AGAD na isinugod si Sarah sa ospital nila Dion. Walang patid ang pagluha niya. Hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanya ang pinakamamahal niya. Baka ikamatay niya. Sarah was shot three times. He saw it with his own eyes. Tinawagan na rin ni Dion ang Tita nito. Nanghihinang napasalampak siya sa labas ng operating room. He pulled his knees to his chest and cried.
Lumuhod sa harap niya ang ina niya at niyakap siya. "Everything is going to be alright, my son. Hindi ka iiwan ni Sarah. I saw how she protected you. She loves you so much. Hindi siya bibitaw sa pangako niya."
He cried harder. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin, Ma. Siya lang ang babaeng minahal ko buong buhay ko. Baka ikamatay ko kung mawawala siya sa akin." tinakpan niya ng palad niya ang mukha niya.
His mom cupped is face. "Listen, son. Hindi mawawala si Sarah. Hindi ka niya iiwan."
"Tama ang sabi ng ina mo, Brett. Hindi ka iiwan ni Sarah. Mabait na bata si Sarah. Malakas siya. Nasaksak na nga siya eh. Meron yatang agimat ang batang iyan." malungkot na ngumiti ito. "Paggising niya.. wag mo na siyang pakawalan."
Umiling siya. "Hinding hindi ko na siya pakakawalan. Call me selfish pero akin lang siya. Lahat gagawin ko para maging masaya siya, Pa! Papaligayahin ko si Sarah. She deserves it all."
Ngumiti ang ama niya at tinapik siya sa balikat. "Yan ang anak ko. Isa ka ngang Arana. Hindi sumusuko."
Napatingin siya sa pintuan ng operating room. Si Dion na mismo ang nago-opera ngayon kay Sarah. Bumuntung-hininga siya. Inabutan siya ng Tita ni Sarah ng tubig. Napatingala siya rito. "Tita.."
Malungkot na ngumiti ito. "Kung sisisihin mo ang sarili mo dahil sa nangyari.. nagkakamali ka, hijo. Wala kang kasalanan." umupo ito sa tabi niya. "Yang si Sarah.. kapag nagmahal sisiguraduhin niyang nasa mabuting kalagayan ang mahal niya. Katulad ng sa ama niya. Sa totoo lang halos wala nang binayaran ang ama niya sa tuition niya dahil nagtrabaho si Sarah sa convenience store bilang cashier sa madaling araw at janitor sa isang mall sa hapon para siya na ang magbayad ng tuition niya. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Kaya lagi siyang pagod tuwing uuwi siya ng bahay. Nagtaka rin ang ama niya dahil namurahan ito sa tuition niya. Alam kasi ng ama niya na mahal ang tuition kapag medical course kaya nagpunta ito sa school ni Sarah at nagtanong nung magbabayad na sana siya. Sinabi naman ng cashier na fully paid na raw si Sarah. Doon na nagtaka ang ama niya. Ni minsan hindi mo narinig si Sarah na magreklamong pagod siya o kaya naman ay tinatamad siya." malungkot na ngumiti ito. "Matatag na bata si Sarah, Brett anak. Hindi ka niya iiwan. Mahal na mahal ka niya kaya hindi niya hinayaang may mangyaring masama sa iyo." hinawakan nito ang kamay niya. "Alagaan mong mabuti si Sarah, Brett anak. Siya na lang ang pamilya ko."
He squeezed her hand. "Aalagaan ko ho siyang mabuti. Hinding hindi ko ho siya pababayaan."
HALOS tatlong oras rin silang naghintay sa labas ng OR nang lumabas si Dion. Agad niyang nilapitan ito.
"Kamusta na si Sarah?" kinakabahang tanong niya.
Inabot nito sa kanya ang mabigat na jacket na puno ng dugo. "Remembrance."
Napakunot ang noo niya. "What? Tell me what happened to her, Dion?!" hinaklit niya ang kuwelyo nito.
Dion chuckled. "She will be transferred sa private room sa 30th floor. Ako na ang bahala sa kanya. The operation went smoothly. Hintayin na lang natin siyang magising."
Nakahinga siya ng maluwag. "Fuck you, man! Pinakaba mo akong gago ka." sinapak niya ito sa braso.
Dion chuckled. "Dun na lang kayo maghintay sa room 3008."
Tumango siya at tinapik ito sa balikat. "Salamat, Di." Biglang nag-ring naman ang cellphone niya. "Hello?" it was Caleb ang head ng army.
"We already sent Jonalynne to an institution pero oras na gumaling siya ay ikukulong siya sa Correctional."
BINABASA MO ANG
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)
Romance"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko." Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pin...