CHAPTER I: My life is in my bestfriend's hands

900 16 0
                                    

*Flashback*

When I was in grade 6, I had my first boyfriend. Di naman talaga nya ako niligawan, pero paano ko nasabing kame na? Wala lang. Kase sabi nya. But after a week- A WEEK lang ha?!- nakipagbreak sya kasi kinahihiya nya ako. Because he’s my first ever boyfriend, ang hirap magmove on. That’s the time na I learned to drink alcohol at the age of 12.. 

Nasa 1st year highschool ako, one of the most popular guy sa school namen ay naging boyfriend ko. But nalaman ko na isa lang yung palabas para ipahiya ako sa school namen, na siguro para ipamukha sakin na asa namang maging boyfriend ko ang guy na yun, yung parang gusto nilang ipalabas na feelingera ako. And for the second time, nasaktan na naman po ang inyong lingkod.. pero di nako natututo, 3rd strike..

Nasa 2nd year HS ako, niligawan ako ng classmate ko, pero dahil yung bestfriend ko ang naging tulay namen, ang end na sila ang nagkatuluyan. THE END.

For the third time, paulit- ulit lang akong nasasaktan, ano bang ginawa ko sa kanila para saktan nila ako ng ganito? At yun nga, dun ako natutong makipagbarkada sa mga adik, nagsimula akong magrebelde, naging pasaway at lakwatsera. I promised to myself na hinding hindi nako magmamahal ule.

*End of Flashback*

Lumaki ako kasama ang Mayordoma namen, oo na po. Mayaman nga kami, pero I super hate my life, okay? Dahil laging busy ang parents ko working abroad, hindi nila ako nagabayan ng ayos. Wala namang magagawa ang Mayordoma namen dahil takot sya saken. Bunso ako sa tatlong magkakapatid, puro kame lalaki, este dalawa ang kuya ko pero they’re both working abroad. Si kuya Hanz sa Italy and kuya Alex sa Mexico.

Nagulat ako ng mag kumatok sa kwarto ko.

“Ma’am Elise, nasa baba po si Miss Jenny.” Narinig ko sa Mayordoma nameng si Cassandra. She’s only 43, she spent her whole life taking care of our family. I opened the door.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wag mo akong tatawaging Ma’am!!” Sigaw ko.

“Ipagpaumanhin nyo po Ma’am Elise,” Mahinahon nyang sabi. “Sinusunod ko lang po ang utos ng mga magulang nyo.”

“Bakit? Nandito ba sila?!”

“Ipagpaumanhin nyo po ule, sasabihin ko na lang po kay Miss Jenny na pababa na po kayo.” At umalis na sya.

Si Jenny ay kababata ko, bestfriend ko sya since birth. OA ba? Sinasabi ko lang yung totoo – she’s not the one I said earlier na nakatuluyan nung nanligaw saken. – si Jenny yung mahilig sa mga boys. Nasa gitna nako ng stairs. Nakita ko si Jenny, she’s wearing pink skirt, pink tanktop at heels, kulot angg mahaba nyang buhok, maraming abubot sa katawan and she even wears make-up.

“Oh?” I said kaya napatinggin sya saken. “Ano na namang kailangan mo?!?”

 “Bumaba ka nga dito!!” Sabi ni Jenny. Nagkamot ako ng ulo at bumaba.

“Bakit ba?”

“Bakit???” Sarcastic ang pagkakasabi nya, “Tingnan mo nga yang sarili mo!? Daig mo pa ang pulubi sa kalsada! Eeew!” Tiningnan ko ang sarili ko.

“Wala namang problema ah!”

“WALA!?!? XXL na shirt na mukhang di pa nalalabhan? Jogging pants? Gulogulo ang buhok? At hindi kaaya ayang amoy? Para kang nakatira sa squaters, Bes!”

“Wala namang makakakita saken dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay!”

“2 weeks na lang magpapasukan na.”

“So what?”

“So what?! You need a TOTAL make over!”

“NO! Ayoko!!” Tumakbo ako sa kwarto at ni lock ang pinto. “Elise! Elise! Buksan mo ‘to ngayon na!” Sigaw ni Jenny habang kinakalampag ang pinto.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon