Husband Version

7.2K 35 6
                                    

Minsan Dalawang puso'y nagmamahalan

Pero sadyang may mga pangyayaring di inaasahan

Kahit pilitin mang sikilin ang maling nararamdaman

Sadyang ang pag-ibig ko ay unti unting nababawasan

Nangarap tayo magsasama habang buhay

Ang bawat tagumpay sa iyo ko inialay

Nakakalungkot isipin na tayo ay magkakawalay

Dahil sa trabaho kailangan nating magkahiwalay

Mahal na mahal kita at ikaw ang aking mundo

Kaya di ko kailanman inisip na ikaw ay isuko

Pero nitong nagdaang araw, di ko nagustuhan ang tibok ng aking puso

Unti-unti akong naging taksil sa aking binitiwang pangako

Alam ko huwad ang pag-ibig ko sa kanya

Pero siya ang pumupuno sa gabing di ka kasama

Aaminin ko di ko maipaliwanag ang sayang nadarama

Kapag andyan sya ngiti ko ay abot tenga

Patawad sa maling aking ginawa

Ngayon ako'y nalilito, sino ba sa inyong dalawa

Mahal kita pero ayokong mawala siya

Kaalangang pumili at ng di na magsasakitan pa.

Pahiram ng SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon