*Best Friend*
~~~~~
Lahat naman siguro tayo may bestfriend diba?
Pero maswerte ka nang maituturing kung lalaki ang bestfriend mo..
Bakit ko nasabi? Simple lang...
Kasi tignan na lang natin sa mga nagagawa nya,
ANDYAN SYA PAG KAILANGAN MO NG TULONG,
ANDYAN SYA PAG GUSTO MO NG MAKAKAUSAP,
At higit sa lahat...
ANDYAN SYA PAG MAY PROBLEMA KA.
Diba? Pero paano pala kung hindi na BESTFRIEND ang tingin mo sa kanya?
Yung tipong gusto mong LUMEVEL-UP yung relasyong meron kayo??
Pero mukhang malabo kasi diba nga bestfriends kayo eh hindi mo naman alam kung gusto ka rin nya.. Ay ibahin natin, kasi sigurado namang gusto ka nya eh. Sabihin na lang nating.. May pagtingin din kaya sya gaya ng pagtinging meron ka sa kanya?
Hmm malay natin..
Kaya naman, may pag-asa bang mahulog at main-love din sya sayo?
~~~~~
Lovely's POV:Ang hirap naman ng problema ko. Sa lahat ba naman kasi ng magugustuhan ko, bakit yung bestfriend ko pa? Ang problema pa nga dun ay may nililigawan na syang iba! *Sigh*
Ang hirap pa ng ganon, yung tipong sa akin sya nago-open up ng lahat.
"Ay naapakang palaka!" nagulat naman ako dito.
''Hahahha. Ang cute mo talaga'' sya yan sabay pintch pa sa pisngi ko. Of all the man in this world. -- My beloved bestfriend. Haaay.
"Bakit ba kasi nanggugulat ka?"
"Eh kasi naman po kanina ka pa nakatulala dyan, di mo man lang pinapansin 'tong gwapo sa harap mo." sabay pa cute pa.
He's really cute.. I can't deny it. Haay. Pls. Pls. naman Kupido oh, tamaan mo rin ang puso nya. Ang hirap kasi ng ako lang yung nagmamahal eh. Psh.
"San banda? Patingin nga. Hindi naman eh." I touched his cheeks then squeezed it.
"Wooh! Hindi mo lang matanggap na gwapo ang bestfriend mo."
Inasar ko na lang sya. "Hindi ka kaya gwapo."
(Kasi cute ka.) Mahina kong sabi.
"Ano sabi mo?? May narinig ako eh, pakilakas nga. Haha."
"Anong sinabi? Wala naman ah? Ang sabi ko hindi ka gwapo. Bleeeh!" at binelatan ko pa sya.
"Ah ganun ah? Lagot ka sakin" ayun tumayo sya.
At hinabol na nga ako at kiniliti.
"Omg! Stop na Brylle. Hahaha."
"If I don't? Sabihin mo muna yung binulong mo kanina."
Pipilitin talaga? Srsly?
"Anong bu-Haha. Bulong? Wala akong sinabi ha!"
"Wala daw. Edi mas lalo kitang kikilitiin."