Prologue

97 4 0
                                    

"Please tumigil ka na Sonya!!"

Nag-ddrive ngayon si papa at nasa unahan na passenger seat naman si mama. Kasalukuyan silang nag-aaway ngayon. Sanay na ako sa ganitong siywasyon. Kaya hindi nalang ako kumikibo. Actually may trauma na ako sa ganito.

Kapag nakakarinig pa lang ako ng sigawan, halos hindi na ako nakakagalaw. Minsan dumadating pa sa point na talagang nanginginig na ako sa takot. But this time kinakalma ko nalang ang sarili ko.

"Walang hiya ka! Kung hindi mo pa hihiwalayan ang babae mo, lalayas na talaga ako sa bahay!" Si mama napapasigaw na din.

"Go! Hindi kita pipipigilan!!!" -papa

Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa aking mata. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.

"Mommy huwag mo po ako iiwan" sabi ko habang kinukusot ko ang mata ko.

Nang marinig iyon ni mama, naluha na din siya. I saw her wiping her tears on her face. "No Trisha I won't leave you." iyan ang sinabi sa akin ni mama pagapos niyang punasan ang kanyang luha.

Medyo nakalma na ako sa narinig ko. Tumingin ako sa gawi ni papa, no emotion lang ang mukha niya. O dahil seryoso lang siya sa pagddrive niya.

"Kahit lumayas ka, hindi ko pa din hihiwalayan si Sophia! Mahal ko siya Sonya!" agad na sinabi iyon ni papa, pinamumuka kay mama na hindi siya kawalan kahit lumayas siya sa bahay.

Oo tama ang nabasa niyo. May kabit ang papa ko, Sophia ang pangalan. Sekretarya niya iyon sa company namin. See? Ang sama talaga ng papa ko.

Pero hindi ko na kinaya pa ang susunod na nakita ko.

My mom slapped my dad's right face. Pero gumanti si papa. He punched my mom on the left eye.

"Aaah!! Wilfredo!!!" sigaw ni mama na napasandal na sa upuan hawak ang kanyang namamagang mata.

Pero hindi pa din nakumtento si papa. Hinila niya ang buhok ni mama at sinuntok pa ang kanyang mukha. How rude.

"Daddy tama na po!!!!" awat ko kay papa.

"Manahimik ka jan!!!" tinulak niya ako.

Nakarinig nalang ako ng malakas na busina ng isang sasakyan mula sa harap ng sasakyan namin. Hindi alam ni papa na may kasalubong na kaming van sa kalsada. At huli na ng makintrol ni papa ang manibela upang umiwas sa van.

*buuuugsh*

"Nasaan ako ngayon?" Bulong ko sa sarili ko.

All I can see now is my dad beside me. Nasa hospital ako ngayon at bahagyang naramdaman ko ang sakit sa ulo ko. Hinipo ko ito Nakabenda ang ulo ko. Ang sakit.

"Nasaan po si mommy?" Tanong ko kay papa. Napansin ko din na may konting galos si papa sa mukha at may bandage ang kanyang noo.

"Nasa emergency room."

Bigla akong napabangon sa narinig ko. Nag-aalala ako kay mama, gusto ko siyang puntahan!

"Trisha!! Humiga ka lang jan. Hindi ka pwedeng lumabas! Malala pa ang lagay mo!" pinipigilan ako ni papa. This time tinatanggal ko na ang mga nakakabit sa akin.

"No dad!! I want to see my mom. If you don't care about her, I care for her! Let me go!"

"Trisha!"

*knock knock*

"Come in."

"Are you the husband of Mrs. Sienes?"

"Yes."

Isang doctor ang kausap ngayon ni papa. Kinakabahan ako. He looks worried.

"Any problem doc?"

Tumingin ang doktor sa akin. Nagataka ako, bakit parang hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin?

"Kung maaari po sa labas nalang po natin pag-usa---"

"No! Dito na! Diretsuhin mo ako! Ayoko ng paligoy ligoy, sayang ang oras ko!" sinigawan na ni papa ang doktor.

"Sorry to say this Sir, your wife had passed away."

No! This can't be happening!

Dali dali akong bumangon at pagtatanggalin lahat ng nakakabit sa akin. Gusto kong pumunta sa kung saan naroon si mama. Ayoko maniwala sa sinabi ng doktor.

Nang matanggal ko na lahat, hindi ko na pinansin sila papa. Agad akong lumabas dito sa kwartong ito at pupuntahan ki ang emergency room. Nang makarating na ako, sumilip ako sa glass window at nakita kong may nakatalukbong doon. Hindi na ako nagdalawang isip na pasukin iyon dahil gusto kong masigurado kung si mama ba iyon o hindi.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Totoo nga ang sinabi ng doktor. Nang matanggal ko ang kumot na nakatalukbong, nakita ko ang mukha ni mama na duguan.

"Mommy!!! Bakit niyo po ako iniwan? Ang sabi niyo sa akin hindi niyo ako iiwan!!" niyakap ko ng mahigpit si mama. Hindi ako makapaniwala na wala na siya.

Hindi sana ito mangyayare kung hindi dahil sa kanya.

"Don't worry mom, ipaghihiganti kita." Bulong ko.

I will make my dad's life like a hell.

The Perverse One. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon