Forevermore 6

138 5 0
                                    

Click the external link. Thank you. :)






Chapter 6






Ang swerte ko talaga sakanya. Sobrang ganda niya. "Baka naman matunaw si Chandria niyan." Pangingialam ni tita. Napangiti na lang ako habang tinititigan si Kath. Sinusukatan siya para sa wedding gown niya.






Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na malapit na kaming ikasal. Naaalala ko pa nung magkakilala kami. Nakakatawang isipin na si Ms. Maarte pala ang makakasama ko panghabang-buhay. May forever samin ni Kath.






"Tulala? What are you thinking honey?" Nakangiti niyang tanong sakin. Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Kath. Hindi ko namalayan na tumabi siya sakin.






Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Naalala ko lang when we first met reyna ko." Tugon ko kasabay ng paghaplos sa napakaganda niyang mukha.








"Reminiscing huh?" Sambit niya kasabay nang paghalakhak niya. Tumango ako.






"Yeah. Naalala ko pa nung pasimple mong kinuha ang number ko." Pang-aasar ko sakanya. Nakatanggap ako ng mga hampas. Napakasadista talaga ng reyna ko. Pero hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino.






"Naalala ko pa nung pinagselosan mo si Zharm nun." Dagdag ko kasabay ng halakhak.






Nanlaki ang mga mata niya. "OMG! How did you know? Sinabi ni Julia sayo?" Tanong niya sakin.






"Hindi. Pero narinig ko. Kunwari ka pa nun, crush mo naman talaga ako una pa lang." Oo narinig ko yung pag-uusap nila sa canteen noon.






Inirapan niya ko kaya naman mas lalo ako natawa. "Whatever Daniel." Napakasarap asarin. Hindi pa rin nagbabago, pikunin pa rin.






"Pati yung mga babaeng bumabati sakin sa school noon na di ko naman kakilala pinagseselosan mo." Ani ko.








"Talaga! Nag-hehello ka naman pabalik? Gumugusto! Che!" Ang selosa kong reyna.






Nginitian ko siya. "Asus walang-wala naman sila sayo noh. Wag ng selosa. Relax baby girl, I'm yours." Nakita ko naman na ngumiti siya pero pilit niyang tinatago. "Uy kinikilig yan!"






"Che! Wag ka nga!" Pakipot talaga. Haha.






"Nako! Pabebe!" Ayan nanaman si tita. Aasarin si Kath. "Tita! Naiinggit ka nanaman! Wala ka kasing ka-forever." Asik ni Kath.






"Excuse me Cha. Hindi kaya. Walang forever!" Ayan nanaman silang dalawa. Ang unang napikon talo.






"Bitter! Buti pa sila ate Ems bumubuo na ng forever. Napagiwanan ka na ng panahon tita." Pang-aasar ni Kath. Haha. Mean girl.






"Aba! Bastos kang bata ka. Nako DJ pagsabihan mo yang si Cha. Baka di ako makapagpigil agawin kita. Tayo gagawa ng forever." Kaya naman napasimangot ang reyna ko. Haha. Tita talaga.






"Tita! DJ oh." Tila nagsusumbong na saad habang yumayakap sakin. Nanglalambing. Ah! Sarap sa pakiramdam. Nakakatanggal pagod.






"Tita stop na. Naiistress na ang reyna ko." Natatawang sabi ko. Napangiti naman ng malapad si Kath at humigpit ang yakap sakin. Nakahanap ng kakampi kaya ganyan.






"Okay baby boy stop na." Ani ni tita. Bumaling naman ang tingin nito kay Kath. "Maaaring ikaw ang nagwagi ngayon Chandria, pero hindi pa tapos ang laban. Che! Pabebe ever!" Dagdag ni tita bago pa siya sukatan ng gown.






Natatawa na lang ako sakanilang dalawa mag-tiya. "Baliw talaga yun si tita." Natatawang saad ni Kath.






"Parang ako, baliw sayo. Forever na tayo, bawal mo na kong iwan." Sabi ko sakanya. Napangiti naman siya ng pagkalapad-lapad. Kinikilig yan.










"Nako. Inlove na inlove talaga sakin! ASA. Hindi talaga kita iiwan noh. Sorry honey but you're mine." Yan naman ang gusto ko! Napakagaling talagang magpakilig ng reyna ko.






"I love you my queen." Sambit ko. "I love you too." Sagot niya.






Napakasarap talagang mainlove. Lalo na sa katulad ni Kath. Hindi-hindi ko hahayaang magkahiwalay nanaman kami.








Ang pag-iibigan namin ni Kath ay parang mga pabebe girls, walang makakapigil.

Forevermore (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon