Kung ang mga angel ba nagkasala napaparusahan agad sila? Posible din kaya silang magkasala? Ano kaya pinagkaiba nila sa tin? May narinig akong hindi daw lahat ng nakakasalubong natin araw-araw ay tao mayroong iba na nagaanyong tao lang. Sila kaya yun? Di ba angel sila? Bakit sila nakikisalamuha satin? Kasama din kaya sila sa mga creation ng Panginoon?
Madami talagang misteryo ang daigdig, ang buhay at ang may likha.
Pinanganak akong katoliko. Gaya nang iba at karamihan sa amin, bata pa lang ay nag fflores de mayo na. Parte ata talaga yun ng mga batang katoliko. Yung every summer na pag-aaral sa aral ng bibliya, yung mga taong nakasalamuha ng Panginoon, tapos magtatapos sa kanta at merienda.
Si Zakeo maliit na tao
Maliit na tao si Zakeo
Umakyat siya sa puno
La la la la laHahahaha. Naalala ko pa din pala kahit papaano. Labing limang taon na rin ng matapos ako sa aking pagkabata. Pero tama nga ata sila kung kelan tumatanda ang tao bumabalik sa pagkabata. Masaya kaya. Laro at tawa lang yung gagawin at ang tanging problema lang ay kung masugatan at ang dagdag na sermon ng nanay.
Day after day
Time passed away
And i just cant get you off my mind~Dinukot ko ang cellphone sa bag at sinagot ang tawag.
"Euboseyo?" Tumawa ako.
"Tsk. Antagal!"
"Five minutes," saka ko binaba agad ang tawag.
Inaantay ako ng isang tao sa kanto habang ako naman ay nagkatambay lang sa loob ng public cemetery. On the way kasi kanina sa pupuntahan niya kaya nakisabay ako para walang pamasahe, syempre.
Two years din akong di naka dalaw sa Mommy ko, tita ko siya actually, na kapatid ni Papa. Hindi sila kasi nasa iisang sementeryo kaya't mahirap din ang magpalipat lipat ng bayan. Busy pana man din ako sa trabaho ko.
"My, alis na po ako. Sa susunod naman po. Sa susunod ko na din po dadalawin ang papa,pakisabi na lang,okay?"
Tumayo na ako sa maliit na gutter at nag umpisang maglakad palabas ng may kasukalang sementeryo. Hininaan ko ang volume ng cellphone at isang ear plug na lang ang sinaksak ko sa aking tenga para kahit papaano aware ako sa tunog ng paligid. Nakaplay ang buong kanta ng westlife at paliko ako nun sa halos limang palapag na patong patong na mga nitso ng tumama ang paningin ko sa isang pamilyar na mukha.
"Talking to a dead person is like talking to air, so non sense," aniya.
Nagkibit balikat ako. Ito na ata ang bunga ng fruit of knowledge na kinain nina Eba at Adan. Iba't ibang paniniwala. "Kanya kanya lang yan, Gab."
"Mga tao talaga mahilig sa kanya kanya," nasusuyang ngumiti ito sa akin na sinuklian ko na lamang ng ngiti, safest answer next to silence. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at plano sanang lagpasan na lang siya.
"Why smile, dear Angel?" Hinawakan nito bigla ang palapulsuhan ko.
"Hindi natin kailangang pagdebatehan to, Gab ,let me go," pinipilit kong kumalas sa mahigpit at bone crushing niyang hawak pero walang nangyari.
Nakatitig lamang siya sakin. Ang mga mata niya ang pinakakakaiba sa lahat. Maitim na maitim na kung magkakatitigan kayo ay parang unconsciously pumapasok ka sa isang trance.
Napa igik ako at napalapit sa kanya ng mas hinigpitan niya lalo ang hawak sa palapulsohan ko. Nakakaihi ang sakit at parang naiiyak na ako dahit sa tindi ng pagkakahawak niya.
"A-aw Gab. Ano ba!" Namumutla na ang daliri ko dahil sa kawalan ng dugong dumadaloy.
"I love it when you're begging, when you're crying in pain and..this," lumagatok at tumunog ang buto ko.