Chapter 10

2.3K 67 22
                                        

unedited.

Chapter 10:



Cairo:

Sorry, hindi ako nakapunta kanina sa room niyo. May training na kasi kami :(

Pwede ngayon na lang? Nakauwi ka na ba?

Nag-seen lang siya sa message ko sa kan'ya. Hindi ko na lang hinintay ang reply niya, lumabas ako ng gymnasium at dumeretyo sa room nila. May mga tao pa naman doon.

"Sino hinahanap mo?" Nagulat ako nang biglang may sumulpot na babae sa harap ko nang sumilip ako sa room nila para tignan kung nandoon pa rin ba siya.

"Uh... Si Andrei." Sagot ko.

Ngumiti ang babae, "OMG! Ikaw ba si Cairo?" Mahinang sabi niya, parang excited pa siya na malaman kung ako ba ang Cairo na tinutukoy niya.

Tumango ako. Mas lalong nagning-ning ang mga mata niya, "OMG! OMG!" Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay. Kumunot tuloy ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Si Andrei hanap mo, right?" Sabi niya ulit, parang kumalma na sa hindi ko malaman pagkataranta niya kanina. "Wait lang, I'm sorry. I'm just too excited kasi, e. My ship is sailing kasi." Patuloy niya.

Mas nagtaka ang tingin ko sa kan'ya. Ship? Sailing? Ano 'yon? Nagmamay-ari ba sila ng mga barko? Ano namang kinalaman ko roon? Mukha ba akong barko?

"O- okay lang po." Nahihiyang sabi ko. Ang lawak na kasi ng ngiti niya sa'kin. Nahiya ako bigla.

"Okay, wait tatawagin ko lang si Drei." Sabi niya at bumalik sa loob ng room nila.

"Drei! Nandito si Cairo!" Sigaw niya. Sumilip ako sa loob, nakita ko nga si Andrei kasama ang mga kaibigan niya, nagkakantahan sila roon. Mukhang may pina-practice sila.

Nakita kong lumingon siya sa gawi namin, kumunot pa ang noo niya nang makita nga niya ako.

Bumaling siya ulit sa mga kaklase niya, may sinabi sa mga roon saka siya naglakad palabas.

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya sa'kin nang makalapit siya.

"Uhm... ano kasi," nag-aalangang sabi ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Ano?" Masungit na sabi niya. Para na namang nawawalan na naman siya ng pasensya sa'kin.

"Sorry kanina." Mahinang sagot ko. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Okay lang. Alam ko naman na mas pipiliin mong kasama si Marco kaysa sa'kin." Sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kan'ya. "Next time, sabihin mo na lang sa'kin na ayaw mo akong kasama para hindi ko na ipipilit sarili ko." Patuloy niya.

Napatulala ako dahil doon, tumalikod siya sa'kin kaya nataranta ako. Hala naman.

"Teka lang," pigil ko sa kan'ya. Hinawakan ko pa siya sa braso niya, pero agad ko ring binitawan nang tumingin siya roon.

"Sorry," yumuko ako. "Hindi naman sa ayaw kitang kasama." Mahinang patuloy ko.

Napalunok din ako bago ulit magsalita, "Niyaya niya kasi akong sumabay sa kan'ya, hindi ako makatanggi kasi kapag wala rin akong kasama kumain sa canteen ay sinasamahan niya ako." Sabi ko.

"Sorry kung hindi ko man lang tinanong sa'yo kung okay lang ba sa'yo na isama natin siya. At hindi ko naman intensyon na maramdaman mong hindi ka belong doon kanina." Patuloy ko.

Tumingin ako sa kan'ya, nahihiya na talaga sa kan'ya. Kung marunong lang siguro akong tumanggi, e, di sana hindi ko napa-feel sa kan'ya iyong kanina.

Umiwas ulit ako ng tingin sa kan'ya, "Sorry po talaga." Sabi ko saka ako tumalikod. Naglakad na ako paalis sa room nila. Hay nako, ayaw ko pa naman iyong ganito, ayaw kong may makakaramdam na hindi siya belong kapag kasama ako. Alam ko kasi talaga ang pakiramdam no'n.

Under His Umbrella | [Lavender Band Series #3] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon