Epilogue
"Sorry na nga, bestie...you know naman ang lola mo, super busy here, there and everywhere! I promise with all my heart and soul, sa susunod pupunta na talaga ako!" Ani Dane a.k.a Daniel habang kausap siya sa cellphone.
Isa na siyang established fashion designer dito sa Pilipinas kaya hindi kataka-takang parating fully-booked ang schedule nito. Simula noong nagkabati kami, mas lalo pa kaming naging close.
Sinisermunan ko siya dahil siya lang ang wala sa gathering namin kahapon. Every 6 months nagtitipon-tipon kaming magkakaibigan kasama ang mga kaibigan ni Christian. Naging tradisyon na namin iyon mula ng ipanganak ko ang bunso naming si Chrizane. She's now 4 years old.
"Hmp, totoo ba 'yan? Hay naku, bestie! puro ka na lang ganyan. Kung hindi ka late, hindi ka naman sisipot." Kastigo ko sa kanya habang hinahaplos ang maumbok kong tiyan. Kabuwanan ko na kasi kaya pamaya-maya na ang kirot.
"Promissse! Trulala na!...Nga pala, kelan ang due date mo?" Sa akin lang niya ginagamit ang gay linggo niya pero pag sa iba, daig pa niya si Channing Tatum kung umasta.
"This month na."
"Alam n'yo na ba ang gender?"
"Yep! It's a boy! Madalas na ngang sumasakit eh. Ngayon nga medyo kumikirot na."
"Ginusto mo 'yan eh! Tiis-Saya at tiis-ganda ka ngayon!" Kahit di ko siya nakikita alam kong nakataas ang kilay nito.
"Hahaha! Loka-loka! Pangatlo pa lang naman 'to noh. Siguro pito pa, titigil na kami." Biro ko sa kanya.
"Huwaat! Balak n'yo bang magtayo ng children factory ni Christian?!" Exagge nitong sigaw kaya nalayo ko ng bahagya ang cellphone sa tenga ko. "Ikaw na 'te! Ikaw na talaga ang may malusog na matris!"
Tumawa ako. "Joke lang, 'no ka ba! Kung nakakahawa lang talaga ang pagbubuntis, ikaw ang una kong hahawaan."
"Ayyy! Bestie! Bet na bet ko 'yan!" Humalakhak pa ito kaya natawa na lang ako sa kanya.
"Mommy! Mommy! Look!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng matinis na boses. Si Chrizane. Puno ng marka ang mukha nito. Tuwang tuwa pa itong pinagmalaki sa akin.
"Naku, bestie, call ka na lang uli mamaya ha. Yung inaanak mo punong-puno ng ink ang mukha." Sabi ko kay Daniel.
"Haha..Oh my! nami-miss ko na ang mga inaanak ko. I have to visit them next week!"
"Siguraduhin mo lang ha! Miss ka na rin nila."
"Sureness, bestie! Ok, I'm signing off now. Babush!"
"Ok, bye!"
Pinindot ko ang end call button saka hinarap ang anak ko. Nagmukha itong pusa dahil sa nakaguhit na mga linya sa pisngi at may itim na bilog sa ilong nito. May balbas at bigote pa ito.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang chubby nitong mukha. "Sweetie, sinong may gawa niyan sa'yo?"
Ngiting-ngiti ito."Kuya, did it!" Proud pa niyang sabi sabay turo sa 7-year old na si Caiden.
Tumingin ako kay Caiden na pilit tinatago sa likod ang black marker ng daddy niya. "Mommy, she forced me to do it! Sabi niya...sabi niya hindi n'ya ako bibigyan ng cupcake pag hindi ko siya do-drowing sa face niya!" Depensa naman niya sa akin na parang naiiyak pa.
Napangiti na lang ako sa kalokohan ng anak ko. Para silang pinagbiyak na bunga ni Christian, tanging ang hugis lang ng mukha nito ang nakuha sa akin.
Pinalapit ko si Caiden sa akin. "It's okay, kuya. I'm not angry with you." Ginusot ko pa ang buhok niya.
Umaliwalas ang mukha niya. "Really, Mommy?"
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...