"Sa tingin ninyo mga bata totoo ba na walang walang hanggan?" saad ng guro sa lahat na nagbigay naman ng labis na tensyion sa mga hayskul lalong lalo na sa mga iniwang sugatan ng kanilang kasintahan at mga may pinaglalaban.
Isa na rito si Desteen, ang babaeng sobrang naniniwala na walang walang hanggan sa mundo ay nagtaas ng kamay.
"Sir totoo pong walang forever dahil kung meron hindi sana tayo namamatay at wala sanang katapusan ang mga bagay na ating nakikita at nahahawakan." taas noong sabi nito na hindi naman sinang-ayunan ng kanyang dating kasintahan na kaklase niya rin.
"Sir!" sambit ni Elijah at nagtaas ng kamay na pinakingan naman ng guro.
"Sir, totoong may forever. Ito ay nakadepende lamang sa tao kung paano niya nararamdaman ito at kung sino ang nagpaparamdam nito." tinignan ni Elijah si Desteen ng mata sa mata ngunit inarapan lamang siya ng binibini dahil sa labis na iritasyon sa pagkontra nito sa kanyang sinabi.
Hindi nagpatalo si Desteen sa debateng nagaganap sa kanilang dalawa ngayon, kung kaya't nagtaas rin siya ng kamay.
"Oh! Desteen, ano ang nais mong sabihin?" tanong ng guro upang mabasag ang katahimikan ng buong klase dahil sa tensiyon na namamagitan sa dating magkasintahan.
"Sir, walang forever, dahil kung meron. Bakit may salitang katapusan at wakas sa bawat relasyon, buhay, karanasan, at pag ibig?"nagpalakpakan ang buong klase maliban kay Elijah na agad nagtaas ng kamay.
"Ano iyon iho?" labis ang pagtataka ng guro kung bakit dalawa lamang ang sumasagot sa kanyang tanong ngunit nasisiyahan rin siya sa bawat argument na binabato ng dalawa sa isa't isa.
"May forever Desteen parang yung nararamdaman ko sayo walang katapusan kung baga sagad hanggang buto"naghiyawan ang buong klase at labis na namula si Desteen sa sinabi ng binata na napalitan din naman ng inis na nagbigay lalo sa kanya ng lakas ng loob para kontrahin at barahin ito.
"Sir!" saad ng dalaga na nakakuha ng lahat ng atensyon ng buong klase pati na rin ng guro na tumango naman na nagpapakita ng pagpayag.
"Kung may forever bakit tayo naghiwalay?" taas kilay na sinabi ni Desteen na nagpag-ingay sa buong klase at nagpanganga kay Elijah.
"May nais ka bang sabihin iho?" saad ng guro na nagpabalik sa wisyo ni Elijah na biglang tumayo at nagsalita.
"May forever Desteen kasi hindi naman tuloy tuloy ang forever pwedeng huminto ng saglit o matagal pero tutuloy pa rin at hindi ibig sabihin na naghiwalay tayo ay wakas na malay mo kabanata 45 ka pa lang wala ka pang epilogue. Huminto lang tayo pero pangako ko sayo may wakas man itong istorya natin ang pagmamahal ko sayo wala kahit umabot pa tayo sa dulo ng forever kung meron man." ngumiti ang binata sa dalaga ngunit labis na nagulat ang lahat ng tumayo si Desteen at tumakbo palabas ng silid aralan .
"Saglit lang po sir." saad ni Elijah at mabilis na sinundan ang dalaga na agad naman niyang nakita sa hagdan kung kaya't lumapit siya dito at nasigurado niyang umiiyak ito base na rin sa paggalaw ng balikat nito.
"Dati naman akong naniniwala sa forever eh, kaya lang iniwan mo ko." nagulat si Elijah sa sinabi ni Desteen at hindi siya lalong nakapagsalita ng tignan siya nito sa mata habang umiiyak.
"Shh. Wag ka ng umiyak prinsesa ko, nadudurog ako pag ganyan ka" ngumiti ang binata at hinagkan ito sa noo habang sinasabi.
"Ipagpaumanhin mo ang aking pagliban ngunit nandito na ulit ako para itama ang aking maling desisyon na hindi ipaalam sayo ang pagpunta ko ng Amerika upang magpa-opera sa puso. Pasensya na kung nawala ako ng dalawang taon mahal ko" labis ang pagkagulat ni desteen sa kanyang natuklasan na lalong nagpa iyak sa kanya.
"Okay ka na ba ngayon Elijah?" mahinang tanong nito sa binata na napahaklakhak sa binatid ng dalaga.
"Oo naman kaya nga ako nakabalik para kuhain ko muli ang nawawalang kabiyak ng puso ko." napatawa naman ang dalaga sa kakornihang ipinamalas ng binata.
Napahagikgik naman ang mga apo ni Lola Desteen at Lolo Elijah sa kuwento ng kanilang pag ibig.
"Di may forever po lolo at lola?" inosenteng tanong ng apo nila na nagpatawa sa kanila at sabay sinabi na...
"Sa ating puso ay may walang hanggan na kahit mamatay pa tayo hindi pa rin nagtatapos at kahit anong mangyari ay walang wakas."