Me and My Bestfriend's Confession

12 0 0
                                    



"Yel matagal ko na itong gustong sabihin sayo... Gusto kita." ang pagtatapat ni Kento sa kaibigan niyang si Yel.


Nagulat si Yel nang marinig niya ang pagtatapat nito. Pareho pala sila ng nararamdaman at tama ang kutob ni Erean sa kanilang dalawa.


"Ah Kento-"


"Yel sorry kung tinago ko ito, ayaw ko kasing masira yung pinagsamahan natin... baka kasi kapag sinabi ko agad, lumayo loob mo sa akin at yung pagtrato mo sa akin magbago." paliwanag ni Kento.


Pareho kami ni Kento ng dahilan kung bakit ayaw kong magtapat sa kanya pero hindi ba dapat masaya ako dahil yung taong gusto ko nagtapat na sa akin?... Kaya lang hindi eh... pag-ukilkil sa isip ni Yel.


"Okay lang Yel kung wala ka pang maisasagot sa akin, kaya ko namang maghinta-"


"Gusto rin kita Kento." pagtatapat ni Yel sa kanya.


"Ye-yel??" pagka-utal na sabi ni Kento dahil hindi niya akalain na pareho sila ng nararamdaman.


"Matagal na kitang gusto... tulad mo ayoko ring masira ang pagkakaibigan natin, nagkagusto na ako sayo since nung 1st year college tayo. Pero Kento-"


"Sandali... hindi ako sanay na ganyan ka... ah pwede hinay hinay lang? Baka himatayin ako dito eh." kinabahang sabi ni Kento sa kanya.


"Pero dati yun." dagdag ni Yel.


Nanlaki ang mga mata ni Kento at kinakabahn sa sasabihin pa ni Yel.


"Gusto kita Kento, pero dati yun... pasensiya na kung sinabi ko agad sayo ito, ayoko namang paasahin ka ng dahil lang sa gusto kita, totoong nagustuhan kita dahil sa pagiging thoughtful mo, sa pag-aalaga mo at sa pagpapasaya mo sa akin, hindi nga ako nagkamali sayo pero hindi na talaga kita gusto ngayon... so-sorry." malungkot na pagpapaliwanag ni Yel sa kanya.


"Minahal mo ba ako?" tanong ni Kento.


"...." pagtahimk ni Yel.


"Kasi nung nagustuhan kita unti-unti naman kitang minamahal lalo ngang tumindi yung nararamdaman ko sayo Yel."


"Kento, hindi kita mahal." deretsong sagot ni Yel.


"May pumalit ba? Kaya nawala pagkagusto mo sa akin?"


"Alam kong magagalit ka kapag sinabi ko."


"Oshiete... dare?"


Huminga nang malalim si Yel at saka sinabing... "Si Fuma."


"...siya pa talaga ah?" Sabi ni Kento at ngumiti ito kay Yel.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon