HINDI AKO NERD! Period.

27 1 0
                                    

HINDI AKO NERD! Period.

written by: Ura_Leia

***

Prologue:

"Hoy nerd!" narinig kong tawag niya saakin.

Naiinis akong lumingon, "BAKIT MO BA AKO LAGING TINATAWAG NA NERD?!"

"Nakasalamin ka kasi eh." kinamot niya ang batok niya. 

Sinampal ko siya. Ahahaha. Joke lang =____= In my dreams. Baka mapunta ako sa guidance, "KAPAG BA NAKASALAMIN NERD NA KAAGAD? DI BA PWEDENG MALABO MUNA ANG MATA?!"

"Bakit ayaw mong magcontacts?" nakangising tanong niya. Lagi naman iyan ang tanong niya. 

"Pakealam mo ba?" =_____= Nakakainis talaga 'tong taong 'to!

Ngumiti naman siya ng malapad, "Bakit lagi kang nakatutok sa libro? Di'ba yung mga nerds ganun?"

Ehehehe. Nakakaasar 'tong taong 'to =_____= Teka, tao pa ba siya? Nginisian ko siya, "Nag-aaral ako ng mabuti para maging proud saakin ang parents ko. Eh ikaw? Hindi nga yata nagiging proud sa'yo mga magulang mo eh. Puro ka kasi pasakit sa ulo."

"Eh bakit ka naka-braces?" 

=______=+++++ "PWEDE BA?! Tumahimik ka na nga lang!" 

Tinalikuran ko na siya pero narinig ko siyang sumigaw,"Hoy nerd!"

Lumingon ako sa kaniya, "HINDI AKO NERD! Period."

Tumalikod ulit ako at naglakad ng tahimik.

***

Ako si Anxelli Caramel Esperone,15 years old at nasa 4th year high school. Ang palaging sumusunod saakin na malapit ko ng tawaging stalker ko (ay, asa naman ako) ay si Fear Deio Delsol, isa siya sa mga taong tumatawag saakin ng nerd. Marami nang estudyante sa pinapasukan ko ang tumatawag saakin ng nerd na dati ay hindi naman. Bakit? Siya ang pasimuno. Ano bang magagawa ko, anak siya ng may-ari ng school na pinapasukan ko.

He's annoying! No, very very very annoying! Kulang na lang tahiin ko yung bibig niya =____= Babaw ko ba? Hindi kaya! Bawat oras tatawagin kang nerd. Kulang na lang maging nerd ang pangalan mo.

Nag-iba ang tingin ko sa kaniya dahil may nangyaring hindi inaasahan. Dahil sa mga taong hindi ko inaasahang dadating sa buhay ko.

Nerd na lang ba ako palagi sa paningin niya? Kasi kung oo, HINDI AKO NERD! Period.

~~~

Author's Note: Sorry po kung medyo boring *u* Pero tinry ko naman po yung best ko :) Salamat po sa mga nagbasa. ^w^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HINDI AKO NERD! Period.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon