Dedicated to My Lovely Friend, JustMeSix .
-
-
-
-
-
-
-
-Kinuha ko ang mga barya sa bulsa ko.
"Kuya, paabot."
Agad-agad ko namang sinuot ang bag ko at naghintay sa pag-para ng jeep.
"Para!"
Sigaw ng babae sa harapan ko, school mate ko pala siya.
Dahil sa late na ako naglakasloob akong bumaba kahit na gumagalaw pa ang jeep, bad idea.
*BAM!*
Medyo nakulangan ata ako sa timing.
"Ang tanga-tanga ko talaga."
Pagkatapos kong pulutin ang mga libro kong nakahandusay sa kalsada ay tumakbo na ako papunta sa first subject namin.
"Morning Christina!"
Tinalikuran ko siya, alam ko namang pinaglalaruan nanaman niya ako.
"Ouch! Tagos yun bro!"
"Oo nga."
"Uy Best! Pansinin mo naman si Nathan!"
Nginitian ko siya, na puno ng kaplastikan.
"Good Morning Nathan."
May ngiting lumabas sa labi niya at unti-unting sumingkit ang kanyang mata.
"Mukhang late ka nanaman."
Hirit ni Nathan.
"Yeah.. Nahirapan akong sumakay."
Kinamot ko ang braso ko, ginagawa ko lang yan pagnenenerbyos ako.
"Ikaw kasi puro ka '1D! 1D! 5sos! 5sos!' Yan tuloy palagi kang late!."
Nakatawa ako ng malakas.
"HAHAHAHA I know.. di ko kasi mapigilan."
Biglang naghiyawan ang mga kakalase namin.
"Ang sweet nila!"
Pinigilan ko ang ngiti na pilit lumabas sa bibig ko. Ngunit di ko namalayan na pulang-pula na ang mukha ko.
"Naguusap lang kami! Sweet kaagad?"
"Sobrang defensive mo te!"
"Whatever."
Agad kong kinuha ang headset ko at pinalsak ito sa phone ko, Habang paulit-ulit kong dinadasal kay Lord na di ako nakita ni Nathan.
xx
Natapos na rin ang mga klase namin sa umaga, oras naring kumain.
"Uy Chris!"
Sigaw ng Best Friend kong si Carly.
"What's up?"
"Samahan mo nga ako sa canteen, I'll just buy my lunch."
Dahil mabait akong kaibigan ay sinamahan ko siya.
"Oh best san ka pupunta?"
Hinarang ni Ian ang pintuan.
"Sa canteen, bakit?"

BINABASA MO ANG
Asa (One Shot)
Teen FictionPara sa mga Paasa, Umasa at Umaasa pa rin. rollinglarry 2016 ©