---/ Paul's POV /---
Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko sa may opisina ko.
Hais.
Isa pang buntong hininga.
Isa pa ulit.
Ang daming nangyari sa mga nagdaang Linggo.
Saan ko ba sisimulan ang pagbabalik tanaw ko?
Sige sa pag-stay na lang ni Mean sa Hacienda.
*Tentenennenneeeeennn* FLASHBACK *bussshhhh*
Maganda ang gising ko. Hindi ko alam bakit pero maganda ang gising ko. Pagkaayos ko sa sarili ko ay agad kong pinuntahan si Mean. Nakita ko na naman ang itsura niya pag bagong gising.Nakakatuwa talaga siya. Walang arte. Inaya ko na itong bumaba at nang makapag almusal na din. Masaya kaming nag-aagahan ng biglang may dumating na bisita si Dad. Si Mr. Benedict de Asis. Nagulat na lang ako ng malaman na kakilala pala siya ni Mean. At ang pinaka nakakagulat sa lahat ay ex-lovers sila. Tapos ang walanghiya. Bigla nalang yayakap kay Mean. Bigla kong binitawan ang baso para hindi matuloy ang pagyakap nito.
"I'm sorry. My hand slipped." nakatiim bagang kong sabi. Dahil sa ginawa ko ay sa akin nabaling ang attensyon ng lahat.
"Are you okay, Paul?" tanong ni Nika. Tumango lang ako. Di ko na pinansin ang sinabi nito.Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Who are you?" seryosong tanong ko.
"Benedict. Benedict de Asis. I'm pretty sure you are their son, Paul, right? Nice to meet you." nilahad pa ang kamay nito.
Tinanggap ko naman yun at seryosong nakatingin dito. "What is your business here, Mr. de Asis?" seryosong tanong ko pa dito. Sinabi nito na gusto nitong bilhin ang isang bagong panganak na stallion namin. Nagbrebreed din kasi kami ng mga maagandang tipo ng kabayo. Sinabi naman ng tatay ko na ilibot ko na din ito. Isama ko na din si Nika at Mean. Tumango lang ako. Tahimik naman kami na naglalakad at naririnig ko ang pag-uusap nila Mr. de Asis at Mean sa may likod namin.
"Mean...I'm so happy to see you again after all theses years. Your family transferred after you graduated from high school. I never thought that I'll see you again." masayang sabi nito.
"Yeah. Oo nga. Ako din eh." What? masaya siya na makita ulit ito?
"Really? Masaya kang makita ulit ako?" masayang tanong nito at umakbay pa. Nakita ko yun at uminit agad ang ulo ko.
Tumikhim muna ako. "We're here. They will bring the horse that we'll need." seryosong sabi ko sa kanila. Tumingin lang ako saglit kay Mean at sumunod sa isa sa mga tauhan dito.
BINABASA MO ANG
Beyond the boundary (Complete)
Aktuelle LiteraturThere is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and tears. A boundary between reality and dream. A boundary between hate and Love. This is an early 1970...