10. The Revelation (PART 2)

603 16 11
                                    

TAMMY'S POV

"Tammy. :'("- Rizza"

Opo. Nandito po ngayon sa bahay namin si Rizza. Dito na siya natulog eh. Ayaw daw niya kaseng makita siya ng mama niyang umiyak. Alam ko na yung nangyari sa kanila nila Patrick. Kahit ako, nalulungkot ako para kay Rizza. Mas matagal naman kasi sila nagsama ni Patrick bago ako dumating sa mga buhay nila. Nasa sala kami ngayon. Si kuya din kase, Nakikiadvice. 

"Ta-ta-tammy. Ang sa-sakit kase eh."- Rizza

Di siya makapagsalita ng ayos kasi nga umiiyak siya.

"Oh. Tubig muna."- Kuya Kyle

"Ku-kuya. May lumulutang eh. Ayoko po."- Rizza

"Tss. Comedy ka talaga kuya. -_- Sa kusina ka na nga."- Me

Rizza's POV

Umalis na yung kuya ni Tammy. Nag vibrate bigla yung cellphone ko.

_______________________________________________________________

FROM: BFF PAT! :")

Magkita naman tayo mamaya oh, sa dating tagpuan, 7 pm.

______________________________________________________________

Di ko pinansin yung text niya sakin. -_- Fvck him. >,< Napatingin naman sakin si Tammy.

"Si patrick ba yan??"-Tammy

Nag nod lang ako sakanya.

"Di mo ba rereplayan??"- Tammy

Humindi ako sa kanya. Yumuko ako dahil lumuluha nanaman ako. 

"Baket naman??"- Tammy

"Para san pa?? Sinaktan niya ko. Tama na yun. Hindi ka ba galit sa kanya? Niloko ka rin niya!"- Me

"Oo, naloko niya tayong lahat, Pero Rizza, hindi ako yung tipo nang taong nagtatanim ng galet. Hindi ako galet sa kanya kase alam kong may dahilan siya kung bakit niya nagawa satin yun. Isasakripisyo ba niya yung kasarian niya ng walang dahilan??"- Tammy

Di ko na siya nasagot dahil nag ring bigla yung cellphone ko. Si Patrick tumatawag.

"Sagutin mo na."- Tammy

Sinagot ko yung cellphone ko pero hindi ako umiimik.

"Ri-rizza. Pumunta ka sa playground ng 7 pm. Ipapaliwanag ko ang lahat..."- Pat

"Pano kung ayokong pumunta?? Pano kung mag suicide ako sa ginawa mo?? Pano pag nagpakasagasa ako dahil niloko mo ko??"- Me

"Magiintay ako..."- Pat

Binaba ko na yung phone. Tiningnan ako ni Tammy. 

"Pumunta ka dun..."- Tammy

"WHAT??! Kampi ka rin sa Patrick na yun??!"- Me

"Rizza, Wala akong kinakampihan sa inyo. Pero sana, bigyan mo rin ng chance si Patrick na magpaliwanag sayo. Kaya ka nga nasasaktan ngayon diba? Kase, napakahalaga ni Patrick sa buhay mo. Rizza, isipin mo din, kung nasasaktan ka, Ano pa kaya si Patrick?? Kaya, Pls. Pumunta ka dun. Para maayos niyo yung side niyo sa isa't isa. Di man bumalik yung Trust, atleast nawala lahat ng saket.."- Tammy

Tama naman si Tammy. Pero ang saket eh. T__________T GRABENG BUHAY TO! -________- 

"Samahan mo naman ako mamaya oh?"- Me

"Rizza, gustuhin ko man pero hindi pwede. Kayo kasi yung nagkakagulo eh, kaya gusto ko sana, kayo rin ang magusap para maayos niyo yan."- Tammy

...

My Boyfriend Gangster II (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon