For the who broke my heart,
Well, congratulations! You win. You achieved your goal. You hurted me. Damn you.
Its been a month, akala ko okay na ako. Akala lang pala. Actually idol nga kita eh, kasi parang wala lang sayo. Parang walang ako na dumating sa buhay mo. Turuan mo nga ako kung paano yan, para naman malimutan na rin kita.
Buti ka pa, kinabukasan meron agad na iba. Galeeeng. Dun ko narealize na baka di mo talaga ako minahal. Na hindi kita worth. Pinaniwala mo lang ako sa forever. Pwe!
Lagi mong sinasabi sakin na ang swerte ko kasi tanggap mo ako kahit ganto ako. Edi wow! Hindi mo lang ba narealize na swerte ka rin sana kasi tanggap rin kita kahit ganyan ka? Kahit ang bulakbol mo? Kahit pinag sisisihan kong nakilala kita, bakit andito ka pa rin? Bakit ang tagal mong umalis sa puso ko?
Sa tuwing may nababasa akong article ikaw agad naiisip ko. Destiny daw ang Libra at Gemini. Kapag daw sakto yung ring finger ng babae sa hinliliit ng lalaki meant to be daw. BULLSHIT! Tanga lang maniniwala sa ganto kasi naghiwalay naman tayo.
Sa isang buong buwan puro ganto nakikita ko. Sabi nga nila it take 15 months and 27 days to forget someone you love. Sige magmamarked down ako. Tingnan ko baka totoo to.
1 month ago kinalimutan kita. Tinanggal ko lahat ng mga bagay na mapagpapaalala sayo. Pero kanina nagkamali ako, i checked your twitter. Ang sakit. Napakasakit pa pala na makita kayong magkasama. Sabi ko nga bakit ko ba tiningnan yun? Nagpapakatanga na naman ba ako? Shit. Bakit ba kasi ako yung napili mong lokohin? Pwede namang ibang tao!
Pare parehas kayong mga lalaki. Nang iiwan, nanakit, demanding, maarte! Mas maarte pa kayo kesa samin. Mga letche.
Kahit pinangakuan mo akong babalik ka, wag na! Wag mo ng tuparin. Ako na nagsasabi wala ka ng babalikan. Kinamumuhian na kita. Sabihan mo akong bitter, who cares? Ang sakit lang kasi talaga ang maiwan at lokohin. Hindi mo naman kasi nararamdaman kung gaano kasakit.
Ang gwapo mo rin pala no? Daming nagkakadarapa kaya ang lakas mong mang iwan. PLAYBOY! Nakakainis. Naiinis ako sayo na kahit ganyan ka mahal pa rin kita. Gusto ko lang ilabas tong nasa loob ko kaya ko nagagawa to. Pero ito na yung last na iiyakan kita at iisipin kita. Kung pwede lang kita i-unlove eh. Sa ginawa mo wala na akong tiwala sa mga lalaki. Natuto na ko. Karma ko rin siguro to sa mga pinaggagagawa ko.
Inform lang kita ha. WHO YOU ka sakin pag nagkita tayong muli. Strangers forever, hindi tayo magiging friends. Tandaan mo yan!
BINABASA MO ANG
Para sa Taong Sinaktan ang Puso ko
RandomAng hirap pala talaga mag move on kahit na gustuhin mo, maaalala at maaalala mo pa rin siya dahil mahal/minahal mo siya. An open letter. p.s. pinersonal ko po ito. gusto ko lang maglabas ng hinanakit.