Dumaan ang mga ilang araw, pagkatapos magtapat nina Kento at Yel sa isa't-isa ay nawala rin ang pagkailang ng dalawa dahil magkaibigan naman sila at pinalabas na lang na walang nangyaring love confession.
Sumunod na mga araw ay may kumakatok sa bahay nina Yel, tiningnan naman iyon kung sino.
"IKAW?" pagkagulat ni Yel sa taong iyon.
"Kumusta?" pagbati ni Fuma.
Isinara muna ni Yel ang pintuan ng kanilang bahay at nag-usap ang dalawa sa labas.
"Wow? Mangangamusta ka na parang walang nangyari?? HA?? ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA PA SA AKIN? PAGKATAPOS MONG IWAN!!" galit na galit na pagkasabi ni Yel kay Fuma.
"Teka nagtatampo ka ba?"
"MALAMANG MASISISI MO BA AKO?! NABALIW AKO NUNG UMUWI KA SAGLIT NUN NA HALOS ISANG LINGGO! KAINIS KA ALAM MO BA YUN?!" at hinahampas si Fuma sa braso nito dahil matinding galit.
"Teka ang sakit na niyan ah? Heto na nga ako oh?!"
"Tse! Sana hindi ka na lang bumalik dito kasi sabi ng adviser natin na dun mo tatapusin yung pag-aaral mo diba? Maganda yun para wala nang nag-iingay na bibe sa akin!"
"Yan ka na naman ah? Umuwi lang ako saglit dahil gusto kong sabihin sayo na okay na kami ng Papa ko, siguro nakonsensiya siya sa mga sinabi ko hehe kaya okay lang daw na ituloy ko career ko as long as hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko... tapos hindi na rin sila nag-aaway ni Mama."
"Ah mabuti naman kung ganon, oh umuwi ka na!" pagtaboy ni Yel sa kanya.
"Teka ano bang problema? Dahil ba sa hindi ako nag-paalam sayo tulad ng dati?"
"OO! DAHIL HINDI KO PA NASASABI SAYO NA MAHAL KITA TAPOS BIGLA KANG MAWAWALA NA PARANG BULA?! NAPAKA MO TALAGANG BIBE KA!
"Ma-mahal mo ako??"
"Bingi ka?? Mahal nga kita diba?"
"Hindi gusto ko lang ulitin mo eh hehe."
"Oh sige nasabi ko na ang gusto kong sabihin umuwi ka na."
"Teka, may nakalimutan ako."
"Ano? Wala ka namang naiwan dito ah?"
"Meron..."
"Ano?"
"Ikaw... kaya sasama ka sa akin." pa-anyaya ni Fuma kay Yel.
"Ha? Te-teka wala akong passport."
"Akong bahala dun, tara na!"
"Teka magdadala ako ng gamit."
"Huwag na, bibilhan na lang kita."
"Teka ulit, magpapaalam lang ako..." tinawagan ni Yel ang kuya niya. "Hello, kuya... punta lang akong Japan babalik din ako agad bye!"
"Ano? Yel, teka-" biglang binaba ni Yel agad ang tawag.
At tuluyan ng umalis sina Fuma at Yel patungong Japan. Hindi naman magtatagal si Yel doon, dahil ipakikilala siya ni Fuma sa mga magulang niya. at siyempre nagde-date na rin ang dalawa. Katulad ng pinangako ni Yel kay Kento ay sinabi niya na boyfriend na niya si Fuma at sinigurado niyang si Kento ang unang makaka-alam about sa kanila.
(author's note: ayun natapos rin hahahaha XD thank you sa mga nagbasa nito at sa magbabasa pa lang thank you in advance ^^ uhm... Eru !! hahahah eto tapos na... sorry kung natagalan haha XD
God Bless you all )
BINABASA MO ANG
Like? or Love?
RandomPrologue: Si Yel ay isang matalino, masipag at makulit na college student, si Kento ay isa namang half Japanese, half Filipino na bestfriend ni Yel, pareho silang nag-aaral sa isang Multimedia College, pareho rin ng kursong kinuha. May secret feeli...