Chapter 47: Tears from the Past (Part 3)

18 2 1
                                    

CANDY's POV:


Umiiyak parin ako habang nakadapa sa kama. Tama ba itong ginawa ko? Pagsisihan ko ba 'to? Mapapatawad pa ba ako ni Andrei?


"Anak..." narinig ko ang tinig ni Mommy mula sa labas. Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga ko. Agad kong binuksan ang pinto.


"Ano, masaya na kayo?" nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.


"Candy—"


"Just go away! I don't need you!" pagkasabi ko'y bigla kong sinarado ang pinto. Agad naman nagsipatak ang luha ko. I'm so sorry, Mom. But I need to be alone. Kahit ngayon lang.


Wala naman siguro akong nagawang malaking kasalanan? Mabait ako. Mapagmahal. Pero bakit ganito nalang ang takbo ng buhay ko? Bakit ako naghihirap ng ganito?


"Candy! Candy, please. Lumabas ka, d'yan." narinig kong sigaw mula sa labas. Biglang sumikdo ang puso ko. Kahit hindi ko pa sya nakikita, kilala ko na sya.


Gusto kong lumabas. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang yakapin at ipaliwanag sa kanya kung bakit ko'to nagawa pero wala akong lakas na loob. Siguro dahil mahina ako. Kaya ko naman syang ipaglaban pero pamilya na nya ang nakasalalay dito. At hindi iyon kaya ng konsensya ko.


"Candy, lumabas ka! Mag-usap tayo!"


God! What should I so?


"Sir, tumigil na po kayo. Alas onse na po." awat ni manong guard.


"I don't care! Gusto kong makausap si Candy."


"Wala na kayong dapat pag-usapan." tinig ni Daddy. Oh my God! Lumabas si Daddy! Baka kung anong gawin nya kay Andrei.


Agad akong lumabas ng kwarto. Halos talunin ko ang hagdanan, makalabas lang ako ng bahay.


"Please... Let me talk to her."pakiusap nya habang nakaluhod sa harap ng mga magulang ko. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Umiiyak sya habang nakiusap sa parents ko.


Andrei, ano 'tong ginawa mo? Mas lalo mo yata akong pinahirapan.


"Umalis ka na, Andrei. Don't come near me. I don't want to see your face again." agad kong sabi sa kanya. Bigla naman syang napatingin sa'kin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. God, I want to hug him.


"Candy—"


"Just go away, Andrei. Kalimutan mo na ako. Kalimutan mo nang naging tayo."


Parang may kung bumikig sa lalamunan ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang pag-iyak. I need to be strong in front of him. Bigla syang humahagulhol sa harap ko. Alam kong sobrang sakit ang nararamdaman nya. But I don't have a choice.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon