Chapter 11- Ang Nakaraan

28.2K 417 83
                                    

"Nakaalis na si Fritzy..", sabi ni Brenda kay Amanda na nasa terrace at umiinom ng alak.

"Mabuti naman! Baka kung ano pang magawa ko sa kanya.."

Lalapit sana si Brenda kay Amanda pero pinaalis siya nito. Gusto daw nitong mapag-isa. Walang nagawa si Brenda kundi ang umalis sa tabi ng kaibigan.

Sa pag-iisa ni Amanda..Bumalik ang isip niya sa nakaraan..

flashback

Ang grupo nilang magkakaibigan ay kinaiingitan sa school nila dahil lahat silang lima ay magaganda at maykaya sa buhay. SIna Firtzy, AManda, Brenda, Charity at Viola. Fourth year high school lahat sila.

Pero sa kanilang lima si Amanda ang unang nagka-nobyo.

Si Lucas.

Sikat din si Lucas sa school, dahil gwapo ito at galing sa mayaman na pamilya. Honor-student din ito.

Masaya naman ang naging pagsasama nila. Hanggang...

"Amanda..May sasabihin kami sa iyo about sa boyfriend mo!", halos pabulong na sabi ng apat niyang kaibigan sa kanya.

"What it is?"

"Bakla si Lucas!", si Brenda.

"Anong bakla? Wag niyo nga akong lokohin!"

"Believe us! Nakita namin siya with Renzo sa likod ng Social Hall. They're kissing! Yuck! Bakla talaga si Lucas!", si Charity.

Hindi makapaniwala si Amanda sa sinabi ng mga kaibigan.

"Hindi ako naniniwala sa inyo!". at tumakbo palayo si Amanda.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw, dinala ng apat si Amanda sa isang kubo sa gubat.

Laking gulat niya ng makita si Lucas na nakatali sa bangko.

"Anong ginawa niyo kay Lucas?!", tanong ni Amanda.

"Papaaminin natin siya!", si Viola.

Nakatingin lang si Lucas kay Amanda. Humihingi ng tulong.

Nag-umpisng tanungin ito ni Brenda.

"Lucas..Bakla ka ba?"

"Hindi ako bakla!"

Malakas itong sinampal ni Charity. Halos tumabingi ang mukha nito.

"Umamin ka na! Wag mo kaming ipahiya kay Amanda!"

"Wala akong aaminin sa inyo!"

Nagsindi ng sigarilyo si Viola at ibinigay iyon kay Charity. Walang magawa si Amanda, baka isipin ng mga kaibigan niya ay kinakampihan niya si Lucas kesa sa mga ito.

Inilapat ni Charity ang sigarilyo sa talampakan ni Lucas. Nagsisigaw ito sa sakit.

"O-oo na..Bakla na akoooo!!!", pag-amin nito.

"Lu-lucas......", napaluha na si Amanda.

Nagulat ang lahat ng sumigaw si Brenda. Paano kasi ay isnag bahagi na ng kubo ang nasusunog. Dali-daling lumabas ang lahat maliban kay Amanda dahil pilit nitong tinatanggal ang pagkakatali kay Lucas.

"Amanda..Tulungan mo ako....!", pakiusap ni Lucas.

"Oo..Lucas!"

Mabilis ang pagkalat ng apoy.

Sa labas ng kubo....

"Asan si AManda?", tanong ni Viola.

"Nasa loob pa siya!", si Brenda.

Dali-daling pumasok si Brenda sa nasusunog na kubo. Nakita niyang pilit kinakalagan nito ng tali si Lucas.

Hinigit niya ito palabas kahit nagpupumiglas itong ililigtas nito si Lucas. Matagumpay naman niyang nailabas si Amanda.

Narinig nila ang malakas na pag-iyak ni Lucas......

Nangako silang lima na walang makakaalam ng pangyayaring iyon.

Kinabukasan. bumalik si Amanda sa kubo. Wla nang natira doon kundi abo lamang...Hindi niya namalayan ang isang tao na papalapit sa kanya at ang malakas na paghampas nito sa kanyang ulo ng isng matigas na bagay...

end of flashback'

Napasigaw si Amanda. Sumasakit na naman ang ulo niya.

Narinig ni Brenda ang sigaw ni Amanda kaya pinuntahan niya ito sa teresa...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

InggitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon