at tumingin sa aken

"T-Talaga Mahal mo ako?"

"Ou Mahal kita..."
Hindi ako makatingin sa mga mata ni Allison dahil nahihiya ako sa kanya

"Eh!Mahal mo naman pala ako edwin ah! pero nakit hindi pwede?"

"Basta...Hindi maiintindihan yun at ayaw kong masaktan ka..."

"G-Ganun ba...?"
Nagnod na lang ako sa kanya

"Sige kung yan ang gusto mo..."

Tumalikod na at nagumpisa ng maglakad si Allison papalayo sa aken...
I'm Sorry Allison alam kong mas nakakabuti tong ginawa ko para sayo nang hindi ka masaktan ng sobra Tandaan mo... Hindi ako Manhid Allison , Mahal kita Allison...Mahal na Mahal pero kailangan kong gawin to dahil ayaw kong masaktan ka kapag nalaman mong may cancer ako at di na ako magtatagal sa mundong ito , Im Sorry... Maintindihan mo sana...


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KYAAAAHHHH~ Baket ganern? Ambilis naman matapos ng Story ko huhuhu :( Nwy, Sino gustong mabasa yung full story neto? Comment na lang po :* Kapag maraming nanghingi ng full story talaga ng Hindi Ako Manhid gagawin ko po talaga yun promise :*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------



-Trunkxiee

Hindi ako ManhidWhere stories live. Discover now