a/n: hello,update ulet :”> pasensya, wala pa pala dito yung explanation kung bakit nakalimutan ni hyukkie yung mga pangyayari. Nag-iisip pa ako kung panong atake yung mangyayari. Kung mapapansin nyo kasi, yung sa ‘My HAEven on Earth’, ‘It’s Gotta Be HYUK’ at ‘MINutes with You’ puro POV ng bidang babae, nila Joonhee, Jae-eun at Sunhi. Ayokong magpasok ng ibang POV kaya nag-iisip pa ako kung paano malalaman ni Jae-eun yung dahilan nay un. XDD masyado bang mahaba? Sorry naman…
Ayan na, off to the story.
Don’t forget to vote and comment. Thank you~ ^^
---
Nagising na lang ako sa isang pamilyar na kwarto.
"Alam ko nakapunta na ako sa kwartong ito. Pero kanino nga ulit itong kwartong ito?" tanong ko sa sarili ko.
Biglang may pumasok sa pintuan at nakita ko si Donghae na patalon-talon na parang palaka.
"Uwaaa~ Gising ka na rin sa wakas... Ano bang nangyari sa'yo at naglasing ka kagabi?" tanong niya.
"A-ako? Naglasing?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi matandaan yung nangyari. Kaya siguro medyo masakit yung ulo ko.
"Oo kaya. Buti na lang nakita ka ni Eunhyuk at dinala ka dito. Nagpass out ka daw kasi habang nag-uusap kayong dalawa." paliwanag ni Donghae.
"N-Nag-pass out ako?" tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala.
"Oo nga. Kulet! Magpahinga ka na ulit. Iaakyat ko yung pagkain mo..." tapos akmang papunta na siya ng pintuan tapos nagulat ako nung harangan niya yung pinto tapos dahan-dahan niyang ni-lock tapos biglang u-mi-smirk sa akin.
"A-anong binabalak mo?" gulat kong tanong sa kanya.
Mygaaaaaaaas~ Lee Donghae! Ano ang pinaplano mo? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Wag ka ngang ngumiti ng ganyan kinikilabutan akoooooo~
Nakangiti pa rin siya at dahan-dahang lumalapit sa akin. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa kumot na nakatakip sa akin.
Please po Lord. Kung anumang iniisip ni Lee Donghae, sana wala iyong kinalaman sa akin. Mygaaaas~ Oo. Sige na po, aamin na ako. Mahal ko na po si Eunhyuk. Pero konti pa lang po yun. Please po... Si Eunhyuk na lang po. Hanggang friends lang po talaga ang tingin ko kay Lee Donghae... Pleaseeeee~
Nung nakalapit na siya sa akin, tinignan niya ako. Tapos kinapitan yung magkabilang balikat ko.
"A-Ano yun Lee Donghae?" mahinang tanong ko.
"Ikwento mo na sa akin yung nangyari nung gabing yun?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Lihim din akong natawa sa sarili ko.
Masyadong exxagerate yung naiisip ko. Mabuti na lang at hindi ganung tao si Donghae. Pero ano ba yung tinutukoy niya?
"Eh hindi ko nga maalala diba? Kasi nga lasing ako..." paliwanag ko.
"Hindi yung kagabi yung tinutukoy ko... Yung isang gabi pa..."
Napakunot yung ulo ko dahil iniisip ko kung ano yung tinutukoy niya. Para bang nabasa niya na hindi ko maintindihan yung sinasabi niya, "Yung sa practice room... Yung kayong dalawa ni Eunhyuk... Yung nag-over night kayong dalawa..." nung nasabi niya yun, yung ngiti niya naging abot sa magkabila niyang tenga.
"BALIW KA TALAGA LEE DONGHAE!" sigaw ko sabay batok sa kanya.
"Daliiii na kasiiiii! Sabi mo sa akin iku-kwento mo sa akin yun eh..." tapos nag-pout siya sa akin na para bang bata.

BINABASA MO ANG
Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*
FanficSide-story po ito ng 'My HAEven on Earth'.. Story ni Lee Jae-eun... request ng isang ELFriend na nakilala ko sa Wattpad... ^^ VOTE! MESSAGE! COMMENT! :)) PAYTEEENG!! XD ----------------------------------- Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit...